Chapter Four

238K 4.7K 275
                                        

Chapter Four


Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa ng makita niya kung sino ang kasama ng kanyang mga anak sa loob niyon. Nanlamig ang kanyang mga palad at ang kanyang mga binti ay parang natutunaw na parang yelo. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya and that's not because of the guy whom her children were talking to. Dahil iyon sa sobrang kaba, kung anu-ano na ang mga pumasok sa isip niya dahil sa nakita niya pero hindi. Hindi pwede... agad siyang lumapit sa mga ito at nagkunwaring hindi niya kilala ang mga taong nandoon maliban sa kanyang mga anak.

"Paris? London? Bakit ba ang lilikot niyo?" pinilit niyang kalimutan ang nararamdaman niyang kaba habang kaharap ang mga taong ito. Napansin niyang napatingin ang mga ito sa kanya habang siya naman ay napako ang tingin sa mga anak niya. Meeting again is envitable, ito ang sagot sa maraming what if's sa mundo. Nagkataon lang na ito na siguro ang oras na ito na siguro ang oras na sinasabi ng lahat.

"Aleeyah?" napapitlag siya ng marinig ang boses ng lalaking dating minahal. Gusto niya itong taasan ng kilay, gusto niya itong sumbatan kahit na alam niyang wala siyang karapatang manumbat, gusto lang niyang makalayo dito upang hindi niya maramdaman ang galit para dito. Taas noong hinarap niya ito, come with the face of the man who used to hurt and used her, who used to call her names that wasn't hers.

"Boss." Aniya.

Naramdaman niya ang paghawak ng kambal sa magkabilang palad niya, at least nabawasan ang kaba niya.

"Mama, eat na uli tayo. Hungry na po uli ako." London said tugging her hands, bigla siyang kinabahan sa sinabi ni London. Hindi matakaw ang anak niya pero alam niyang gusto na nitong umalis.

"Oh God!" agad siyang napatingin kay Chloe na kaibigan ni Ainsley. "Anak niyo bang dalawang iyang dalawang cute na twins?" naningkit ang mga mata niya kay Chloe. "I think I need to excuse myself. Good bye cute twins!" at umalis na nga ito, mas lalong naging tensyonado ang buong paligid.

"Mama punta na tayo sa labas." Hila ni Paris sa kanya.

"Aleeyah sandali lang." pigil ni Eon sa kanila, papalit-palit ang tingin nito sa kanya tapos sa dalawang bata. Kinalma niya ang kanyang sarili bago lakas-loob na hinarap ito. Kailangan niya itong harapin dahil kung tutuusin wala naman siyang ginagawang masama.

"It's nice to see you again boss." Kalmadong ani niya dito kahit na ang totoo ay sobrang lamig na ng palad niya.

"Are they... are they my-."

"They are my kids boss, I have twins. And I am married by the way." Harapang deny niya sa mga anak niya. Nagkita sila ngayon pero hindi ibig sabihin niyon ay hahayaan na niyang makilala nito ang mga anak niya.

"You are married?"

"Impossible po ba?"

"But they look just like me- Ainsley."

Tumango siya, "Napaglihian ko po ang kapatid niyo noong nagbubuntis pa lamang ako sa kambal ko."

"How old are they?" napatitig ito sa dalawang anak niya na nakatitig lang din dito.

"F-Three." She lied again. "Excuse me boss pero mahuhuli na kami sa appointment namin, fancy meeting you here."

She tugged her twins hands. "Say goodbye to my boss, Paris, London."

"Bye boss!" at mabilis nila itong tinalikuran. Kapag nakalabas sila sa Royale ay sigurado siyang ligtas na siya, ligtas na ang pamilya niya. Mas mabuti na rin sigurong ganoon ang sinabi niya dahil ayaw na niya ng gulo.

"Mama, kamukha niya si tita Ainsley po." Biglang singit ni Paris.

"Brother siya ng tita Ainsley niyo, kaya siya naging boss ni mama dahil kay tita Ainsley niyo." Half-truth and half-lie ang sinabi niya.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon