Chapter Forty Two
Pilit niyang inisip kung saan talaga sila nagkita ng lalaking umaangkin sa mga anak niya na anak daw nito. Kaya lang kahit anong gawin niya ay talagang hindi na niya maalala ito kaya ang ginawa niya ay inalala niya ang eksenang sinabi nito.
Six years ago pagkatapos ng huling gabi kung kailan may nangyari sa kanila ni Eon, iyong oras na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at hindi rin niya alam kung saan siya pupunta ay nagpasya siyang pumunta sa isang bar. She was drunk then, uminom na siya sa tinutuluyan niyang apartment daihil gusto niyang makalimot sa sakit. Gusto niyang pansamantalang malimutan ang takot at pighati. Siya lang mag-isa ng mga oras na iyon kaya kung saan man siya nagpupunta ay hindi rin niya maalala.
Isa lang ang makakatulong sa kanya at iyon ay ang mga kaibigan ni Ainsley, may kaibigan itong pulis pwede niyang hingan ng tulong si Karylle para ma-locate ang sinasabi ng lalaking iyon.
"Okay ka lang?" natatawang tanong ni Karylle sa kanya habang nakasakay sila sa taxi, buntis si Karylle at ng malaman niyang naka leave pala ito ay naguilty naman siya pero sinabi nitong walang problema dito ang request niya. "Hey."
"I am fine Karylle nag-aalala lang ako sa lagay mo dapat hindi na kita sinasali sa mga kalokohan ko." Aniya dito.
"Mas okay sa akin na may ginagawa keysa sa nakatanga lang sa bahay namin at hinihintay si Colton na umuwi ng bahay. Nakakabagot ang walang ginagawa kaya huwag kang mag-alala hindi ka nakakaabala." Ngumiti lang siya dito, alam niya kung gaano kahirap at kasarap ang magbuntis, alam din niya ang nangyari dito minsan na itong nakunan dahil sa hindi pa nito alam na buntis na pala ito ay pumunta ito sa isang misyon at medyo napuruhan, Ngayon isusuong na naman niya ang babae sa kalokohan niya.
"At saka ano ka ba napakasimple na nga lang nitong pinagawa mo sa akin, hanapin ang bar na pinuntahan mo six years ago? Ang sisiw." Tumawa pa ito sinabayan lnag niya ito dahil seriously hindi talaga niya alam kung paano ang gagawing pagpapanatag sa sarili, she doesn't want to lie lalo na kay Eon pero hindi rin niya masabi dito na may umaangkin na iba sa mga anak nila.
"Nagchanged na pala ng name ang bar name na sinabi mo sa akin," napatingin siya sa sinabi nito. "It's now SubMarine Club."
"Kailan pa nagchange?"
"Three years ago may bumili na kasi ng dating club dahil kailangang pumunta sa states kaya bago ang may-ari ng club." Napakagat siya ng labi dahil tila hindi magiging madali para sa kanya ang kanyang gagawin. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng magring ang phone niya tumatawag si Eon. Agad niya iyong sinagot.
"Eon, bakit?"
"Wala ka sa talyer may pinuntahan ka ba?" agad na salubong nito.
"Pupunta ako sa mall." Napansin niya ang pagsulyap ni Karylle sa kanya alam niyang nagtataka ito kung bakit iba ang sinabi niya, nagsisinungaling na siya. "Nasa talyer ka?"
"Nasa Race Track ako matatagalan ka ba diyan sa mall dahil susunduin ko sana ang mga bata gusto silang makasama ni mommy."
"Sige lang hindi ko pa alam kung matatagalan ba ako may kailangan kasi akong hanapin eh." Totoo naman iyon may kailangan pa siyang hanapin para malinis ang konsensya niya.
"Take your time just text me kung nahanap mo na ang hinahanap mo susunduin kita sa mall."
"Opo."
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
Short StoryCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
