Chapter 3

112 8 2
                                    

Habang nagaganap ang isang malagim na pangyayari kay Nicole Anne, nagpapatugtog sila kaya pala hindi nila nadinig.

Sinabon ko naman, ayaw kuminis!!!! sabay walling ni Kim habang nagdudubsmash.

Try mo muriatic acid, gurantee... sabat bigla ni JP.

Naman eh! Sagot ni Kim.

Joke lang... sabi ni JP.

Naniniwala na ako sa forever!! Patuloy parin sa pagdudubsmash si Kim nang biglang sumingit uli si JP.

Alam mo ba kung bakit naimbento ang salitang monthsary? napahinto ang lahat sa ginagawa nila.

Bakit nga ba? tanong ng ilan.

Kasi karamihan sa relasyon ngayon konti na lang ang umaabot sa anniversary!! Sabi ni JP.

Hugot kung Hugot!! saad ni April Zenia.

Ikaw na. ani Cherry.

Kung kasalanan ang maging maganda, wag kang mag-alala... malinis ang iyong konsensya! Saad pa ni JP.

At humihirit pa ha?! saad ni Ernil.

Ako ba maganda? Tanong ni Cherry.

Maganda naman... mula leeg hanggang paa... saad ni JP

Bago pa kayo magka-asaran dyan eh, tulungan nyo muna kaya kami rito... sabi ni Nicole.

Tulong na para matapos nato... saad ni Jian nang biglang bumukas ang pinto ng cr at niluwa nito si Nicole Anne na labis nilang ikinagimbal. Napatakip pa ng bibig si Nicole. Hindi rin ito kinaya ni Kim at Ma.Joy.

Parang mga estatwang nakatayo ang lahat. Lahat ay hindi makapaniwala sa nakikita nila. May balak na sanang basagin ang katahimikan nang may biglang dumating.

Sir Jay?? tanong ni Rona.

Nakasuot ito ng pangmadre. May dala itong kandila.

Guys... pagtawag ni Ma.Joy sa atensyon ng lahat. Halos sabay silang lahat na napatingin sa tinuro ni Ma.Joy. Nakalutang si sir!

Dahan-dahan itong humarap sa kanya na dahilan ng kanilang pag-atras. Mga puti ang mata nito at galit ang tingin. Marami siyang ugat sa mukha at mga kamay pati rin sa paa. Sa isang kumpas lang ay pinalipad nito sina April Joy, Rona, at JP.

Nagbrown-out naman kaya napaalalay si Jian kay April Zenia. Agad namang sumaklolo sina Kim at Ma.Joy kina JP. Napako naman sa kanyang kinatatayuan si Cherry at Nicole. Sinakal ni sir jay si Ernil. Doon palang niya nalaman na sinasaniban ni Sister Valeria si sir.

Sister??!! Gulat na tanong ni Ernil habang unti-unting di makahinga.

Nagpatay-sindi ang ilaw sa lumipas na ilang sandali.

Mahigpit ang pagkakasakal ni sister kay Ernil. Sabay ng pagpatay-sindi ng ilaw ang pagpapalit-palit ng imahe nina sister at sir jay.

El es tu defecto!! (It is your fault!!) sigaw nito na ikinabingi nina Cherry at Nicole.

No, no! pagmamakaawa ni Ernil

Mabuti nalang at naglakas loob si JP para tulungan si Ernil. Hinambalos ni JP si sir para makatulog. At nagtagumpay naman sila. Bumalik uli ang ilaw.

Inalalayan nila sina Ernil. Na parang nakatulala parin.

Ok ka lang? May masakit ba sayo? Tanong ni Nicole.

Ayos lang ako, sabay lingon sa bangkay ni Nicole Anne na inaayos nina Jian.

Napaalis bigla si Ernil at nagpunta ng library.

Sumunod naman ang iba agad. Nagpunta sila sa library. Doon naghanap si Ernil ng available na computer at nagsearch.

Sister Valeria Buenaventura... agad naman nagsilabasan ang mga detalye tungkol sa madre.

Anong ginagawa natin dito? tanong ni Jian.

May hinahanap ako. Ito yung sagot sa mga tanong na alam ko nasa isip nyo. nagtinginan sina Rona at April Zenia.

Paano ito makakatulong sa atin? Sabi ni Ma. Joy.

Sasagot sana si Ernil nang mapansin niyang naghang ang computer.

For the first time, naghang yang computer na yan ha? Saad ni JP.

Eh di ba lagi nayan yang ichini-check ng maintance rito? Bakit nagkaganyan yan? Ani Nicole.

Pinilit ni Ernil ang computer hanggang sa accidentaly mabasa niya ang isang result.
The hidden story of Sister Valeria Buenaventura..

Maswerte sila at nabuksan pa iyong address.

Sobrang bilis ni Ernil na binasa ang nakasulat.

Guys, tingnan nyo to... hindi yung madre ang pumapatay... siya si Manuel. ANG THE ORIGINAL SMILING MAN!

Smiling man??!! napaisip ang iba

Pwede mo bang ipaliwanag samin kung sino siya? Saad ni Jian.

Siya yung indiyong sinasabi ko nung binabasa ko kanina yung libro about kay sister.paliwanag ni Ernil.

So, ibig sabihin pinatay ni Sister si Manuel?? Saad ni Rona.

Oo. Kasama kasi ito sa mga may balak magwelga sa unibersidad noon. Hindi natuloy dahil namulestiya siya ni Sister.

Eh sino naman itong babaeng ito? tanong ng nakibasang si April Zenia.

Siya si Raquel. Spanish woman who is the love interest of Manuel but later betrayed him by revealing to Sister Valeria the truth about the plan of Indio students. Pinagpatuloy ni Ernil ang pagbabasa.

(Flashback. 1799)
"Iniibig kita Raquel kahit na hindi mo ako nauunawan.Handa akong ipaglaban ang ating pagmamahalan sa mga kastilang tutol sa atin"

Napatitig lang si Raquel. Tila nag-aalangan kung sasang-ayon.

*End of Flashblack

The original, so may imitation ganun?? Saad ni JP na balak pang magpatawa.

Ano to brand ng cellphone? Saad ni Nicole.

Ayon dito, hindi namatay si Manuel sa asidong itinapon sa mukha niya. Bagkus, dito nagsimula ang depresyon niya hanggang sa mauwi sa pagkabaliw niya. Gumagala sa gabi at pumapatay. Sa bawat henerasyon ay nagpasalin-salin ang tila mikrobyong ito at mapahanggang ngayon ay pinaniniwalaang buhay parin at naghahanap lang ng bagong papalit rito.

Pero sabi kanina patay na yung Manuel ba kamo? tanong ni April Joy.

Matapos, itapon ni sister Valeria ang inaakalang bangkay ni Manuel ay muli itong nagkapulso at nabuhay. Pero sa pangalawa niyang buhay ay hindi naibalik ang kanyang katinuan.

So, bakit sa tin galit yung madre? tanong ni JP.

Nagpakamatay ang si sister matapos malamang isa siyang peke na maestra sa unibersidad. Bagamab kastila, hindi pinaburan ng iba ang kanyang paliwanag. Nagbigti ito at nangakong babalikab niya ang mga estudyanteng nagsumbong. Maging ang mga kastilang estudyante sa takot nila at sa pangungumbinsi narin ni Raquel.

Isang larawan ng nakamaskarang lalaki ang nakita pa nila na may label na the alleged current smiling man. Taong 2010 pa ito naisulat kaya marahil ay iba na ang smiling man noon. Nakakatakot ito. Matalim ang mga tingin at sobrang laki ng ngiti. Ngiting abot-tenga.

______________________________________

A/N:

Nabunyag na ang lihim ng the smiling man! pero sa susunod na chapter, isa pang malaking pasabog ang magaganap! Isang sikretong mabubunyag uli kaya abangan ang susunod na chapters... ^_^

Paki vote and comment nalang po sa may gusto dyan! ^_^ salamat po...

Adios!! :)

The Smiling ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon