Jane P.O.V
"TULONG" malakas kong sigaw habang kinakaladkad ako ng mga armadong lalaki."Hoy! Bitawan niyo siya!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa likoran namin.
"At sino ka naman?" Tanong ng isa sa mga armadong lalaki.
"Ako lang naman ang sasapak sa mga utak niyo!" Sagot ng lalaki, familiar sa akin ang boses niya. Pero hindi ko makita ang mukha niya nakatalikod kasi ako at piste tong lalaking may hawak sa kamay ko parang gusto atang baliin.
Rinig ko ang tadyakan sa likod na nag papahiwatig sa nag susuntokan na ang mga yon.
Binitawan ako ng lalaking may hawak sa kamay ko at sinugod niya yong lalaking tumulong sa akin.
Hihilain sana ako ng isa pang armadong lalaki sa gilid ko nang inunahan ko ito, sinipa ko ito sa paa na sanhi ng pag ka tumba nito.
Haharap sana ako kaso biglang may tumamang tadyak sa akin kaya tumilapon ako sa gilid ng kalsada.
Dali dali akong bumangon, nakita kong tumakbo ng mabilis ang lalaki papunta sa akin habang naka kuyom ang mga kamao.
Dahil sa bilis ng pang yayari ay hindi ako naka galaw kaya napapikit nalang ako.
Ilang segundo na pero wla pading tumatamang kamay sa akin, dahan dahan komg minulat ang mata ko.
Naka bulagta na ang lalaki habang namimilipit sa sakit, nakatayo sa gilid niya ang lalaking tumulong sa akin.
Gulat akong napatingin kong sino yong tumulong sa akin, ito yong lalaking president sa school na tinakasan ko matapos kong sipain yong future niya.
Napatingin ako sa armadong lalaki sa likod niya na ngayon ay dahan dahan nang bumabangon sisigaw sana ako pero may humawak sa liig ko at tinutukan ako nito ng baril.
Sinipa ng armadong lalaki yong president namin sa school na sanhi ng pag ka dapa nito sa kalsada.
"Mag paalam kana sa kasama mo" wika ng lalaking may hawak sa liig ko, nanginginig ako sa kaba hindi pwedeng ma uwi sa wala ang lahat hindi pwedeng hanggang dito lang ako kailangan kong malaman kong sino ang pumatay sa kakambal ko.
Nagulat ako nang bigla nalang bumulagta ang lalaking may hawak sa akin, nang tingnan ko kong bakit nasa likod niya pala sa ven at may hawak itong mabigat na kahoy.
Napayakap ako dito, akala ko tlga kataposan kona.
Napabitaw lang ako ng maalala ko yong president ng school namin, tumingin ako dito at wla na sa tabi nito yong lalaking sumipa sa kanya tumakbo na ata.
"Ahh salamat pala...."
"Havyer... My name is havyer"..............
Samantha P.O.V
Lumabas ang doctor na galing sa kwarto ni jennah lumapit ito sa akin "gising na siya pero hindi padin natin masasabi na magaling na kaha wag niyo mona siyang tanongin ng kong ano ano hayaan niyo mona siyang gumaling" wika nito tumango ako, nag paalam na ito sa akin.
Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kwarto kong saan nakalagay si jennah. At pumasok doon.
Nandatnan ko doon si jennah, gising ito at nakatingin sa labas ng bintana.
Humakbang ako palapit sa kanya "bakit niyo pa ako binubay?" Wlang emosyong wika nito.
"Hindi kapa pwedeng mamatay, bata kapa jennah at marami kapang makakamit sa buhay" saad ko dito.
Dahan dahan itong tumingin sa akin "wag kanang mag panggap, alam ko ang plano niyo, alam kong ginamot niyo ako para gamitin" ani nito.
Nagulat ako ng tumawa ito at tumingin sa akin na nakangiti.
"Pero wag kang mag alala sang ayon ako sa plano niyo" wika nito at bigla nalang ngumiti at tumawa.
"Kamusta naman si liam?" Tanong nito sa akin "nag luluksa padin si liam sa pag kawala mo at ni precious" saad ko "namatay si precious?" Na tatawang tanong nito.
"Oo nag pakamatay siya" ani ko "kawawang precious, salamat nalang sa mga alaalang iniwan niya sa akin...................
__________________
YOU ARE READING
Section spy [Ongoing]
Mistério / SuspenseA woman will take revenge on the section she belongs to because all the members of that section are suspects in the death of her twin. Will he succeed?..... Start-03/28/24 End