Chapter Forty One
Papasok sana ang lalaki ng mabilis niyang naiharang ang katawan niya sa lalaki, kunot-noo pa rin siya at pilit na inaalala kung saan niya ito nakita at kung bakit nito sinabi na anak nilang dalawa si Paris at London.
"Teyka lang, sino ka ba?"
Muli itong napatingin sa kanya, she closed the door and even locked it para hindi ito makapasok. Hindi niya ito kilala kaya hindi siya papasigurado sa kaligtasan ng kanyang mga anak.
"You don't really remember me, do you?" mayabang na tanong nito sa kanya na ikinakunot lang ng kanyang noo. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa pero wala talaga siyang maalala tungkol sa lalaking ito o anumang katiting na alaala mula sa lalaking ito. "I understand then you were too drunk to remember me."
Mas lalong kumunot ang noo niya, nagulat siya ng hawakan nito ang gitna ng dalawang kilay niya na nakakunot dito. Agad siyang napaatras.
"Sino ka ba talaga at paano mo ako nakilala?"
The guy chuckled. "Oh babe, you need to remember me. We did have a fun night together."
"What the hell are you talking about?" tumataas na ang lebel ng galit na nararamdaman niya para sa lalaki, at kahit na gaano pa man ito kagandang lalaki hindi siya mangingiming kalmutin iyon.
"Remember, six years ago. You were so drunk, you were crying, you said that some guy kicked you out from your job." Biglang sumikdo ang puso niya sa sinabi nito that thing happened six years ago. "I ask you if you want to go somewhere private and went with me in my pad and we had a fun night together." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito, pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan at tumayo ang balahibo sa kanyang katawan.
Lumapit ito sa kanya at saka hinaplos ang kanyang balikat, nakadama siya ng pandidiri sa hawak nito kaya mabilis siyang lumayo. HIndi katulad ng mga haplos at hawak ni Eon ang hawak ng lalaki nakakapanayo ng balahibo sa takot.
"Sorry mister-."
"Quentin Gatchalian." putol nito sa kanya.
"I don't care who you are and what your name is, hindi kita kilala and that's final. Huwag na huwag kang lalapit sa akin or else-." and again he cut her off.
"Or else ano? Ipapapulis mo ako, can you do that Aleeyah De Castro? Can you do that to your children's father."
Natawa siya sa sinabi nito, tawa pero hindi siya natutuwa. "Naghahallucinate ka ba mister? Hindi ikaw ang ama ng mga anak ko, may ama sila at alam at sigurado akong hindi ikaw iyon."
"Are you sure babe?"
"I am one hundred percent sure and I don't know you." Hindi niya aaminin na pamilyar ito sa kanya.
"Your children are mine."
"They are not yours."
"You've slept with me." he insisted and that got her more furious than before.
"I don't even know you paano mo nasasabi sa akin ang mga bagay na iyan?" inis na pakli niya dito. "And even if I've slept with you alam ko at sigurado ako na hindi ikaw ang ama ng mga anak ko."
Napahalukipkip siya. "We can do DNA testing then kapag napatunayan ko na sa akin ang mga anak mo kukunin ko sila."
Nagtagis ang kanyang bagang sa sinabi nito para bang confident na confident ito sa sinasabi nito. Alam niyang hindi anak nito o kanino man ang kambal niya alam niya iyon dahil mukha palang ng mga ito ay nakuha na iyon ni Eon.
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
Historia CortaCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
