Chapter 14
Nang maihatid ako kanina ni Rheim dito sa bahay ay deretso sa kwarto na agad ako.Hindi ko alam kung alam ba nila ate Sam ang nangyari saakin dahil pag dating ko mga katulong lang ang nandito.
*Phone Ringing*
Kinuha ko agad sa bulsa ng bag ko ang cellphone ko tyaka sinagot ang tawag.
"Hello kuya Ray napatawag po kayo?"masiglang sambit ko ng makita ang pangalan ng tumawag sa screen ng cellphone ko.
"Kamusta na ang babygirl ko?inaaway ka pa din ba ng ate Samantha mo?"
"Po?hindi na po."pag sisinungaling ko.Ayaw ko na malaman niya na minamaltrato ako ni ate baka umuwi siya agad ng Pilipinas.
"Mabuti naman kung ganoon.Kamusta ang pag aaral mo?"
"Mabuti din naman po kuya."nakangiti ng sagot ko dahil umiba na ang topic namin.
"Si Selena pa rin ba ang kasa-kasama mo araw-araw?"
"Yes kuya.Siya lang naman ang kaibigan ko sa school."
"May boyfriend naba si Selen?" Selen ang tawag niya kay Ena dahil para na daw din niya itong kapatid pero ayaw ni Ena na tinatawag siyang ganoon dahil may crush si Ena sa kuya ko na hindi alam ng kuya ko.
Naalala ko pa noong papaalis na si kuya papuntang ibang bansa para doon ituloy ang kaniyang negosyo.
*FLASHBACK*
"Ena aalis na si Kuya ko bukas."sabi ko sa kaniya ng mag kasama kaming kumakain ng lollipop aa may bench.
"Ano?"sigaw niya agad."Bakit aalis siya?ilan taon daw siya doon?waaaah hindi na pwede na nandoon siya sa ibang bansa."histerekal na aniya.
"Bakit naman hindi pwede?"naguguluhang taong ko sabay dila ng lollipop at pina ikot-ikot ito sa bunganga ko.
"Kasi mawawalan ako ng lovelife.Third year palang ako broken na agad?"madamdaming aniya.
"Sira,bakit may gusto kaba sa kuya ko?"tanong ko na ikinapula agad ng pesngi niya.
"Anong may gusto?hoy Pau wala akong gusto sa kuya mo!!"
"Bakit naninigaw ka?pwede namang sumagot na hindi sumisigaw ah!"inis na sambit ko.
"Hindi ako naninigaw!"
"Talaga lang ha?sasabihin ko nga kay kuya na gusto mo siya."tyaka ako tumayo.
"Huwag.Pau wag mo sabihin please huhuhu"
"Makapigil sakin wagas.Itatapon ko lang itonf lollipop na tira ko.Siguro may gusto ka talaga kay kuya.Ayeeehh" panunukso ko na lalobg ikinapula ng mukha niya "Nag bablush si Ena"
"Ano kaba!hindi ah." Pag depensya niya.
"Yeeeeahh.Bagay naman kayo ni kuya eh."
"Talaga?"
"Bakit gusto mo ba siya?"
"Oo.Bagay talaga kami?''
"Huli ka."mabilis na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...