CHAPTER 5
TASK: "Pumunta ka ng canteen at mag-order ka ng Set A tapos hatid mo sa rooftop," basa ko sa papel na may sulat na nakadikit sa pinto ng locker ko.
"Kanino naman ito galing?" Tanong ko sa sarili ko.
Luminga linga pako sa paligid baka sakaling makita ko kung sino ang nag dikit ng sulat pero ako lang ang tao. Hindi ko din kasama si Ena ngayon kasi absent sya.
Pumunta nalang akong canteen at nag order ng Set A. Doon ko nalang sisingilin ang nag utos sakin sa rooftop total doon din naman pinapahatid yung mga food.
"What took you so long?" napahinto ako sa pag bukas ng pinto ng may nagsalita. Ako ba tinatanung ng tao sa loob? Ay tanga malamang ako. Dahil ako lang naman ang papasok hahaha. Pumasok muna ako sa loob at tiningnan ang kabuuan. Bakit parang mukha namang bahay ang rooftop? May flat screen tv na 32 inches, tapos may sofa, table etc. Bigtime!! Meron ding nakaupo na 5 na lalaki. 'Yung isa kumakain ng Mang Juan habang nanunuod, yung naka red nagsasalamin, naka white nag se-cellphone, naka blue nagbabasa at naka black masama ang tingin sakin.
"Ehem!" Napatingin naman yung apat sa gawi ko.
"Sa inyo ba to? Hmmm pwede ko naba makuha ang bayad ng foods para makaalis na ako?"
"No! Not that fast." sabi ni Rheim.
"Why?" tanong ko din.
"Mag timpla ka ng 5 coffee. Ngayon na!!"
"Excuse me, bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Because you're Rheim slave." singit ni Jazzie.
"Weh? Hindi naman ako nag apply as a slave nya ah!" Tumawa naman 'yung mga kasama nya pero 'yong Rheim ay masama pa din ang tingin nya sakin.
"Two weeks ka nyang slave at slave kanadin namin." sabi naman nung nagsasalamin. "Eh? magkano sahod ko?"
"Wala kang sahod mukhang pera 'to. Sa ayaw at sa gusto mo ay gagawin mo ang inuutos namin sayo dahil kung hindi patay ka sakin," sabat ni Rheim.
"Andaya naman ata, wala tayong usapan na maging slave nyo ako." Asar na sabi ko.
"No choice ka but to do what I command. You may go."
Asar akong lumabas ng rooftop pero 'di paman ako nakakahakbang sa unang baitang ay may kumalabit na sakin.
"Ano nanaman ba? Sabi mo pwede na akong umalis."
"Tanga kaba? o, sadyang tanga ka talaga? sabi ko pwede kanang umalis sa harap namin at ipagtimpla mo kami ng kape. Kaya gawin mo kung ayaw mung gumulong sa hagdan."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...