Kabanata 4

4 0 0
                                    

KABANATA 4



"Serin!!!" Sigaw ko nang makaabot na sa paaralan. Ito talaga ang dinadalian ko kasi yung liham kahapon, may initial na and i wanted to find who is he talaga! Gustong gusto ko na malaman kung sino talagang tao itong nagpapadala sa akin.

Tatanggapin ko naman siya e, bakit ayaw niyang siya nalang ang humarap sa akin at ibigay ang liham? Tapos sasabihin niya na, 'ikaw ang babaeng mahal ko' eyhhh kinikilig ako

"Ano ba?! Bakit ka sigaw ng sigaw habang papalapit sa akin ha?!" Tinampal niya ako sa braso

"Kasi naman auhh! Yung liham! Yung liham!" Hingal na hingal kong sabi kay Serin

"Bakit anong nangyari sa liham?"

"May Initial na!" Sagot ko

"Ano????! Nasan?"

Agad niyang inagaw ang liham at siya na ang nag konfirma kung totoo nga ba. Maski siya ay excited sa nangyayari

"Hala! Oo nga, mayroon na!" Komento niya

"E and A?" Napaisip siya sa Initial. "Parang pamilyar siya! At ang sulat kamay!"

"True! True! 'diba pamilyar sya? Para ngang nakita ko na iyang sulat kamay niya e! Asan nga ba yon?"

Inaalala ko ang nangyari noong nakita ko itong sulat kamay na ito. Yung previous year pa kasi yun e, siya ang nagsulat sa aking notebook.

Notebook? Oo notebook, kung makikita ko yong notebook na iyun maaalala ko sya!

"Ano alam mo na?" Tanong ko kay Serin

"A-ah hindi, hindi ko alam. Sorry. Nagkamali pala ako. Iba pala yun hehe. Sege Cara ah? Una na muna ako!" Agad syang patakbong umalis. Parang may alam sya e di lang niya kayang sabihin sa akin.

"Hays"

"Cara." Tumabi sa akin si Roni

"Uy!" Ngumiti ako sa kaniya.

"Kayo naba ni Elias?" Tanong niya

Nabigla at napatayo ako

"Ano?!" Sigaw ko

"Bakit? Hindi ba kayo?" Tanong niya sa akin

"Hindi ah!" Sagot ko

"Akala ko kayo na. Nakita kasi kita kahapon. Nakatingin kay Elias, at parang sa mga titig mo halatang may gusto ka kay Elias." Naramdaman ko ang aking kabog sa dibdib na papabilis ng pabilis.

"W-wala lang iyon!" Depensa ko

"Tara kain?"

"Kumain? Papasok palang tayo uy!" Hinampas ko sya gamit ang akin kamay, natawa siya.

"Ayy sorry, sege pasok tayo!"

Pinatayo nya ako.

"Tara na!" Hinila ko sya at agad natawa dahil natapilok siya at natumba sa harap ko. 

"Tumawa kapa talaga bago ako tulungan?" Umir

"Sorry! Haha nakakatawa naman talaga!"

"Nakakainis ah!"

Pumasok na kami ni Roni. Sinalubong naman kami ni Serin.

"Ba't ang tagal nyo?" Tanong ni Serin.

"Bakit anong meron ba?" Tanong ko

"Wala, may task lang." Sagot niya

"Wala tapos may task pala?" Tumango si Serin sa tanong ni Roni

"Class please be sitted." Umupo na kaming lahat. " Class I would like to introduce your new classmate. She's transferee."

The Last Love Letter (Love series #1)Where stories live. Discover now