CHAPTER 8

6.9K 170 4
                                    

DAMI TYPO ERROR!!DI NA EDIT.PAKI INTINDI NALANG SALAMAT. 

CLICK THE SONG ------->

 CHAPTER 8

 "Anak ka nga naman ng loser! Wala na bang maibibilis yang kilos mo?" pabulyaw na sigaw ni Rheim sa akin. 

 "Wait lang, ito na, kalma ka lang lumalaki na naman ang butas ng ilong mo." 

 "Dalian mo d'yan loser dahil hindi ka importanteng tao para pag hintayin kami." 

 "Oo na! ito na."

 "Ano ba kasing tinutuwad mo d'yan loser?" 

 "Inaayos ko ang sintas ng sapatos ko eh!" nakangusong sabi ko. 

 "Walang kwentang sapatos. Sayang ang oras. Dalian mo na d'yan!" Nang mabuhol ko na ng maayos ang sintas ay umayos kaagad ako ng tayo at ngumiti sa kaniya papalapit. 

 "Ano nginingiti mo? Ang pangit mo para kang tangang loser!" 

 "Masama bang ngumiti?"

 "Oo dahil ang pangit mo!" 

 "Weh? Baka maganda kamo?"

 "Hindi ka lang pala loser, may pag ka feeling ka din." 

Tumawa ako malakas. "Wag mo lang palakihin ang butas ng ilong mo, nagmumukha kang gorilya." 

"Ano kamo? Gorilya? Mas mukha kang gorilya kesa sa akin. Ipasok mo na nga yan sa compartment at doon ka na din sumakay!" inis niyang sigaw. 

 "Napikon ka na naman eh. Hahahaha pikon si Rheimundo." 

 "SHUT UP LOSER!" Malakas niyang siya.

Tatawa-tawa akong nilagay sa compartment ang mga gamit nya. Oo gamit nya lang ang bitbit ko. 

 Yung sa akin ay nasa bag ko. Pupunta kasi kaming Bacolod. Ang sabi nila Kier Masscara festival daw doon kaya na excite naman ako nung sinabi ni Rheim na kailangan ko sumama dahil kailangan niya daw ng alalay. Iba talaga pag sikat palaging guest pag may fiesta. Kasama namin yung lima tapos si Ena dahil hindi pumayag si Ena na hindi sumama kasi kasama daw ako. 

 Alibi nya lang yon kasi halatang na excite din sya, first time kasi naming manuod ng masscara parade. Pagkarating namin sa Airport sa bacolod ay pinag kaguluhan kaagad ang lima.  Kami naman ni Ena at nasa sa tabi lang. Mahirap na baka masama sa camera. May security guard kaagad na humarang sa mga taong gustong mag pa picture.

Pag kalabas ng Airport may sasakyan na kaagagad na nag abang sa labas. Tudo naman bantay ang mga security dahil dinumog na talaga sila ng mga tao. Tatawa-tawa naman kami ni Ena na tumingin sa kanila. 

 "Iba na talaga pag sikat hinahabol ng fans." biro ko kay Rheim ng makasakay na sila. 

 "Syempre iba talaga ako sayo. Ikaw kasi loser kaya wala kang fans." 

 "Ang sama mo talaga." 

 "Manahimik ka!" ngumuso nalang ako dahil napipikon na naman siguro to. 

 Sa hotel kami mag stay ng 2 days kasi bukas yung festival tapos next day ay gagala daw. Napasalampak kaagad ako sa sofa pagkarating ng hotel dahil napagod ako sa kakabuhat ng bagahi. Gusto ni Rheim na ako daw ang mag bitbit para daw may kwenta ang pagiging slave ko. Sabi ko lagpas 2 weeks na kaya dapat hindi na nya ako slave pero sinigaw sigawan nya ako. Nag bago na daw kasi yung schedule. May saltik talaga sa utak ang lalaking yun. 

 "Yes makatulog na rin ako! antok na ako!" parinig ko kay Rheim. 

 "Hindi ka pa pwedeng matulog loser may ipapagawa pa ako sayo." 

Our Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon