Nagising nalang si Ma.Joy na nasa isang lalagyan na siya. Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya nang hampasin siya sa likod. Pero teka, sino nga ba ang humampas sa kanya.
Ilang sandali pa habang ginagala niya ang tingin sa lugar ay nakadama siya ng kirot. May tila nakatusok sa kanya. Nang tingnan niya kung ano ito ay nakita niya na puno ng syringe ang kinalalagyan niya.
Kahit saan siya tumingin ay puro syringe ang nakikita niya. Pero hindi naman lahat ay puro ganon. Marami rin itong Kasamang susi nakakalat sa paligid.
Napansin tuloy niya ang isang kadenang nakagapos sa paa niya. Noong una ay hindi pa niya agad napagdugtong ang mga nakikita niya pero kalaunan any naging malinaw na sa kanya ang lahat.
"Tulong!! Tulungan nyo ko!!!" sobrang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni Ma.Joy. Kahit yata ang may pinakamatalas ang pandinig ay paniguradong mabibingi.
Isang maliit na tv ang biglang umagaw ng pansin niya. Nakikita niya rito si Brando. Pilit parin siyang kumakawala sa kadenang iginapos sa paa niya.
Medyo sumasakit na ito. Marami na rin ang tumutusok sa buong katawan niya. Isa-isa niya itong pinagtatanggal. Ang iba'y madali niyang natatanggal pero ang iba naman ay nag-iiwan ng dugo.
Malalim ang bawat hinga niya. Tila nilalabanan niya ang kanyang phobia. Napatigil siya ng magsalita si Brando.
Dapat tapusin ang dapat tapusin... saad ni Brando.
Pinagbabato naman ni Ma.Joy ang tv. Pero wala siyang magagawa. Hanggang doon nalang yata siyan. Hanngang sa pambabato niya ng mga injection sa tv na alam naman niyang wala ring silbi kahit gano paman siya kalakas.
Pero hindi pa natatapos dyan. May iba pa siyang ingay na naririnig.
Samantala,
Nagmamadali naman si April para hanapin si Jian pero isang bagay ang nagpatigil sa kanya nang biglang mahulog mula sa taas ang isang bangkay. Doon mismo sa harapan niya. At tila kilala niya ito. Kung hindi siya nagkakamali ay si Ernil iyon! Napatingin siya sa taas. Kitang-kita niya ang nakangising si Smiling Man habang pinagmamasdan sila.
Naibaling muli ang tingin niya sa bangkay nang may maramdaman siyang likido na dumadaloy sa paa niya. Mabilis niyang sinilip kung ano iyon. Iyon pala ang tumutulong dugo ni Ernil mula sa ulo nito. May mga burda ang mukha nito. Binilugan ng lipstick ang mata, may makapal na pulbos. May wig ito tulad ng isang clown. At hindi rin mawawala ang gumugulong na red nose ng isang clown. May plakard pang nalalaman si Smiling Man na tila biro lang para sa kanya ang lahat.
Ang saya no?! Laro pa tayo?! saad nito sabay napatakbo.
Mabilis namang naisip ni April kung saan pupunta si Smiling Man, kay Jian! Agad rin namang napakilos itong si April.
Patuloy parin sa pagtakbo si Nicole. Hanggang sa marating niya ang ibaba. Dito na niya tatapusin ang panggugulo ni Sister. Itinaas na niya ang damit pang madre at binuksan agad ang lighter pero hindi niya agad ito nailapit nang sakalin siya sa likuran ni Sister.
Nanlilisik ang mga mata nito. Galit na galit. Hindi maitatatnggi ang poot ng kanyang kaluluwa. Malakas ang pagkakahawak nito kay Nicole dahilan para mabitawan ni Nicole ang damit. Ang lighter naman ay namatay dahil sa pagihip ng hangin.
Inihagis ni Sister si Nicole sa di kalayuan. Agad namang napabangon si Nicole at kinuha ang lighter. Mabilis niya itong binuksan pero minalas uli siya nang umihip uli ang malamig na hangin.
Palakas ng palakas ang ingay na nadidinig ni Ma.Joy. Doon palang niya napansin ang isang makina na may oras. Parang malapit na matapos ito at nakalagay ito sa pinto. Ibig sabihin ay kailangang niyang mahanap ang susi sa kadena ng paa niya at sa pintong magluluwa sa kanya palabas.
BINABASA MO ANG
The Smiling Man
Terror14 students. 1 killer. 1 night of terror. Will they escape the terror or they will die screaming? The story involves crime, rivalry, peer pressure, and even death.