Chapter Thirty Eight
"NICE." Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na narinig niya.
"Brix!" bulalas niya ng makilala niya ito. "Nasaan si Spencer?"
"Kausap ang mga anak mo mukhang tuwang-tuwa ang anak ko sa dalawa eh." She chuckled, nag-aayos na sila actually para sa pagpunta nila sa bahay ni Clive. Nakuha na kasi niya ang cellphone niya mula kay Eon sinabi lang ni Clive sa kanya na okay na ang pakiramdam ni Keia at nagpapasalamat ito sa pagbigay niya ng number ng restaurant.
"Nasaan ang kasama mo?"
"Kinuha lang ang kotse."
"Mukhang masaya ka na ngayon I can see it through your eyes and face." Ngumiti siya dito.
"Halata bang masyado?" biro niya dito.
"You are inlove." Namula siya sa sinabi nito "I never knew I would see you as happy as today, mukhang nahanap mo na rin ang lalaking mahal mo."
"Siya naman sa simula pa lang Brix."
"I can see that wala na pala talaga kaming chance sa iyo."
"Huh?"
"I thought pwede akong makapanligaw ng tuluyan sa iyo hinihintay ko lang talaga ang approval ng mga anak mo para maging tatay nila. Kaya pala ayaw nila dahil sa kasama mo ngayon."
"Nagjojoke ka ba?"
"No Aleeyah, gusto talaga kita. Mukhang mali yata ang maghintay ng tamang panahon dahil bumalik na siya at naunahan na naman ako, nakakalungkot lang." she could sense sincerity from his voice kaya alam niya totoo ang sinasabi nito.
"Oh Brix I don't really know." Hindi niya alam ang sasabihin sa kaharap niya para kasing hindi tama na sabihin niyang 'I'm sorry', alam niyang nagpaparinig ito sa kanya dati pero hindi niya alam na seryoso pala ito.
"It's okay Aleeyah I do understand." Tumawa ito. "Pero okay lang magiging pamilya rin naman siguro tayo mukha kasing gustong-gusto ng anak ko ang mga anak mo."
Napahilot siya sa kanyang sentido. "Well, let's see." Kung padamihan lang ng gustong maging asawa ang mga anak niya sigurado pipila ang mga ito.
"Sweetheart." Napalingon siya kay Eon na tumawag sa kanya, muntik na siyang tumakbo palayo kay Brix ng makita ang seryosong mukha nito. Alam niya ang mukhang iyan nakita na niya ito minsan... madalas kapag nahuhuli siya nitong kausap si Zach o kaya naman ay si Riq tapos ngayon ay si Brix naman.
"Someone's jealous." Biro ni Brix bumulong nga lang ito sa kanya. "Mauna na ako Aleeyah at pag-isipan mo iyong sinabi ko."
Kumunot ang noo niya, ano ba iyong sinabi nito? O halatang inaasar lang nito si Eon dahil kung iiyon ang plano nito ay nagawa na nito mukhang hindi lang asar ang nararamdaman ni Eon ngayon dahil pakiramdam niya ay kakain na ito ng tao. Patay siya.
"I don't like him." Komento nito.
"Lahat naman siguro ng lalaking lalapit at kakausap sa akin ay ayaw mo sa kanila, hindi ba nakilala mo na Brix papa siya ng kaibigan ng kambal."
"I still don't like him because he likes you." Hindi niya kinaila ang sinabi nito. "Alam mo?"
"Sinabi niya sa akin kanina lang."
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
NouvellesCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
