Chapter Five
"Good morning Miss Aleeyah de Castro, I'm your client Clive Libiran." Pakilala ng lalaking nasa harap niya. "And I think I have a very important thing to deal with you." Natigagal siya at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya, never in her life she would expect to see this man. Ang lalaking sa newspaper at sa magazines lang niya nakikita at nababasa, he is a big man figuratively speaking. Isang lalaking kayang makuha ang lahat kahit na gawin nito ang pinakamaruming bagay sa mundo. Base sa naririnig niya sa labi ng kapatid nitong si Ainsley.
Ainsley always said that their eldest is the rudest, coldest, ruthless, douche in the universe. Ito iyong klase ng tao na hindi kailangang manghingi pa dahil kayang-kaya na nitong kunin ang lahat ng bagay na magustuhan nito ng hindi ka makakahindi. He is filthy rich and a business tychoon. And now the ruthless businessman is standing in front of her and all she could see is Eon's face.
Hindi naman niya maikakaila iyon dahil kamukha naman talaga nito si Eon at si Ainsley kahit na ang mga anak niya. Kaya pala agad na nasabi ni Mia na kamukha nito ang kambal, paanong hindi magkakamukha kung sobrang lakas ng dugo ng mga Libiran ang dumadaloy sa mga ugat ng mga anak niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinalma ang sarili niya, mas okay na rin siguro na ito ang kaharap niya ngayon at hindi si Eon.
"Anong magagawa ko Mr. Libiran?" tanong niya dito.
"Are they my nieces?" Hindi siya sumagot, si Ainsley lang ang nakakaalam ng tungkol sa kambal niya. "You can't deny that to me Ms. De Castro, I can see my family's face in your children."
"Kung pamangkin mo sila doon nalang iyon, anak ko pa rin sila." Matigas na sabi niya. Bigla na naman siyang inatake ng kaba, baka kasi alam na ni Eon at sinabi nito sa kapatid nito at ng ang kapatid nito ang kumuha sa mga bata mula sa kanya.
"Wala naman akong sinasabing kukunin ko sila, they are my niece but they aren't my children. Ang may karapatang kumuha sa kanila ay si Eon lang dahil siya ang ama."
"Hindi!" malakas na sigaw niya. "Hindi ako makakapayag na kukunin ni Eon ang mga bata sa akin. Akin lang ang mga anak ko at dadanak ang dugi bago sila makuha ng kapatid mo." Aniya, malakas ang loob niya pero kung titingnan mo siya ngayon para siyang criminal na nagtatago sa batas.
"Sa tingin ko hindi pa rin alam ng kapatid ko na anak niya ang mga bata. Sinabi mong may asawa ka na hindi ba?"
"Paano mo nalaman ang bagay na iyon?"
"I have my ways Ms. De Castro and don't worry matagal ko ng alam na may anak ang kapatid ko pero marunong akong magtago ng sekreto."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.
"I saw you and the twins with my sister before, nagtaka ako kung bakit kamukha ni Ainsley ang kambal. And when I investigate nalaman kong anak sila ni Eon, hindi ko sinabi. I kept my silence and I helped you with your business for my niece sake."
Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito. "You helped me?"
"Huwag mong masamain Aleeyah, you are a woman aminin natin o hindi, ang mga kliyente mo ay hindi agad magtitiwala sa iyo. You need to have a good backer and yes I could say most of your clients were from me at ginawa ko iyon for my nieces. But I am a businessman, hindi ko isusugal ang kridibilidad ko kung hindi magaling ang nairecommend ko. Let's just say I am hitting two birds with one stone."
Ngayon niya napansin ang pagkakaiba ni Eon at ni Clive. Clive is strong and powerful, while Eon is fierce and strong-driven pero mas mild ang aura ni Eon maybe because she saw Eon's lowest point kaya madali sa kanyang iapproach ito. Si Clive kasi he is like a close door, a close and lock door.
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
Short StoryCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
