STEPHEN'S POV"Hanggang kailan mo hahayaan ang kapatid mo sa mga ginagawa niya ha Stephen?"pasigaw na sambit ni Alina.
"Paulit-ulit mo nalang sinasabi saakin iyan Alina. Oo,hahayaan ko lang siya dahil alam kung iyon ang gusto niya."
"Talagang ganiyan mo siya iniispoiled ha?simula ng napunta dito ang kapatid mo ay wala kanang oras saakin!"
Padabog akong umupo sa kama at inihilamos ang palad ko sa mukha. Naririndi ako sa boses ni Alina.
"Anong oras ba ang hinahanap mo Alina?may oras naman akong itonutuon sayo ah?"
"May oras nga,pero ang oras na 'yun ay nauubos lang dahil puro kapatid mo lang naman ang pinag uusapan. Limang taon ko ng iniintindi ang ganitong sitwasyon dahil alam ko na kailangan ng kapatid mo ng kuyang sasandalan pero sana naman wag puro kapatid mo ang iniisip mo!"
"Naririndi ako sa boses mo Alina. Would you shut up?"sigaw ko sa kaniya kaya halos matusok ang mata ko sa pag duro niya.
"Naririndi ka?so it means naiirita kana saakin gano'n?how dare you to say those words to me?!"napatayo agad ako ng makita ko siyang umiiyak. Parang piniga ang puso ko ng harapan kung makita ang luha niyang pumapatak sa pesngi niya."Kung naiirita kana,pwede namang mag hiwalay na tayo. Hindi pa naman tayo ikakasal,we're still a fiances so much better we should stop this bullshit relationship we build!"
"No!"sigaw ko sa at nilapitan siya pero tinapik niya ang kamay ko."I am so sorry. Pag usapan natin 'to Alina. Wag kanamang ganiyan saakin."
"It's final Stephen. Lets end this relationship. Ayoko ko ng humingi pa ng oras mo,pag laanan mo muna ng oras ang kapatid mo,diba iyon naman ang priority mo?"
"You're my priority Alina."
"But why I can't fell?because your sister is still your priority. Ayoko na."
"Alina! Damn!"
Pero imbis na lingunin ako ay nag tuloy-tuloy siya sa closet niya at kinuha ang maleta. Nilagay niya sa maleta ang mga damit niya.
"Wag mo na akong pigilan pa Stephen. Buo na ang desisyon ko."aniya ng tangkain kung agawin ang mga damit niyang nilalagay sa maleta niya.
"Ganiyan mo na lang ba kadaling bitawan ang ilang taon nating pinag daanan Alina?"bumuntong hininga ako at umupo sa kamang nilagyan niya ng maleta."pag usapan muna natin ito please?please?"
Tumigil siya sa pag lagay ng damit sa maleta at tiningnan ako.
"I'm sorry."Ice Steve's Pov
"Walangya ka 'tol,lakas talaga ng katisma mo."ani Kean at tinapik pa ako sa balikat.
"Syempre ako pa,may babae bang tatanggi sa karisma ko?iba yata ako 'tol."mayabang na sambit ko sa kanila at tumingin sa labas.
Sa totoo lang nag taka ako sa kay Coreen dahil sumama agad saakin ng gano'n kadali?pero hindi ko na talaga kailangan pang mag taka,si Steve Mendez pa,walang babae yatang makakatanggi sa kagwapuhan kung taglay.
"Tol lalim ng iniisip mo ah?iniisip mo yata 'yung chiks kanina?."
"Grabe ang tapik mo Jazzie ha,may plano kabang sirain ang magandang balikat ko?"paano ba naman ang lakas ng pagkakatapik niya saakin."nasasaktan din ang gwapong ako 'tol."
"Ang OA mo putcha. Oy Rheim lalim din ng iniisip mo ah?"napatingin naman ako agad kay Rheim na nakayuko at nasa baso niya ang pangin.
"Tol may problema ba?"tanong ko at kumuha ng yelo sa bowl.
"Wala naman may iniisip lang."
"Iniisip mo ang karisma ko 'tol?wag ka mag alala tol,pag ikaw mag kagusto saakin sasagutin kita agad."sinabayan ko pa ng pagtaas baba ng kilay. Binato niya naman ako ng yelo at buti nalang gwapo ako kaya nailagan ko agad.
Paano kung natamaan ako sa yelo na 'yun?ede baka masira ang mukha ko at hindi na ako magugustuhan ng mga magagandang dilag.
"Steve tara sa labas."ani Kean.
"Wengya tol,may plano kabang gahasain ako sa labas?wag naman ganiyan,bata pa ako."yumakap agad ako sa katawan ko."aray ha!"binatukan kasi ako ng gago.
"Madami sexy doon oh."tinuro niya yung madaming babaeng naka two piece kahit gabi na."Ano sasama ka?"
"Tara na. Yun lang pala eh. Pustahan tayo oh."tiningnan niya naman ako ng nakakaloko."padamihan ng chiks na makilala."
"Deal."sangayon niya at pumunta sa kanan na may babaweng nakaupo.
Sa di kalayuan ay may nakita akong babae na nakatayo at sinusukat niya yata ang lawak ng karagatan dahil nakatanaw siya doon. Nakaisip ako ng magandang idea kaya pasimple akong lumapit sa babae.
"Nag iisa kaba miss?"pag umpisang tanong ko at tinanaw din ang tinatanaw niya.
Wengya,wala namang magandang tanawin sa tinatanaw niya dahil kulay itim lang naman ang makikita.
"Bakit may nakikita kaba na hindi ko nakikita?"
"Huh?"litong tanong ko. Ano daw sabi niya?ang layo naman yata ng sagot niya diba?
"Sabi ko may nakikita kabang hindi ko nakikita?"ulit na tanong niya. Napakunot ang gwapong ako ng noo dahil medyo ng loading ang utak ko sa tanong niya."gwapo sana slow naman."bulong niya pero rinig ko naman.
"Miss sangayon ako sa sinabi mo na gwapo ako,pero hindi ako sangayon sa pagtawag mo saakin na slow."inis kung sambit.
"Eh slow kanaman talaga. Ano ba ang ipinunta mo dito sa gawi ko?"mataray na aniya."umalis ka nga dito istorbo ka alam mo 'yun?"
"Wew."sipol ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan."dapat nga mag bunyi ka dahil nilapitan ka ng gwapong si Ice Steven."
"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo at higit sa lahat hindi kita sinabihang lapitan ako."
"Ang taas mo naman girl. Feeling mo naman ikaganda mo iyang pagtataray mo?"
"Feeling mo rin ikagwapo mo ang lapit mo saakin?"
"Oo."agad na sagot ko at tinaasan niya naman ulit ako ng kilay."dahil gwapo at gwapo ako."
"Ang lakas na agad ang hangin oh. Umalis kana nga,giniginaw ako sa pagbuhat mo ng sarilinh bangko."
"Hoy babae--"
"Diona andiyan kalang pala. Kanina kapa namin hinahanap nila Myla."
Diona pala ang pangalan ng mataray na babaeng 'to."lets go inside na,lumalamig na ang ihip ng hangin oh.""Kasi may mahanging lalaki ang lumapit saakin. Tara na."
Mag sasalita pa sana ako pero tinalikuran na nila ako agad. Aba, anbilibabol!
Si Ice Steve na nag iisang gwapo tinalikuran ng magandang dilag?
Wengya! Hindu ito maari. Kailangan kitang mapahulog sa karisma ko Diona. Mag tutuos pa tayo ulit. Kala mo ha.
*************
To be continued...
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...