Chapter Forty Seven
"GUSTO mong kumain?" inalis niya ang mga mata mula sa bintana upang tingnan ang babaeng katabi niya sa bus. May inaabot ito sa kanyang isang balot ng biscuit.
"No, thanks." Tanggi niya sa offer nito.
"Huwag kang mag-aalala miss walang lason iyan binili ko iyan sa terminal ng bus." Muli siyang napatingin dito gusto sana niyang sabihin dito na mas maappreciate niya kung mananahimik ito keysa sa mag-ingay ito at pakialaman ang pagmumuni-muni niya kaya lang ay nawala ang inis niya sa laki ng ngiti nito sa kanya. Saka lang niya napansin na buntis pala ito.
"Ilang buwan na iyan?" tanong niya dito.
Napangiti ito at napahimas sa tiyan nito, kitang-kita niya ang saya sa mukha ng babae habang ginagawa nito iyon. Hindi ikakaila na maganda ang babaeng katabi niya at halatang mas bata pa sa kanya.
"Seven months na ang tiyan ko, nakakatakot nga siya kasi pakiramdam ko ay sasabog nalang siya kahit anong oras."
"Bakit ka bumibiyahe ng mag-isa delikado sa buntis na bumiyahe ng mag-isa lalo na kapag malayo?" biglang lumamlam ang mga mata nito sa kanya, at malungkot na napangiti nalang sa kanya.
"Kailangan ko kasing ayusin ang libing ng asawa ko kaya ako lumuwas sa Maynila." Natigilan siya sa sinabi nito nakaramdam ng awa sa babaeng kausap niya ngayon.
"Ilang taon ka na?"
"Twenty na ako."
"Saan ang pamilya mo?"
"Wala na akong pamilya ate, lumaki kaming dalawa ng asawa ko sa ampunan." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Hindi mo ba alam na delikadong magbigay ng mga impormasyon sa taong hindi mo pa kilala." Ang mga kabataan talaga ngayon. "Paano kung masamang tao pala ako?"
Tumawa ito sa sinabi niya, mahilig bang tumawa ang babaeng ito mukhang hindi man lang alam kung ano ang buhay na pwede nitong kaharapin ngayong buntis ito at mag-isa lang.
"Naku ate malakas ang instinct ng mga buntis kaya feel ko kapag mabuting tao ang kausap ko o masamang nilalang." Hindi na niya napigilan ang sarili niyang hindi matawa sa sinabi nito, napakurap ito habang nakatitig sa kanya. "Sabi ko na nga ba at hindi ka talaga masungit ang ganda niyo pong ngumiti eh."
Kahit papaano ay gumaan ang loob niya sa babaeng kasama at kausap niya, "Salamat."
"Para saan po ate?"
"Sa pagpapatawa sa akin," umayos siya ng upo at kinuha ang isang pakete ng biscuit na hawak nito na wala talagang balak na ibaba.
"Heartbroken ka 'te? May kilala akong mangkukulam, kulamin natin?"
"Huwag," malungkot na pigil niya dito. "Ako kasi iyong may kasalanan." Malakas itong napasinghap.
"May ibanng lalaki ka? Bad iyon."
"No, of course not. Siya lang ang lalaking minahal at mamahalin ko."
"Huh? Bakit ka umalis?"
"Mahabang kwento, nagpakatanga na naman kasi ako."
"Saan ka ba pupunta ate?"
She shrugged her shoulders. "Wala pa akong mapupuntahan sa ngayon, sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta sa mga magulang ko dahil sigurado akong magagalit sila sa akin, ayokong malaman nila kung saan ako ngayon."
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
NouvellesCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
