Chapter Thirty One

206K 3.5K 167
                                    

Chapter Thirty One


"HAYAAN mo muna ang kaibigan kong magpahinga." Narinig niya ang sinabi ni Jazz sa taong nasa labas ng kwarto niya sa bahay ng kanyang mga magulang, nakatulog na ang mga bata at nagpapasalamat siya na tulog ang mga ito or else magtataka ang mga bata kung bakit siya umiiyak.

"Ibigay mo ito sa kanya, she needs this." Muli na namang tumulo ang luha niya ng marinig ang boses ni Eon. Akala niya ay okay na pero hindi pa pala, may mas malalang malalaman pa pala siya. Right now, nasasaktan siya pakiramdam kasi niya ay niloko siya kahit na wala naman siyang karapatang masaktan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Pumasok si Jazz sa loob ng silid bitbit ang isang baso ng gatas na marahil ay ibinigay ni Eon.

Ibinaba ni Jazz iyon sa katabing mesa at saka umupo paharap sa kanya at bumuntong-hininga, tinitigan siya nitong mabuti at alam niya ang nasa isip nito.

"Hindi ko sasabihin na huminto ka sa pag-iyak karapatan mo iyan eh. Noong nasaktan ka dahil sa ginawa sa iyo ni Eon hindi kita nakitang umiyak dahil palagi mong sinasabi na ikaw ang may kasalanan. Pero ngayon sorry kung nakinig ako friend may rights ka ng umiyak at ilabas ang nasa loob mo, crying will make you feel better."

Isinubsob niya ang mukha sa tuhod niya at patuloy ang mahinang pag-iyak. "Masakit?" tanong nito tumango naman siya. "Grabe friend no all this time alam pala niya tapos ay ginawa niya iyon that really hurts big time."

Gusto niyang batukan si Jazzmine alam kasi nito na masakit pero inginungudngod pa talaga nito sa mukha niya.

"Pero okay lang wala namang taong perpekto alam mo bang masaya ako na iyon ang nangyari sa iyo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at natigil sa pag-iyak. "Dahil kung hindi iyon ang nangyari sa iyo sa tingin mo ba ay mangyayari ang mga bagay na ito ngayon? Everything happened for a reason, nasaktan ka dati kasi gusto ni God maging strong ka. Ibinigay niya sa iyo ang kambal para maging matatag ka, pwede namang isa pero dinalawa niya para maipakita mo na kahit nasaktan ka ni Eon, nawala siya sa buhay mo may papalit na mas mahalagang tao na mamahalin ka unconditionally. Hindi ko sasabihin na kay Eon lang ang may mali, pareho kayong dalawa na nagkamali. Nagmahal siya ng ibang babae at hindi ikaw iyon, minahal mo siya ng palihim at ang mali mo ay hinayaan mo ang sarili mo na mahalin siya."

Jazz tapped her forehead. "Kapag nagmahal ka masasaktan ka, desisyon mong magmahal kaya kung nasaktan ka kailangan mong tanggapin. Iyan ang dahilan kung bakit nagustuhan kita Aleeyah kasi alam mo nasasaktan ka so you don't blamed him for hurting you, tinanggap mo ang sakit. Nagkamali ka kasi hindi mo sinabi na buntis ka, kung sino naman siguro ang nasa lagay mo ng mga panahon na iyon ay ganoon din ang gagawin. Ang lumayo at hayaan mong paghilumin ang sugat sa puso mo. Sa paglayo mo ay naranasan mo ang lahat ng hirap na hindi mo aakalain na makakaharap mo pero nakayanan mo. Ang pagpapapalayas sa iyo ni tatay, ang pagtatrabaho mo sa talyer, ang pagkikita natin, ang panganganak mo ng kambal, ang pagpapalaki mo sa dalawang anghel mo na kabi-kabila ang trabaho mo, iyong nagtatrabaho ka pero sa likod mo Paris at sa harap mo si London. I am really proud of you Aleeyah, as a friend masasabi kong isa kang kahanga-hangang babae.

Hindi mo pinabayaan ang sarili mo dahil nasaktan ka lang, sa halip na ay naging matapang ka. You proved to anybody na ang minsang pagkakamali ay habang buhay mo ng papasanin, you proved to everyone that a mistake lead you to your biggest achievement and that is being a mother of twins, being a woman and being who you are right now."

Tinapik ng daliri nito ang noo niya, "Iiyak mo lang iyan pero isipin mo rin na kung hindi dahil sa nangyari wala kang kambal, hindi ka magiging successful, hindi kita makikilala at hindi ko makikilala si Bernard at hindi ako magiging happy. Hindi ako selfish sinasabi ko lang ang mga na-achive at natulungan mo sa loob ng halos limang taon. Be proud of the pain, because that pain makes you stronger and bravier."

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon