Unti-unting iminulat ni Rona ang mata niya. Hindi niya alam ngayon kung anong nangyayari. Parang nasa isang lumang silid siya. Parang nahihilo yata siya. Marahil eh epekto pa ito nang pagpalo sa kanya kanina. Napatingin siya sa baba at doon palang niya nalaman na naka tiwarik siya. Nakatali ang paa niya sa may ceiling. Namamaga na ito. Bakas ang mga pulang guhit sa paa niya. Nagsisigaw siya. Subalit di siya makawala sa pagkakatali. Pero lubha siyang nalula nang makita ang ilalim niya. Isang malaking lalagyanan na gawa sa salamin at may tubig na laman.
Sa tansya niya ay lampas na sa kanya ito kapag mahulog siya. Gustuhin man niya eh hindi siya pwedeng mahulog. Hindi lang sa takot siya sa lampas-tao na tubig kundi sa babagsakan niya. Isang pagkakamali lang at pag nahulog siya ay siguradong matutunaw siya. Asido lang naman kasi ang nasa loob ng lalagyan
Maya-maya pa ay dumating na si Smiling Man at tinawanan lang siya.
Walang hiya ka!! Pakawalan mo ko dito!! Pag ako naka alis dito, magsisisi kang nabuhay ka pa!! sigaw ni Rona sabay palihim na nasaktan dahil sa kirot ng paa niya.
Anong mas maganda? Maputol ang paa mo o matunaw?? What if pareho? Sounds good diba?? Saad nito sabay may hinila. Bumaba ng bahagya si Rona na nagpalakas lalo ng sigaw niya.
Alam mo, isa kalang lamok na dapat patayin... kaya magpaalam kana sa mundo!! Sabay ibinaba na ng tuluyan si Rona at mabilis na nasugat ang buong katawan nito. Ang mga buhok ay nalusaw. Dumanak rin ang dugo at ang iba'y nagmantsa sa salamin.
Who wants to play next?? sabay tawa ni smiling man sabay alis.
Mabuti nalang at nahanap na ni Nicole si JP. Nakayuko ito sa isang mesa. Parang natutulog yata o baka nagdadasal. Lalapit sana si Nicole nang makita kung sino ang katabi nito, si Sister Valeria!
Hinahamplos-haplos nito ang ulo ni JP na para bang pinapatulog ng mahimbing.
Tila napako sa kaniyang kinatatayuan si Nicole.
Ano pa bang gusto mo?? Saad ni Nicole sabay napatitig bigla si sister sa kanya na ikinatras niya.
May mga malalaki itong ugat sa mukha na halos pumutok na. Puro puti ang mata nito habang lumuluha ito ng dugo.
Matalim ang tingin nito. Hindi siya halos makatitig. Maya-maya pa at bigla itong nawala kasabay ng biglang pagbulong sa kanya. Hindi niya ito naabutan. Palingon-lingon niya itong hinabol. Maya-maya pa ay nakita niya sa kalayuan si Sister. Nakalutang ito sa hangin habang mabilis na papalapit sa kanya. Dahilan ito para mabilis din siyang mapatakbo.
Ang hindi niya alam ay binabangunot si JP.
Dahan-dahan na lumalakad ang isang mysterious bride papuntang altar na hinihintay ni JP.
Hindi niya makita ang mukha nito. Pero makinang ang gown nito at sobrang gara ng kasal na iyon lahat ay parang manequin. Wala itong mga emosyon at nakatulala sa hangin. Ang tanging nakangiti ang mga kaibigan niya. Sina Rona, April Joy, at iba pa.
Hindi alam ni JP na si sister ang bride na hinihintay niya. Isang sigaw nalang ang narinig nang tanggalin ni JP ang belo. Mga kulubot na balat ang tumambad sa kanya. Parang natutunaw na kandila.
Mabilis namang tumatakbo si Ma.Joy matapos matagpuan ang bangkay ni Rona.
Halos madapa-dapa na siya sa pagtakbo. Palagi siyang napapalingon. Alam niyang sa isang iglap ay pwedeng tapusin ni Smiling Man ang buhay niya tulad ng sinapit ng mga kaibigan niya.
Pumasok siya sa isang silid at nagtago. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng mga kaluskos. Napalabas siya sa pinagtataguan. May nakita siyang babaeng nakaputi na nagsusulat sa board.
Raquel?? Ikaw ba yan??
Si. Sagot nito pero bigla itong naglaho.
Sandali! Saad ni Ma. Joy pero wala siyang nagawa.
Napatingin siya sa sinulat nito sa pisara. Nasa lenggwaheng kastila ito kaya hindi niya mabasa subalit biglang gumalaw ang mga letra at umayos ito sa lenggwaheng tagalog.
Magtago kana nandiyan na siya! nagtaka siya sabay napalingon at sinalubony siya ni Smiling Man ng isang sakal.
Hindi siya makahinga kaya nagpupumiglas siya. Hanggang sa hindi inaasahang matanggal niya ang maskara ni Smiling Man. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Kilala niya ang taong nasa likuran ng mga krimen.
Samantala,
Patuloy pa rin sa pagtakbo si Nicole. Sa tingin niya sapat na ang itinakbo niya para takasan si Sister. Wala na rin siyang bakas na sinusundan pa siya nito kaya minabuti niyang magpahinga muna hanggang sa bumukas ang isang pinto sa isang lumang bodega ng college nila.Napahinto siya sa paghabol ng hininga. May naririnig siyang boses. Tinatawag ang pangalan niya.
Unti-unti siyang napapasok sa loob. Pero biglang sumara ang pinto kaya dinabog niya ito pero wala siyang nagawa kaya pinagpatuloy niya ang paglalakad papasok.Isang makapal na usok ang biglang sumalubong sa kanya. Nilalamig siya. Higit sa normal na lamig. Medyo nagsisimula na siyang matakot sa sitwasyon niya. Baka nasundan talaga siya ngayon ni Sister? Siya na kaya ang susunod? Maraming tanong ang nabuhay sa isip niya. Ito na ba ang katapusan niya?
Hanggang sa nakakakita siya ng isang babaeng puti ang suot. Nakatalikod ito.
Excuse me... saad niya.
Disculpe seniorita?? sagot nito sa kanya.
Kinabahan siya. Spanish language ba ang narinig niya?
Humarap ito sa kanya at doon palang niya nalaman na siya pala si Raquel.
May inaabot ito sa kanya. Isang damit ng madre.
Anong gagawin ko dito?? Saad niya.
Pero wala na siyang narinig na salita mula kay Raquel hanggang sa mawala na ito. Nahulog ng ayusin niya ang damit, ang isang lighter. At doon siya nagkaroon ng ideya sa dapat niyang gawin.
Samantala,
Ikaw? Ikaw ang pumatay sa kanila?? Saad ni Ma.Joy.
Pero hindi sumagot si Smiling Man at mas lalao pang hinigpitan ang pagkakasakal kay Ma.Joy.
Nawala ka ng matagal. Pagkatapos mo kong ipagpalit para kay Joy! Saad ni Ma.Joy at doon nabitiwan siya ni Brando.
Napatakip ng tenga si Brando tila naaalala niya ang lahat. Bago pa man maging sila ni Joy ay naging sila ni Ma.Joy.
Naging kaibigan lang nila si Joy nang dahil kay Ma.Joy.
Hindi na ako yung dating kilala mo!! Saad ni Brando sabay sinakal uli si Ma.Joy. Nangigigil siya na patayin si Ma.Joy. Kahit naaalala niya ito ng konti ay malakas pa rin ang enerhiya na nasa sa kanya bilang repleksyon ni Manuel.
Maya-maya pa ay ibinalaibag ni Brando si Ma.Joy sa pader. Dahilan ito para makatulog si Ma. Joy.
_______________________________________
A/N:
Makaligtas kaya si Ma.Joy sa kamay ni Smiling Man o mapabilang pa siya sa mga nabiktoma nito?Abangan sa pagtatapos ng kwentong ito!
Paki vote and comment po sa may gusto...Salamat sa mga sumuporta ng kwentong ito... ^_^
Maraming salamat po...
Hanggang sa muli!!
BINABASA MO ANG
The Smiling Man
Horror14 students. 1 killer. 1 night of terror. Will they escape the terror or they will die screaming? The story involves crime, rivalry, peer pressure, and even death.