Chapter Three
"TITA Jazz aakitin niyo na po ba si uncle Bernard namin para gawa na rin kayo ng babies?" muntik ng maibuga ni Jazzmine ang iniinom nitong milk tea dahil sa sinabi ni Paris. Kahit siya ay hindi inaasahan ang sinabi ni Paris.
"Naku inaanak saan mo nakuha ang mga salitang inaakit?"
"Kay tita Ainsley po." Maiksing sagot ni London na umiinom din ng Milktea.
"Alam niyo iyang tita Ainsley niyo dapat painumin ng milk tea na may lason kung anu-ano ang tinuturo sa inyo. Ganyan na ba ngayon ang mga anak mayaman kung anu-anong natutunan?" inis na pakli nito.
"Bakit tita kapag ba mayaman kailangan walang alam at iyong mahirap dapat maraming alam?" inosenting tanong ni Paris, natigilan naman si Jazz at tumingin sa kanya. Pinandilatan siya nito na parang sinasabi na patigilin na ang mga anak niya dahil hindi ito mananalo sa mga ito. She knew her daughters very much kailangang maging maingat ka sa pakikipag-usap sa kanila or else gagamitin nila ang lahat ng sinabi mo para lang pagtripan ka. Sa kasamaang palad masyadong matinik ang mga ito at kamalas-malasan naman ay si Jazz ang napagdiskitsahan ng mga ito.
"Wala na akong sinabi." Bitbit niya ang mga bags ng mga bata na may lamang damit dahil tatlong araw din na sa mga magulang niya mag-eestay ang mga ito dahil sa gusto ng tatay niya na magbakasyon naman ang mga bata sa kanila. She also need some time alone so that she can finish the car, darating na rin naman ang kasama niya sa trabaho na isa din single mom tulad niya.
At saka apat na araw din na walang pasok dahil sa may dalawang araw na holidays at nagkataon na sabado at linggo naman after that two days holidays. May isang araw pa siya para magpahinga habang wala ang mga bata.
"Tita Jazz gawa na ba kayo ng baby ni uncle Bernard? Nood kami."
Natawa siya sa naging reaction ni Jazz sa sinabi ni Paris.
"Ay, bebe hindi pwedeng manood kasi hindi pa pwede sa iyo."
"Bakit hindi pa pwede big girl na kami?"
"Naku Paris, pwede kang manood kung paano gumawa ng baby kay thirty ka na."
"Nge, magfafive palang kami ni London."
"Bakit hindi mo tularan itong kakambal mo tahimik lang?"
"Para unique tita Jazz, magkamukha na nga kami ni London tapos kailangang magkaugali pa kami? Sabi ni tita Ainsley dapat may originality daw."
Napapailing nalang si Jazzmine sa anak niya. "Bakit ba nakikinig kayo sa tita Ainsley niyo?"
"She's cool."
"She's like a witch doll, a pretty one."
"She's like a vampire."
"She loves black."
"And she is weird." Singit ni Jazz.
"Weird is beautiful sabi ni tita Ains."
Lumapit sa kanya si Jazz at may binulong, "Alam mo Aleeyah mabuti nalang alaga at hindi kayo nagkatuluyan ng daddy ng mga kutong lupa na mga ito or else mas Malala pa ang matututunan ng mga batang ito sa daddy nila."
Siniko niya ito. "Wala silang daddy, their daddy died already." Aniya.
"Bakit hindi ba naghahanap ng daddy ang mga iyan? Alam mo uso din ang move on." Parinig nito sa kanya.
"I already did." Tugon niya.
"Friend lumalaki na ang mga anak mo kailangan mo ng makakatuwang sa buhay para palakihin sila. And that means start dating, huwag kang magpatrap sa past mo dahil come on ni hindi nga kayo naging kayo. Hindi ka niya minahal-." Sinamaan niya ito ng tingin. "I am just telling the truth, hindi ito telenobela na kung sinong una mo ay siyang last mo. This is real life Aleeyah be realistic girl dahil kapag nanatili ka diyan sa safe zone mo hindi ka sasaya. May mga lalaking tatanggapin ka pa rin kahit na may mga anak ka."
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
Short StoryCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
