CHAPTER 16 - Breakfast with him

5.8K 127 1
                                    

Chapter 16 - breakfast with him

"May tao po sa baba."napatingin agad ako sa katulong namin sa sinabi niya.

"Sino daw po?"

"Rheim daw po.Sinusundo niya daw kayo."mas lalong nanlaki ang mata ko.

Talagang tinutoo niya ang pag punta dito sa bahay para sunduin ako.Paano siya pinapasok ng guard sa entrance ng village? Sa pag kakaalam ko sa patakaran dito bawal papasukin ang sasakyang hindi regestrado ng village maliban nalang kung may nag sabi sa guard na papapasukin.

Kapag kasi may ibang tao na hindi nakatira dito,yung guard na nakabantay sa entrance ng village tatawag sa bahay para itanong kung papasukin ba yung taong 'yun.Kaya paano siya nakapasok?

Bumaba nalang ako total naka pag bihis na rin naman ako ng uniform.

Pag ka baba ko nakita ko siya na nakaupo sa sala na naka cross legs,social feeling niya bahay niya,kapag makita siya ni daddy dito lagot nanaman ako.

"Bakit ka pa pumunta dito?"lumingon naman agad siya sa akin sabay ngiti ng pag kalapad lapad.

Nginingiti ng taong 'to?

"Kilala ko ba ang taong sinasabi mo Ana?"napatakbo agad ako tyaka hinatak si Rheim bago pa siya makita ni daddy.

Nasa bahay pa pala si daddy kaya dapat hindi niya makita si Rheim kasi baka patitigilin na niya talaga ako.

"Aray aray bitawan mo nga ako.Bakit kaba bigla biglang ng hahatak?"bugnot na aniya.

"Bakit kapa ba pumunta dito!mapapahamak ako sayo."sumakay agad ako sa kotse niya kahit hindi niya pa ako sinabihang sumakay."Ano pa tinatayo mo d'yan tara na."gigil na tawag ko sa kaniya.Naririnig ko kasi ang bosea ni daddy at alam kung papunta siya dito."Dalian mo naman!"mahinang sigaw ko sa kaniya at doon lang siya pumasok at pinandar ang kotse niya.

"Bakit ba tarantang taranta ka?"

"Ibabalik ko sayo ang tanong,sino nag sabi sayong pumunta dito?"tumingin muna siya sa side mirror kung kay sasakyan kasi palabas na kami ng village baka ma bundol ang kotse niya.

"Sinabi ko sayo kagabi diba na susunduin kita,pero anong ginawa mo?punatayan mo ako ng tawag habang nag sasalita pa ako hindi ba iyon kabastusan loser?"aniya.

"Pumaya ba ako na sunduin mo?"

"Paano malalaman kung pumayag ka eh pinatayan mo nga ang tawag ko."

"Kaya nga,bakit ka nga pumunta eh hindi naman ako pumaya--"

"Shut up!nandito na ako kaya huwag kanang mag tanong okey?"inirapan ko nalang siya.

Kahit talak ako ng talak kung nasundo na niya ako useless din.

*kruuu kruuu*

Napahawak agad ako sa tyan ko.Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi,pag kalabas ko kasi sa office ni dad deretso tulog ulit ako kahit kakagising palang,iniiwasan ko kasing umiyak sa sama ng loob.

"Hindi kapa kumain?"tanong niya.

"Obvious ba?alam mo na nga na hinatak kita agad palabas pag ka baba ko eh."siniringan niya lang ako.

Hindi na siya nag tanong pa kaya nanahimik nalang ako.Nag isip nalang ako ng kung anu-ano baka sakaling mawala ang gutom ko.

Siguro 15 minutes ang lumipas bago ko napansin ang daan.Hindi ito papunta sa university.

"Hoy saan ang punta mo?doon ang daan sa kanan bakit kumaliwa ka?"tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Deretso lang ang drive niya hanggang sa ihinto niya ang kotse niya sa harap ng resto.Bumaba agad siya tyaka pinag buksan ako ng pinto.

Gentleman din naman pala ang isang ito eh.

Pag kapasok namin madami palang tao sa loob na kumakain.24/7 pala ang resto na ito at sobrang laki.

Umupo kami sa tabi ng babasaging salamin,yung nakikita ang labas.Iniwan niya ako para makapag order daw siya ng kakainin.

Concern din pala ang loko hihihi.

Habang hinihintay ko siyang makabalik inabala ko ang mata ko sa pag ikot at tingin sa paligid hanggang sa pa pukaw sa paningin ko ang dalawang tao sa kabilang resto.

Wala pa kasing dumaan na sasakyan kaya kita ko ang sa kabilang daan at nakita ko ang dalawang tao na seryosong nag uusap habang kumakain.

Kailan pa si ate at Ena naging close?bakit sila mag kasama ngayon eh sobra ang galit ni Ena kay ate?

Noong nakaraan din nakita kung mag kausap si ate at Rheim pero ipinag sawalang bahala ko nalang.Tapos ngayon si Ena naman at ate ang nakita ko.

"Kumain kana"

Hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa dalawa.Ang seryoso talaga ng mga mukha nila.

May importante ba silang pinag uusapan?

Baka,hindi naman gaganyan ang mga mukha nila kung hindi seryoso ang pinag uusapan nila.

"Hoy,ano ba ang tinitingnan mo diyan?"iniba ko agad ang paningin ko para hindi makita ni Rheim at buti nalang may dumaang sasakyan ng tangkain niyang tingnan.

"Wala,nalilibang lang ako sa mga sasakyang dumadaan."pag papalusot ko.

"Para namang wala kayong sasakyan.Kain kana para maka pasok na tayo."tinanguan ko nalang siya tyaka inumpisahang kumain.

Kahit nawalan na ako ng ganang kumain sinikap ko parin na maubos baka kasi mag reklamo nanaman ang kasama ko.Pinaglihi kaya ito sa pag rereklamo.

-*-

BUMABA agad ako sa kotse niya ng eh park na niya ito.Hindi ko na siya hinintay kasi nakita kung papasok na si Ena sa loob.

"Selena"tawag ko sa kaniya.

Kumaway naman agad siya tyaka tumakbo papunta saakin.

"Nag commute kananaman ba?"agad na tanong niya saakin.

"Hindi.Bakit pala ngayon kalang?diba dapat kanina kapa nakapasok?"

"Ah kasi na late ako ng gising.Napasarap yata ako sa tulog."sagot niya.

"Ganoon ba?"balik na tanong ko sa kaniya."Tara na baka ma late pa tayo."

"Bakit ka pa ba nang-iiwan loser!"lumingon ako kay Rheim na masama ang tingin saakin.

"Nakita ko kasi si Ena kaya di ko na nagawang hintayin kapa."

"Iiwanan mo nalang oala agad ako kapag nakita mo iyang bestfriend mung panget."aniya tyaka sumabay saamin papasok ng gate.

"Anong panget?hoy Rheimington huwag mo nga akong matawag tawag na panget.At teka nga,bakit pala mag kasama kayong dalawa?."ani Ena.

"Sinundo ko,bakit may angal ka?"sagot naman ng isa.

"Bakit ko sinundo?kayo na ba?"

Binilisan ko nalang ang lakad ko para hindi madamay sa tanungan nila,mahirap na maputakan ni Ena.

Pero bakit kaya siya nag sinugaling?may tinatago ba sakin si Ena kaya ayaw niyang sabihin na mag kasama sila ni ate Sam?

Hayaan na nga!

Hindi naman masama kung maging mag kaibigan sila.

******

To be continued..



Our Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon