Kabanata 30
HINATID ako ni Laizer sa amin dahil syempre hindi ako papayag na sa bahay niya ako ngayon matutulog. Pwede namang si Hailey nalang 'yong patutulugin niya doon bakit ako pa? Tyaka may sariling bahay naman pala siya ba't di niya nalang binahay si Hailey. May saltik din 'tong si Laizer e, paano nalang kung natuloy talaga na sa bahay niya ako natulog ngayong gabi, at pag nalaman iyon ng fiance niya, ano ang magiging kalalabasan? Magmumukha akong mistress? Kirida? Kabit? Third party? Fubu? No way.
Hindi ko hahayaan mangyari 'yon.
Wala akong ibang choice kundi sabihin nalang sa kanya kung saan ako nakatira ngayon. Iyon parin naman 'yong tinitirhan ko dati, kina mom and dad. Akala niya siguro bumukod na ako at lumipat ng ibang bahay kahit hindi naman.
Tinignan ko ang mukha niyang seryosong nag pa-parking sa tapat ng aming bahay, napansin ko ang ilang ulit niyang pag lunok wariy may nais itong sabihin.
"H-Hindi pala kayo nag li-live in ng partner mo?" Umiwas ako ng tingin dahil sa akin na siya nakatingin ngayon.
"Pinapatayo pa kasi nimin 'yong bahay namin don sa nabili naming lote."
"Really? Can't he afford a condominium?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Bakit tunog insulto 'yon. Palibhasa sa sobrang yaman niya kaya niyang bumili ng ilang condo o bahay. Kaya niyang magwaldas ng pera. "I mean, pwede kayong kumuha ng condo while waiting matapos 'yong bahay niyo."
"He had a better plan, Laizer."
"So siya lang ang nag pa-plano sa inyong dalawa?" Ano bang pinaglalaban nito?
"Y-Yes, at tyaka ano naman 'yon sayo? There's no something wrong kung under ako sa kanya. At least kaya niya kaming buhayin!"
"Seems he's kinda bossy. What a red flag!" Parang siya naman hindi.
"You know what, bababa na ako. Hirap mo kausap kairita." Napatiim bagang siya. Hinugot ko ang pintuan ng kotse niya pero hindi ko mabuksan dahil naka-lock. "Naka-lock!" Sabi ko sa kanya na nakataas ang kaliwang kilay.
"Ba't di mo sinabing may anak ka na? Kaya ka ba umalis dahil nakabuntis ka?" Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Anong 'tong pinagsasabi niya? Oh, hindi niya nga pala alam ang tungkol sa kalagayan ko. "Sino ang nabuntis mo, Tyler? Nasaan siya? Iniwan mo? Iniwan sayo ang bata?" No, iniwan kami ng ama.
"Shut up, Laizer!"
"Tapos ano? Sinalo ka ng kababata mo kaya siya ang tumayong ama?" Bakit parang galit na galit siya ano ba pinaglalaban nito. Di ko lubusan maisip na ganito pala ang tumatakbo sa isipan niya. Parang alam na alam niya pa kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko.
"Wala naman rason para sabihin ko sayo kung may anak ba ako o wala and for your information, Laizer wala kang pakealam kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko kaya wala akong sasagutin diyan sa mga tanong mo. Now unlock ths door dahil hinahanap na ako ng anak ko." Malalaman din naman niya ang lahat soon sa tamang oras huwag muna sa ngayon. This is not the perfect timing, naglalabanan parin kami. Sinubukan ko ulit buksan ang pintuan pero naka lock parin. "Laizer!"
"Bakit, Tyler?" Biglang nagbago ang tuno ng kanyang boses. "Bakit nung pag gising ko wala ka?" Naging malamig ang tuno ng kanyang boses na ikinatigil ko naman sa pagmamaktol. Mukha na siyang batang nagtatampo ngayon. "K-Kung sana nasa tabi kita nun, siguro maaalala kita agad."
BINABASA MO ANG
Group Study (MB #3 - ON GOING)
General FictionSYNOPSIS "Group Study" -Laizer Montiguido [Mpreg] Too young and foolish to believe that making love is solely for fun. Tyler Jenner succumbed to the temptation and didn't consider the consequences of his actions. He had always wanted to be a good st...