Chapter 6

83 5 0
                                    

Tama na please!! Saad ni Cherry na halos sinasalo ngkatawan niya ang lupang tinatabon sa kanya.

Shut up!!! Pagpapatahamik sa kanya ni Ernil.

Ernil... sobrang pagmamakaawa ni Cherry.

Ernil! May tumawag mula sa likuran.

Nilingon ni Ernil iyon. Tinutukan siya ni Kim ng kutsilyong gamit niya kanina.

So??lalaban ka ha?? Lalaban ka?? sabay hinampas ni Ernil ang kamay ni Kim gamit ang pala. Nabitawan naman ni Kim ang kutsilyo kaya pinatakbo siya ni Cherry pero hinabol siya ni Ernil.

Kim... wag kanang magtago... alam ko kung saan ka tumakbo... I can see you, you know... sabay pinaglaruan ni Ernil ang kutsilyo sa kamay niya.

Kim naman, hindi na tayo mga bata... matira matibay tayo!! Asan ka na.... saad pa ni Ernil. Napatakip naman ng bibig si Kim.

Hindi matatpos ang gabing ito Kim at magkakamatayan tayo dito... asan ka na?? Inuubos mo pasensya ko... lumabas kana!!!!!! Galit na galit nanaman siya.

There you are!! Sabi niya nang matagpuan si Kim.

Any last wish Kim?? Saad pa niya sabay tutok ng kutsilyo.

Sana mamatay ka na... maluha-luhang sabi ni Kim.

Mauuna ka!! Well, actually ikaw lang mag-isa!!! Saad ni Ernil na tinaasan ang boses.

Ba't mo ba to ginagawa?? saad ni Kim.

Kung galit ako kay Cherry, triple ang galit ko sayo!!! Ani Ernil.

Bakit?? saad ni Kim.

Bakit?!!Bakit ha??! Ako lang naman ang ex-boyfriend ni Caitlin. Si Caitlin, yung pinatay mo!!! Sigaw ni Ernil.

Ikaw ang pumatay kay Euen??

Oo!! ako nga!! Gusto mo isunod na kita??!!

Ikaw rin ang pumatay kina Nicole?? saad ni Kim.

Oo baliw ako, pero hindi ako ulyanin. Hindi ako ang pumatay kina Nicole... sabi ni Ernil sabay hambalos ng bato kay Kim dahilan para ito'y makatulog.

Samantala habang nasa kalsada sina Jian,

Anong nagyayari sayo?? Ba't nasusuka ka?? Saad ni Ma.Joy kay Rona.

Kapag tumibok ang pusod... wala ka nang magagawa kaya sundin ito. Kapag tumibok ang pusod, lagot ka na... siguradong buntis ka!! Napakanta si JP pero walang natawa. Hindi naman kasi iyon ang oras lalo na at may nakita si Rona.

Si Laarni ba yun?? saad ni Nicole.

Tara!! ani Jian na mabilis nakababa ng sasakyan.

Habang natagpuan na nila ang bangkay ni Laarni,

Tulong!! Tulungan nyo ko!! biglang napatigil si Cherry nang makarinig ng isang tugtog.

Tiptoe by the window...

Sinong nandyan?? inihahanda niya ang sarili.

Biglang nagpakita sa kanya si Smiling Man na nakahiga sa lupa at nakalagpas ang ulo sa may hukay na parang sinisilip siya.

Doon palang napansin ni Cherry na nakahiga na pala siya sa isang kabaong. Bago ito sumara, tila nadurog si Smiling man at naging sobrang daming ipis na agad na nagpunta sa hukay. Mabilis na natabunan ng mga ito si Cherry at saka lang sumara ang kabaong.Pumasok ang mga ipis sa mga mata, tainga, pati na rin sa bibig. Napatapon pa ng sunflower si smiling man sa kabaong.

Sinilip naman ito ni Ernil matapos ang ilang minuto.

So sad... so unfortunate... may you rest in peace... reaksyon ni Ernil.

Maya-maya pa't biglang may humapas sa likuran niya dahilan para ikahilo at ikawalang-malay niya.

Nagising nalang si Ernil na nakatali na siya sa upuan.

Pakawalan nyo ko dito!! Ano ba!! Sigaw ni Ernil.

Hindi ka namin pakakawalan hanggang hindi pa dumadating yung mga pulis. Kailangang magbayad ka sa mga kasalanan mo... saad ni Jian.

Hahaha!!! Kasalanan?!! Baka kayo ang may kasalanan sa kin!!! galit na sigaw ni Ernil.

Biglang sinakal ni Jian si Ernil.

Ano bang alam mo?? sabi ni Jian.

Marami akong alam... sigaw ni Ernil.

Ikaw ang pumatay kay Euen? Sagot ni Jian.

Malamang... ipinaubaya ko na si Caitlin sa kanya. Pero anong ginawa niya... sumobra na siya!! Sumobra na kayo!!!!! Sigaw ni Ernil.

Umalis si Jian na agad namang sinundan nina Ma.Joy at Rona.

Ayos ka lang?? tanong ni Nicole.

Naiihi ako, punta muna ako ng banyo... saad ni Kim.

Nag-uusap naman sina April at JP sa ibang silid. Binantayan naman ni Nicole si Kim sa labas ng CR kaya naiwang mag-isa si Ernil.

Maya-maya pa at may gumulong na pulang bilog sa may harapan ni Ernil. Parang ilong ng clown kaya parang nanginig na siya. Coulrophobic kasi si Ernil, takot siya sa mga evil clowns.

Maya-maya pa at may nararamdaman siyang may lumalabas na mga daliri mula sa batok niya papunta sa mukha niya.

Tila naglalaro ito. Iniikot ang buo niyang mukha. Hindi siya makapagsalita dahil sa takot. Hindi rin siya makakilos. Buong katawan niya ay nakakaramdam ng nginig. Alam niyang may mangyayaring masama sa kanya.

Ibinuka nito ang bibig niya at inunat. Halos mapunit na ang balat niya. Lalo pa at sinalpakan siya nang ilang chalk sa bunganga. Umagos ang dugo papunta sa damit niya hanggang sa nakarating ito sa sahig.

Hindi ko na talaga alam... may madreng gustong saktan tayo, tapos may backstabber pa sa grupo at yung pinakanakakatakot eh yung smiling man. Wagas kung pumatay. Parang walang bukas!! saad ni JP.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko... parang nasa death row tayo eh, naghihintay nalang na bitayin. sagot ni April.

Samantala,

Tapos ka na ba?? Saad ni Nicole.

Hindi pa... saad ni Kim.

Ano ba kasing ginagawa mo dyan?? sabi ni Nicole.

Sandali nalang... saad ni Kim nang biglang magbrown out.

Kim, sandali lang ha? Kukuha lang ako ng kandila... saad ni Nicole na umalis na bago pa man makasagot si Kim.

Ang hindi alam ni Nicole eh panay ang selfie nitong si Kim sa loob ng Cr.
Ginamit niyang pang-ilaw ang cellphone. Naisipan niyang magsuot ng sadako costume para takutin si Nicole.

I'm sure, sobrang lakas ng tili nitong si Nicole... habang iniilawan niya ang nilalakaran sabay napasigaw ng may makita.

What the!! Ako lang pala??!! sabi ni Kim nang mapansing nakaharap pala siya sa salamin.

Die bitch!! sabay inuntog siya sa salamin ni smiling man na mula sa kanyang likuran.

Bumaon ang mga bubog sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Lalong-lalo na sa mga mata niya.

Nagpakita uli si smiling man pero imbes na hayaan nalang itong mamatay eh mas diniin pa nito ang bubog sa mata ni Kim dahilan para mabutas ang likuran ng kanyang ulo. Mula dito ay gumulong ang mga matang puno ng dugo.

______________________________________
A/N:

Paunti ng paunti ang cast? Sino kaya ang susunod na mabibiktima ng smiling man?!

paki vote at comment nalang po sa may gusto...

^_^ more secrets to come...

Jagbyeol!!

The Smiling ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon