Chapter 19 - officially on
"Loser."lumingon agad ako sa kaniya,tiningnan ko ulit ang sasakyan ni Ena na papalayo na sa lugar na iyon.
Baliw talaga iniwan lang ako!
"Bakit?"
"Tara na."
"Saan?"
"Sa date natin?"
"May date tayo?"gulat na tanong ko at nanlalaki pa ang dalawang eyeballs ko sa mata.
"Oo nga,kakasabi ko lang diba?gusto mo yata inuulit ulit pa ano?"
"Psh!ayoko na sumama."
"At bakit?ang kapal ng mukha tanggihan ako!hindi mo ba alam na ikaw palang ang niyayaya kung makipag date sa napaka gwapo at mabangong lalaking kagaya ko tapos tatanggi kapa?"
Napatampal agad ako sa noo ko dahil sa mahabang sinabi niya.
Kunti lang ang sinabi ko sa kaniya halos lahatin na ang. Hanep!"Siguraduhin mo na sasaya ako sa date ha?"
"Ang kapal talaga ng pag mumukha mo,loser kana nga makapal pa ang mukha."aniya tyaka hinawakan ako.
Napatingin agad ako sa braso niyang nakapatong sa balikat ko.
Bigla akong pinamulahan ng mukha lalo na't marami ang naka tingin sa amun dahil nasa parking lot pa kami ng school."Tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko."
"Bakit?"
"Nakakahiya eh."
"Ikaw pa talaga ang may ganang mahiya ano?dapat nga ako ang mahihiya dahil nakadikit ang makinis kung braso sa madumi mung damit."kinurot ko naman siya agad sa tagiliran kaya napa talon siya.
"Diyan pala ang kiliti mo ah."tyaka ko pa sinusundot ang tagiliran niya.
"Ano ba!tigilan mo na nga."
"Ayoko hahaha ang lakas ng kiliti mo."
"Isa loser ha."
"Bakit ka ba kasi tumatalon talon?daig mo pa ang kanggaroo."natatawang sambit ko at patuloy pa rin sa pag sundot sa tagiliran niya.
"Selena."
Agad akong napatigil sa biglang pag tawag niya saakin ng Selena.
"Selena?"pag ulit ko sa sinabi niya.
"Anong Selena? Loser ang sinabi ko hindi Selena. Ikaw may pag ka bingi na rin."sagot niya tyaka inakbayan akong muli.
Tumahimik nalang ako at hinayaan ang sarili kung mag pa tanggay sa kaniya.
Bakit Selena ang tinawag niya saakin?
Rinig na rinig ko na Selena talaga ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...