Chapter 7

66 7 2
                                        

Naisipan namang bumalik ni Jian at halos mahulog ang panga niya sa nakita. Nawawala si Ernil mula sa pinagtalian sa kaniya kanina.

Napasigaw rin si Nicole nang tumambad sa kanya pagbukas ng pinto ng cr ang bangkay ni Kim.

Ano nang gagawin natin ngayon ha?? saad ni Nicole.

Hindi pa ba dumadating ang mga pulis?? sagot ni Jian.

Wala pa. Kailangang may gawin tayo... bago pa man may sumunod sa atin... sabi ni Nicole.

Buti pa hanapin mo na si JP... kailangang hindi tayo magkahiwalay-hiwalay! Saad ni Jian

Aalis na sana si Nicole nang may makasalubong siya.

Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

Sinong nagpakawala sa yo ha?? Nagtaas ng boses si Jian at hinawakan sa damit ang nakasalubong ni Nicole. Walang iba kundi.... kundi si Ernil!

Bitiwan mo nga ko!! sabay tulak kay Jian.

Hindi mo kami pwedeng takasan na lang dito. Kailangang magbayad ka sa mga kasalanan mo! Sabi ni Nicole.

Kasalanan?? Nandito ako para sunduin ang kapatid ko?!! saad nito.

Kapatid??!! Saad ni Jian na napakunot noo.

Hindi mo na kami madadaan sa mga kasinungalingan mo!! Hinahatak sana ni Nicole ang braso niya nang mapansing may tattoo ito roon.

Hindi nga siya si Ernil... saad ni Nicole na nakatitig parin sa braso ng lalaki.

Sa pagkakaalam nila, walang tattoo si Ernil sa braso niya.

Nandito ako para sunduin ang kapatid ko... saad nito.

Sino kaba?? Si Ernil ba ang tinutukoy mo?? saad ni Jian.

Hindi ba halata?! Actually, he's not just my brother... he's my twin brother!! Paliwanag nito.

What??!!! sobrang nagulat ang dalawa sa nadinig. Hindi sila lubos makapaniwala. Kundi nga dahil sa tattoo eh hindi sila maniniwala. Pero ibang-iba ito manamit. Hindi tulad ni Ernil.

Ano bang pangalan mo?? Saad ni Nicole.

I'm Ethan... sabi ni Ethan.

Maya-maya pa at dumating bigla si Rona.

Pero imbes na lumapit eh bigla itong natakot.

Stay away from me... stay away!!! saad nito bago umalis nang patakbo.

Mabuti pa hanapin mo na si JP. Utos ni Jian.

Sige... saad ni Nicole sabay sinunod ang utos ni Jian.

Matapos ang ilang saglit ng kanilang pag-uusap, may biglang nag-ingay malapit sa kanila.

Naririnig mo yun?? Tanong ni Jian.

May itinuturo si Ethan nang tingnan siya ni Jian. Nanggagaling ang tunog sa isang cabinet. Nakabukas na ang kalahati nito at ang kalahati'y hindi pa.

Sinong nandyan?? Tanong ni Ethan sabay dahan-dahang lumapit. Hahawakan na niya sana ito nang pigilan sya ni Jian. Pero bigla silang binulabog nang mula sa cabinet ay inuluwa si Brando na nakatali ang kamay sa likod pati ang bibig ay naka duct tape.

Brando??!! Saad ni Jian.
Classmate nila ito. Ito ang itinuturong smiling man ni April Joy.

Ikaw yung killer hindi ba??!! sigaw ni Jian.

The Smiling ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon