Chapter Thiry-Five
"Bakit para kang binuhusan ng mainit na mantika sa mukha Eon?" biro ng kapatid niyang si Clive ng magkita sila sa opisina nito. Pumunta siya doon dahil hindi niya alam ang gagawin niya lalo na ng tanggihan siya ni Aleeyah.
"Hindi siya pumayag."
"Who?"
"Si Aleeyah hindi siya pumayag na tumira kami sa iisang bahay."
Tinitigan siya ng kapatid niya na para bang ang bobo na niya dahil hindi niya alam ang sagot sa tanong niya.
"Ginagamit mo ba ang utak mo Eon bakit naman papayag si Aleeyah na tumira sa kasama mo hindi mo pa nga siya asawa."
"Dahil nililigawan ko pa siya."
"At sa tingin mo kapag pumayag siya sa gusto mo ay magiging maayos ang lahat agad-agad?" tiniklop nito ang isang brown folder na may maraming pictures at kung anu-anong papel.
"Why not?"
"Aleeyah isn't like that Eon, she learned from the best, she learned not to trust again hindi ba iyan ang tinuro mo sa kanya noon?" he groaned because of his brother's choice of words. "I know you changed and that you loved her, ganyan naman tayong dalawa hindi natin malalaman na mahal na natin ang isang tao kung hindi sila mawawala sa atin. You are lucky because you found Aleeyah and she's taking good care of your children. Huwag mong madaliin si Aleeyah, you need to be more careful in woeing her she deserves it more than anyone else. Minsan mo na siyang nasaktan dati mag-iingat na iyan ngayon, sa tingin mo nahuhulog na siya sa iyo think again brother. When a woman got her heart broken she became someone else, her heart toughened up, mas maingat sila keysa sa naunang sila. May malaking barrier na sila na hahayaan ka nilang makalapit pero kapag nandiyan ka na saka mo lang marerealized na may harang pala, harang na hindi mo pwedeng pasukan at sirain unless they allowed you to do so."
Malakas siyang napabuntong-hininga. "Is this really complicated."
"It's your choice bro pwede mo siyang hayaan na lang and let other man make her happy-."
"No way!" mabilis niyang tanggi.
"That's the second choice, if you love her fight for her paghirapan mo siya." Bahagyang lumungkot ang mukha nito. "Dahil kung ako ang nasa lugar mo mas matindi pa sa gagawin mo ang gagawin ko."
"Kuya if you won't mind paano nabuhay si Keia?"
"Kapag dumating na si Kaia, Eon. Kapag nagpakita na siya saka ko lang sasabihin kung paano nabuhay ang anak namin she deserves an explanation."
"At paano mo gagawin iyon kung hindi mo alam kung nasaan siya?"
Muli itong ngumiti sa kanya at tinapik ang folder na nasa kanyang mga kamay. "Walang gagawin ang taong hindi nagmamahal Eon."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, kinuha niya ang folder na nasa kamay nito at tiningnan ang kanina pa nito tinitingnan. Namangha siya sa kanyang nakita, she's the same woman she was before, but she looks better now... she looks at her best—est kung may ganoon mang salita na nag-eexist sa mundo.
"Paano mo nalaman ito?"
"Through Ainsley's man."
"Chief Hendrix? Paano?"
"I have my ways."
"Paano mo siya pupuntahan?"
"Hindi ako ang pupunta sa kanya Eon siya ang babalik dito and by the moment she comes back she can never leave me and our daughter again. I am working on it right now, she's silently attacking me."
BINABASA MO ANG
Twin's Tricks (COMPLETED)
Kısa HikayeCATCHLINE: What we want, we get. Get it? TEASER: Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama...
