Papalapit ng papalapit si Ernil nang biglang sumara ang pinto. Ito ang nasaksak ng kutsilyo.
Pinilit niya itong bunutin ang kutsilyo nang biglang bumukas ulit iyon at inuluwa si Kim.
Maiwan na lang daw tayo dito nina Cherry... saad nito.
Ah, sige mauna kana... may liligpitin lang ako rito... sagot ni Ernil na napatango naman si Kim at sabay alis.
Doon palang niya nabunot ang kutsilyo sa may pinto at isinuksok sa bulsa.
Kailangan kong iimpake ang dapat iimpake... iligpit ang dapat iligpit!!! Tumalim uli ang kanyang tingin bago napasugod palabas.
Inabutan niya sina Cherry at Kim na busy sa mga litrato. Patuloy ang mga ito sa pag-aayos.
So, dito nalang talaga tayo?? Hindi natin sila susundan?? Ganon na lang yon?? mabilis na wika ni Ernil. Parang may kakaiba dito. Hindi naman ito ganito kabilis magsalita. Minsan nga hindi ito nagsasalita.
Nagtitigan ang dalawa. Napako sa kanilang kinatatayuan. Tila may naisip sa mga nadinig.
Anong gusto mong gawin natin?? Saad ni Kim.
Aalis tayo. Susundan natin sila. Hindi ako magpapaiwan dito ng basta-basta nalang...sagot ni Ernil.
Nauna na sina Cherry sa labas at si Ernil ay kinuha pa ang susi ng sasakyan.
Napatigil siya ng ilabas muli ang box.
Alin kaya dito ang gagamitin ko??
Well, kahit ano naman dito... isa lang naman ang pupuntahan nila eh ... sabay napatawa si Ernil.Happy trip na lang guys... saad pa niya.
Ilang minuto ang lumipas at naka labas na si Ernil. Siya ang nagdridrive ng kotse habang sina Cherry ay nakaupo sa likuran.
Sigurado ka ba sa dinadaanan natin? Para kasing naliligaw na tayo eh... sabi ni Cherry na di mapakali.
Ba't ba hindi ka mapakali dyan?? tanong ni Kim.
Ewan ko ba kinakabahan ako. Kanina pa to. Hindi naman ako naiihi eh... saad ni Cherry sabay nahinto ang pagmamaneho ng sasakyan ni Ernil. Nasa isang sementeryo sila.
Mabilis na hinampas ni Ernil ang manibela dahilan ng kanilang biglaang pagkagulat.
Buwisit!! Nagpapaimportante tong sasakyan na to!! saad ni Ernil.
Nagtinginan ang dalawa. Hindi makapaniwala sa narinig.
Ernil, nadala mo ba yung gamot mo? Tatawagan ko sina Ma. Joy... sabi ni Cherry na hinahanap sana ang cp nang mapansing naiwan ito.
Gosh, naiwan ko yung phone ko... saad ni Cherry.
Eh, itong sakin namatay na... saad ni Kim.
Don't worry Cherry... I'm ok... naiinis lang kasi ako eh... sabi ni Ernil na parang humahon na.
No, babalik tayo sa school ok? Saad ni Cherry.
Kim, pwede mo ba akong samahan dun?? Sabi ni Ernil at di na narinig ang pagpigil ni Kim nang madaling umalis ito.
Ano bang nangyayari sa kanya?? tanong ni Kim.
I know, sobrang weird... pero you should know this... He's bipolar... saad ni Cherry na sobrang ikinagulat ni Kim.
What?? saad ni Kim.
Meron siyang extreme changes of mood... saad ni Cherry.
Bakit hindi niya sinabi yun?? Saad ni Kim.
BINABASA MO ANG
The Smiling Man
Horror14 students. 1 killer. 1 night of terror. Will they escape the terror or they will die screaming? The story involves crime, rivalry, peer pressure, and even death.