Chapter 2

122 8 7
                                    

Dumating sina Joy at JP sa exhibit. Nagulat ang karamihan sa tinatanong nila.

Guys, nakita nyo ba si Laarni? Bigla nalang siya nawala kanina? saad ni JP.

Ha? Hindi pa siya bumabalik mula kanina?! pagtataka ni Kim na napatingin pa kay Nicole Anne.

Naghanap silang lahat pero wala parin.

Guys, kung hahanapin pa natin siya, eh baka hanggang bukas eh di pa tayo mangalahati sa gagawin natin... saad ni Rona.

Pero sa dami ng gagawin natin eh hindi tayo pwedeng magbawas ng tao... sabi ni Jian.

Ganito nalang, maghiwalay ng tayo guys ... tawagan niyo rin baka tumakas lang yun... mungkahi ni Ma.Joy.

Pwede... alam mo naman yun eh! pagsang-ayon nina Jhon Paul at Nicole

Samantala,

Hello, kanina ka pa namin hinihintay dito eh. Asan ka na ba? galit na sabi ni Chezka sa kausap niya sa cellphone.

Parating na, ikaw naman... masyado kang ... sabi ni Godwin.

Basta, bilisan mo... kailangan na kita dito ok? Saad ni Chezka.

O, sige... malapit na ko. sagot ni Godwin.

Well, well... akala mo ba, madadaan mo ko sa mga paganyan-ganyan mo? saad ng biglang sumulpot na si Nicole Anne.

Dapat lang na mainggit ka dahil ako pinili at hindi ikaw... sasampalin sana ni Nicole Anne si Chezka pero napigilan niya ito.

Kung alam ko lang na ganyan kahaba ang sungay mo eh di sana hindi na ko pumayag umpisa palang na maging isa ka samin...sinampal ni Nicole Anne si Chezka gamit ang kaliwang kamay.

Aalis na sana si Nicole Anne nang hawakan siya nang mahigpit sa braso ni Chezka.
Wag mo kong tatalikuran, hindi pa tayo tapos! Sigaw ni Chezka.

Hindi pa ba?? Sinampal uli ni Nicole Anne si Chezka.

If you hit me once, I'll hit you harder!! Apat na malalakas na sampal ang inabot ni Nicole Anne kay Chezka bago ito makaalis.

Samantala,

Guys, ano? Nakita nyo ba? saad ni Jian.

Wala eh. Napagod na nga kame kakahanap... sabi ni Rona.

Wala rin sila sa bahay nila. Galit nga yung mama nya ngayon eh siguradong lumakwatsa nanaman yon. Saad ni Jhon Paul.

Napahawak sa ulo si Jian. Marami pa silang dapat tapusin at kahit nga 1/4 ng dapat gawin ay di pa nila natatapos.

Hayaan nyo yung tao... it's her culture sabi pa nga... sabat naman ni Ernil.

Kung sabagay wala na tayong oras para maghanap pa sa kanya kaya let's all get back to work...utos ni Jian.

Sa isang stock room,

Mga tila ibang lenggwahe ang maririnig. Maraming kandila sa paligid. May isang babaeng nakaupo sa gitna, si Chezka. Panay ang tawag niya ng ninuno ko.

Maya-maya pa at nangisay na ang katawan nito pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita ng hindi maintindihang wika.

Oh my gosh nicole! Dinudugo ka! pag aalala ni Cherry.

Are you ok? tanong ni April Zenia.

I'm ok, punta muna akong cr... sabi ni Nicole Anne sabay takbo papunta sa Cr. Nagdudugo ang ilong niya.

Pabilis nang pabilis si Chezka magsalita, pabilis din nang pabilis ang pagdaloy ng dugo mula sa ilong ni Nicole Anne.

Maya-maya pa at napaasuka na siya pero hindi niya nagustuhan kung ano ang isinuka niya... mga daga na mabilis na naghabulan.

Napaatras siya sa may salamin. Gulat na gulat siya. May halong dugo ang suka niya.

Nandidiri siya. Sobrang dami nila. Parang nakatitig sa kanya.
Ilang saglit pa at napasigaw siya nang makaramdam ng may gumagalaw sa may batok niya. Isang dagang bigla nalang siyang kinagat. Ikatumba niya ito at saka siya dinumog at pinapak ng mga daga. Dama niya ang bawat hapdi sa bawat kagat sa kanyang katawan. Ang ilan ay parang gusto pa siyang balatan. Panay na ang sigaw niya pero wala paring dumadating na tulong.

Maluha-luha siyang inikot ang door knob habang hinahatak ang sarili palabas. Nagulat siya nang may bumubukas rin ng pinto, isang madreng maputi ang mukha at gigil na gigil na sinakal siya. Ang mga mata niya ay pulang-pula. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nito kaya hindi na niya nagawang sumigaw pa.

Sin valor!! (Walang hiya!!) Saad ng madre.

Ikaw yung... bigla niyang naalala ang binabasa kanina ni Ernil.

Walang nagawa si Nicole Anne kundi maluha.

Bumagsak ang katawan niya sa lapag habang pinapalibutan ng mga daga.

Samantala, eksaktong palabas na si Chezka nang makarating si Godwin.

Uuwi nalang ako! Saad niya ng padabog.

Bakit naman? Pinagmadali mo ko rito tapos, uuwi lang tayo??

Basta ayoko na dito, uuwi na ako... sabi ni Chezka sabay sakay sa motorsiklo ni Godwin.

Natagpuan nalang ng iba ang katawan ni Nicole Anne na nakabulagta sa Cr.

Malayo na ang naitakbo nina Godwin nang biglang may tumawid na madre. Dahilan para sila ay bumangga sa poste. Hindi na nakaligtas si Godwin. Napuruhan siya dahil si Chezka ang nagsuot ng helmet.

Tulong!! Tulungan nyo kami! Sigaw ni Chezka habang hinihilot-hilot ang paa niya na tila napuruhan din.

Ilang saglit pa at nakarinig siya ng kanta at mga yabag. Parang may sumasayaw ata. Mas nilakasan pa niya ang pagsigaw. Pero imbes na tulong eh isang baliw na lalaki ang sumalubong sa kanya. Nakatayo lang ito mga ilang hakbang mula sa kanya.

Alam niyang may mangyayaring hindi maganda kaya napatayo na siya kahit hindi pa niya kaya. Paglingon niya ay sinalubong siya nang nakangising lalaki. Iyon ang baliw na dumating kanina. Pero paano ito nakarating agad doon? Ilang saglit pa at may narinig siyang mga tahol ng aso at parang papalapit ito sa kanya. Takot pa naman siya sa aso kaya naghanda siyang tumakas pero bago paman niya magawa iyon ay kinagat na siya ng isa sa paa kung saan siya napuruhan. Napahagulhol siya sa sakit. At ilang sandali pa, mga sigaw na nakakabingi nalang ang nadinig mula kay Chezka. Dinumog siya ng mga gutom na mga asong kalye na pagala-gala sa labas. Dahan-dahan ay pahakbang-hakbang na umalis ang baliw na lalaking iyon na para bang walang nangyari.

______________________________________
A/N:
4 down, 10 more to go! Sino kaya ang susunod? At ano pang lihim ang hindi pa natutuklasan? Abangan!

Salamat po sa nagbasa nito. Paki vote and comment nalang po sa may gusto.

Sayonara! ^_^

The Smiling ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon