Kabanata 29

460 38 15
                                    

Kabanata 29

SINALUBONG ako ng yakap ni tita Melody. Medyo nagulat pa ako sa biglaang pagsalubong nito sa akin. Hindi ko kasi namalayan ang pagdating niya sa gawi namin dahil ayaw 'kong pagtuunan ng atensyon ang dalawang naglalandian dito sa aking harapan ngayon.

"Finally, nakabalik ka na. I missed you so much ijo." Ginantihan ko rin ito ng mahigpit na yakap.

"Pasyensa na po kung hindi na po ako dumadalaw." Awkward nalang akong ngumiti.

"Naku it's fine. Ang importante 'andito ka na ulit, sana naman dalasan mo ang pagdalaw mo dito nang hindi lang puro pagmumukha ni Aiko ang makikita ko."

"Ay wow I heard that, sama talaga ng ugali mo ma. That hurts my feeling ah!" Sulpot ng isang lalakeng nagkukunyareng may pinupunasang luha sa mukha habang may kargang batang babae. Maputi ang balat nito at makinis. Kung tutuusin para itong babae kung titignan. Magkasing hulma lang kami ng katawang iyon nga lang mas matangkad lang ako kumpara sa kanya.

"Oa ka masyado, Aiko!"

"Che! Dedma sayo ma." Hinawi nito ang kanyang bangs at humarap sa akin muli. "Hello, ako nga pala si Aiko ako lang naman ang reigning big winner dito sa loob ng bahay ni big sister Melody ang M Mansion House. Sa madaling salita magaganda at masasarap lang ang allowed na tumira dito."

Tinggap ko muna ang kanyang nakalahad na kamay bago ako nagpakilala. "I'm Tyler by the way."

"I think pasok ka naman sa standards. Anyway, nice to meet you, Tyler."

Hindi nga niya pala alam ang namamagitan sa amin noon ni Laizer and I guess hindi pa ako naki-kwento ni tita Melody sa kanya. He seems so nice naman at masarap siya kausap walang halong ka artehan. Ang gaan agad ng loob ko sa kanya siguro magkakasundo kami nito. Wala akong mararamdamang b*tchy aura. Unlike sa babaeng nakamasid sa amin ngayon na nakataas ang kabilang kilay nitong nakatitig mula sa akin.

"T-Thank you!" I feel overwhelmed dahil sa kanyang positive presence. Nakakatuwa siya.

"Dadxy, baba! Baba!" Sabi ng batang babaeng buhat-buhat niya at tyaka niya naman ito marahang ibinaba at agad itong tumakbo sa kung saan.

"She's my youngest, Jessica. Actually may tatlo na ako ngayon ang galing kasi gumawa ng mister ko. Balak ko pa ngang dagdagan dahil magkaka-apat na sila Kester. Ayaw ko rin naman magpatalo nagpaparamihan kasi kami ng anak." Kinimayan ko ang nakalahad niyang kamay.

Hindi ko alam kung ano ang papel niya dito sa angkan ng Montiguido. Isa ba siyang asawa sa isa sa mga kapatid ni Laizer?

"Ang dami mong chika Aiko. Simpleng eabab lang itong si Tyler huwag sanang ma impluwensayahan sayo." Hinila ako ni tita Melody papasok sa loob ng kanilang dining room.

Nung unang kilala ko palang kay tita Melody akala ko talaga sobrang sophisticated at glorious kung gumalaw. Napaka trendsetter at may magandang sense of humor pala ito kaya di ako nahirapang pakisamahan siya noon. I think she finally meet her companion, iyong nakakasabay sa humor niya which is itong si Aiko. Halatang magkakasundo masyado itong dalawa.

"Oa ka masyado ma, puntahan ko na nga lang 'yong anak mo sa itaas, sumasakit parin ata balakang nun dahil sa kaka-wrestling namin kagabi." Sabi nito at tyaka umakyat paitaas.

Group Study (MB #3 - ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon