Kabanata 8

1 0 0
                                    

KABANATA 8




"WAHHH GO! GO! KAYA NYO 'YAN!"

Sigaw dito sa gym.

Nandito kami sa Gym, kasali daw ang boyfriend ni Aya sa basketball at saka may liga daw ito ngayon.

Kasama ko si Aya at si Isabelle.

"Serin!" Tawag ko kay Serin

Aba nandito pala siya!

"Oy!"

Agad siyang tumakbo palapit sa akin.

"Ba't ka nandito?!" Tanong ko sa kaniya ng malakas, ang ingay kase ng gym e.

"Hindi mo alam? May liga ngayon ang Kuya mo and I am here to cheering him up!" Masaya niyang sabi at aba! Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng jersey, blue?

"Blue ba ang Jersey nila Kuya?" Tumango siya sa tanong ko

"Oo, bakit ikaw? Ba't ka nandito? E hindi naman basketball player si Kuya, at saka hindi ito ang hilig niya! Pagpipinta at pagsusulat ang hilig non!" Sabi niya pa sakin.

"Aba?!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit si kuya mo ba ang pinunta ko dito? For your information hindi siya ang pinunta ko dito, sumama lang ako kina Aya at Belle!"

Akala mo ha!

"Ikaw e!"

Agad siyang nagpaalam at nakisali na sa mga kababaihan na mag che-cheer sa Kuya ko. Ngayon ko lang makikita si Kuya na magbabasketball.

"Cara dito tayo." Hinila ako ni Aya.

Nang makaupo kami, nilibot ko ang aking paningin. Aba ayos ah, ang daming tao. Mabuti pa dito ang daming tao.

Napatingin ako sa player na paparating, color white ang mga Jersey nila. Biglang tumayo si Aya at Belle.

Siguro nandito ang mga jowa nila.

"Woahhhhhhhh! Go my love! Go! Go! Go! Go my GABRIEL!" Sigaw ni Aya sa kaniyang boyfriend. Grabe makasigaw ah! Malapit pa akong mabingi!

"Go! Mateo! Go Mateo!"

Napatingin ako ng seryoso kay Isabelle. Wow ang cute niya mag cheer, para siyang member ng UNIS kung maka cheering ah!

"Nandito na ang mga player! Who's would you cheer this time, Girls?!" Sigaw ng coaches sa baba.

"Syempre ang team ni Elias!" Sigaw ng kababaihan na may poster pang nalalaman na nakalagay ay ELIAS!

Elias?

Wtf?

Napatingin ako sa paparating.

Gagu?! Akala ko ba hindi siya player? Tangina netong Si Serin! Ang sinungaling!

Nakasuot siya ng Jersey at ang cool niya sa pagkakataon na iyon. Lalo na't may tali siya sa kaniyang ulo na color white rin, at saka ang number pala ng kaniyang Jersey is 1

What is it mean?

"Captain Elias! Goo!"

Captain siya?

"Cara, kilala mo yan?" Tanong ni Aya sa akin.

"Oo," sagot ko pa.

"Di'ba, Cara boyfriend mo 'yang si Elias? I saw you two kasi naglalambingan sa likod ng school." Namula ako sa sinabi ni Isabelle.

"Boyfriend? Wow galing ah, akala ko hindi ka magboboyfriend kang kupal ka?" Sarkastiko namang dada nito ni Aya.

"Shut up, hindi ko sya boyfriend we're friends lang ahm.."

The Last Love Letter (Love series #1)Where stories live. Discover now