Chapter Forty Three

162K 2.7K 59
                                        

Chapter Forty Three

"HINDI mo naman ako itinext o tinawagan na uuwi ka na pala." Nakabusangot ang mukha ni Eon ng dumating ito sa bahay niya ng tinawagan kasi siya nito ay nasa bahay na siya kaya napasugod ito. Nasa bahay ng mga magulang nito ang mga bata.

"Sorry nawala sa utak ko bigla kasing sumakit ang tiyan ko." Pagdadahilan niya. Maayos naman niyang naitago ang mga CD's na hiniram niya kay Titus, isasauli niya iyon bukas din kapag may time pa siya.

"Masakit ang tiyan mo? Okay ka lang ba? Did you drink-."

"Eon I am okay nagutom lang pala ako kasi hindi ako kumain kaninang umaga pag-alis ko." Dahilan niya.

"Next time kumain ka kasi ng maayos kapag tayo nagsama hindi ka pwedeng hindi kumain ng nasa oras. Dapat sabay-sabay tayong kumain." Tinaasan lang niya ito ng kilay at saka tinawanan, may nahint kasi siya sa sinabi nito pero hindi nalang niya pinansin baka kasi assuming lang siya.

"Sorry na hindi na mauulit iyon." she said.

"Nilalambing mo lang ako." Umupo ito sa tabi niya and he gathered her on his arms, she feel secure all of a sudden. Pakiramdam niya ay wala ng makakapanakit sa kanya, tinitigan niya si Eon ng matagal. "May dumi ba sa mukha ko?" takang tanong nito sa kanya ng mapansin ang titig niya dito.

"Eon."

"Hmn?"

"Do you really love me?"

"Anong klaseng tanong naman iyan," hinawakan nito ang baba niya at saka marahang pinisil. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita." At dinampian ang labi niya ng magaan na halik.

"Paano kung dumating ang time na makagawa ako ng kasalanan mapapatawad mo kaya ako o kaya naman ay magagalit ka ng husto sa akin?"

"Magagalit ako ng husto sa iyo." Her heart sunk when he answered that question. "Pero mapapatawad pa rin kita dahil mahal na mahal na mahal nga kita." She bit her lips to stop the urge to cry infront of him. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya, although nagda-doubt pa rin siya sa pagmamahal nito pero maliit na bahagi nalang iyon sa isip niya dahil sa puso niya buong-buo na ang paniniwala niya na mahal nga siya nito.

Maghahanap siya ng tiyempo at kakausapin niya ng maayos si Eon, kakausapin niya ito tungkol kay Quentin Gatchalian, he deserves to know. Habang maaga pa ay sasabihin nalang niya ang tungkol sa problemang dinadala niya, ayaw niyang malaman nito sa ibang tao dahil siguradong mas magagalit ito.

"Kung may problem aka Leeyah huwag kang matakot na sabihin sa akin, whatever problem you have right now problema ko na rin iyan. Sabay nating isolve ang kung anuman ang nasa dinadala mo." Tumango siya dito at saka inihilig ang ulo sa balikat nito.

"I will." There's a peaceful silence between them. "Eon-." Malakas siyang napasinghap ng bigla nalang siya nitong ihiga sa sofa at dumagan ito sa kanya. "Eon naman eh." Alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng nasa mukha nito at ngiti na nasa labi nito. "May sasabihin ako sa iyo."

"Later sweetheart, wala ang mga bata."

Mahinang napabuntong-hininga nalang siya, mamaya nalang niya sasabihin. May kailangan pa siyang gawin para sa lalaking mahal na mahal niya at iyon ay iparamdam din dito kung gaano niya ito kamahal. Gusto na niyang mabuntis agad, gusto niyang masecure ang lugar niya sa buhay ni Eon.





Nang magising siya ay katabi pa niya si Eon, natutulog ito. Tinitigan niya ng mabuti ang gwapong mukha ng lalaking katabi niya at napangiti nalang bigla ng wala sa oras. Kapag tinititigan niya ito ay hindi pa rin nawawala ang malakas na tibok ng puso niya. nakakatawang isipin na iyong unang lalaking minahal niya ay mahal pa rin niya hanggangg ngayon, ang tagal na kaya ng panahon na iyon at ang tagal na rin nilang hindi na nagkita pa.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon