Nasa isang silid si Joy nang biglang dumating si Jian.
May aaminin ako sa inyo... saad ni Joy.
Ha?? Ano ba yun?? At saka anong ginagawa mo rito?sagot ni Jian.
Importante tong sasabihin ko sayo... sabi ni Joy.
Ano ba yun at parang tarantang-taranta ka?? sabi ni Jian.
Nanginginig si Joy. Hindi niya alam kung saan magsisimula sa gustong sabihin.
Kilala ko kung sino ang smiling man na sinasabi nyo! Sabi ni Joy at dahil sa pagkagulat ay napatulala si Jian.
Sabihin mo sakin, sino siya?? Mabilis na sabi ni Jian.
Magsisimula na sanang magsalita si Joy nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid.
Napatingin sila pareho sa pinto. May umuusok mula sa labas na nagpanginig sa kanila.
Dahan-dahan na sumulpot sa may pinto ang isang babaeng nakasuot ng puti. Mukha itong hindi Pilipino. Isa itong kastila.Maamo ang kanyang mukha at hanggang balikat ang buhok.
Raquel?? Tanong ni Joy.
Kilala mo siya? tanong ni Jian kay Joy.
Siya si Raquel. Siya yung nagsumbong kay Sister Valeria!! Biglang sabi ni Joy.
Nakangiti ito. Masaya. Sa katunayan ay malaki ang ngiti niya. Maya-maya pa ay nawala na si Raquel nang biglang makadinig sila ng isang kanta.
Ang kantang iyon ay kanta ring nadinig noon ni Laarni bago niya sapitin ang malagim na krimeng iyon.
Unti-unting napalabas si Joy na bigla nalang may humablot paalis sa may pintuan. Agad na napasugod si Jian pero wala siyang naabutan.
Samantala,
Nakaupo si Ernil habang pinagmamasdan ang ilang pictures na nasa album pa. Biglang napa hangin ng malakas. Napahawak siya sa magkabilang kamay nang biglang tumiklop ang album. Napatalon pa nga ito ng konti na para bang may humablot rito.
Sino yan? nanginginig niyang tanong.
Psst!! May tila bumulong sa kanya kaya nilingon niya iyon subalit wala siyang naabutan. Hanngang sa maulit ito sa kabilang tainga niya. Ganoon din ang bulong at tulad ng nauna ay wala siyang natagpuang kahit sino. Biglang bumukas uli ang album at may nakita siyang isang litrato na hindi niya akalaing magpapaalala sa kanya ng nakaraan niya.
Kinuha niya ito saka tinaas at pinagmasdang mabuti saka nagtalim ang tingin niya. May kung anong pumasok sa isip niya nang makita ang litratong iyon.
Patak-takbo naman si Joy na tila mabingi na sa tunog na naririnig niya. Nakatakip pa siya ng tenga habang lumilingon-lingon kung saan pupunta. Kung saan ligtas siya para sa kanya. Pero kahit saan yata siya magpunta ay naririnig niya ang tunog. Hanggang sa may makita siya sa kalsada. Isang bangkay na duguan at tila sunog ang katawan. Hindi niya lubos makilala ang mukha. Mabuti nalang at nakilala nito ang suot niya.
Laarni?? Ikaw ba yan?? panginginig niya. Hindi niya alam kung masusuka ba siya o mandidiri sa nangyari dito. Lalo na't kumpirmado na niya kung sino ang bangkay na kaharap niya.
Diyos ko po... kailangan malaman ito nina Jian!! Mabilis na sabi ni Joy pero natigilan yata siyang ilabas ang cellphone nang marinig uli ang tunog. Ilang hakbang mula sa kanya ay ang isang lalaking naka maskara at may dalang kutsilyo habang malaki ang ngiti at nakatitig sa langit.
Ikaw, Tigilan mo na to Brando!! sigaw niya. Kilala niya si Brando-kilalang-kila higit pa sa alam ng iba.
Napatitig lang ito sa kanya habang may bumulong sa kanya upang tumakbo. Alam niyang ang kaharap niya ay hindi na ang ex boyfriend niya. Hindi na ang dating nakilala niya na mabait at tahimik boyfriend niya. Mabilis siyang napaatras at napatakbo ng mabilis. Binilisan niya ng sobra dahil alam niyang nasa binggit na siya ng kamatayan. Hindi na siya nito nakikila. Wala na ang dating kakilala niya.
Nakaisip siya ng matataguan, sa lumang simbahan, sa abandunadong simbahan.
Agad niyang inakyat ang mga baitang ng hagdan at mabilis na sinilip kung nakasunod na ang smiling man. Wala naman siyang nakita pero hindi niya akalin nang tumunog ang mga kampanang malapit sa kanya. Naririnig nanaman niya ang kantang nagpapahiwatig na malapit na ang smiling man. Napaatras na siya nang dahan-dahan at ipwinesto ang sarili. Wala na siyang matatakbuhan. Hindi siya pwedeng tumalon. Doon palang niya naisip na mali ang napasukan niya. Trap na siya roon. Wala na siyang magagawa kundi harapin ang smiling man.
Ilang saglit pa at humangin ng malakas. Nakita niya si Raquel uli. Papalapit ito sa kanya. Inaabot nito ang mga kamay niya. Nagtiwala siya at hinawakan si Raquel.
Dumating si Smiling man na nakatanaw sa lugar si Joy. Napaharap siya nang mapansing nandoon na si Smiling Man. Pero imbes na atakihin siya nito ay natigilan ito. Parang may napansin. Agad silang nagyakapan.
Manuel... saad ni Joy.
Mi amor... sagot ng smiling man.
Sinaniban na pala si Joy ni Raquel para kausapin ang smiling man.
Nang bumitaw silang pareho sa pagkakayakap sa isa't-isa ay nabigla si smiling man sa nakita. Si sister Valeria ang kayakap niya. Mabilis niya itong itinulak. Nahulog si Joy mula sa taas ng simbahan kasama ng ilang mga sunflower.
Bumagsak ang katawan ni Joy habang nakatitig sa kanya ang kaluluwa ni Raquel. Maluha-luha ito. Napatitig pa ito kay smiling man na nakangiti lang na tila sobrang saya sa ginawa.
Samantala,
Guys... nakita nyo ba si Joy?? saad ni Jian.
What do you mean?? Wag mong sabihing nawawala na rin siya?? Saad ni Ma.Joy.
Kanina pa siya nawala... ani Kim.
OMG!! Ano to ha? Ang saya naman ng entertainment natin dito, patayan!! sabi ni April.
Hindi ko na talaga alam!! Ewan!! sabi ni JP.
No, ayoko nang makakita pa ng isang bangkay! Tama na yung kay Nicole!! Saad ni Cherry.
Teka, napansin nyo si Ernil?? Napansin ni Rona na nawawala rin si Ernil.
Habang nag-uusap ang lahat. Nagpunta naman si Ernil sa isang room at may inilabas. Isang box. Isang box kung saan may mga kutsilyong nakalagay. Iba't-ibang hugis at disenyo. Kumuha siya ng isa at pinaglaruan. Hinawakan niya ang dulo ng kutsilyo gamit ang tip ng daliri niya at pinaikot-ikot habang matalim ang tingin saka mabilis na ibinato sa nakadikit na picture ng barkada sa wall. Lumapit siya at kinuha iyon saka pinunit ang litrato.
Hindi ko nakakalimutan ang pinunta ko rito... saad niya habang hindi napansin na dumating si Kim.
Anong hindi nakakalimutan? Tanong agad ni Kim nang marinig ang sinabi ni Ernil.
Hinarap siya nito sabay sagot.
Ahh... wala, nagsusulat lang ako para sa wattpad.
Ah, akala ko kung ano. Sumunod ka sakin, mag-uusap tayong lahat. Pautos na sabi ni Kim sabay talikod.
Papalapit naman si Ernil para saksakin siya ng kutsilyo.
______________________________________
A/N:Sana nagustuhan niyo itong chapter na ito. XD
Curious ba kayo sa sikreto ni Ernil. Wag palampasin ang susunod na chapter...
Pavote and comment nalang po sa may gusto...
Sayonara!!
BINABASA MO ANG
The Smiling Man
Horor14 students. 1 killer. 1 night of terror. Will they escape the terror or they will die screaming? The story involves crime, rivalry, peer pressure, and even death.