CHAPTER 59

10.2K 253 43
                                    

Dahil sa nangyari ay nagkagulo ang mga tao. Isinugod agad nila Steve si Selena papuntang hospital dahil malalim ang natamong sugat nito sa tyan.

"Nakita mo ang ginawa mo kyaup? hindi mo kasi kayang kontrolin ang emosyon mo." Malumanay na sabi ni Kier kay Pau na tahimik na. "Paano kung napatay mo siya?"

"Edi masaya," may galit pa nitong sagot.

"PAULETTE!"

Napalingon kami kay Samantha na may hawak na baril at itinutok kay Pau. Kinabahan ako kaya lumapit ako sa pwesto nila  pero tinulak ako ni Kier dahil nag-uumpisa nanamang naging masama ang tingin ni Paulette.

"Bakit gustong-gusto niyong napapahamak!" sigaw nanaman ni Kier. "Wag mo iyan ituloy Samantha dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo!"

"Hindi ako natatakot. Naging maayos na ang pagtrato ko sa babaeng iyan pero ginagago niya nanaman ako, sinaktan niya ako at ginamit niya pa si Alex!" sigaw din ni Samantha na nakatutok ang baril kay Pau.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nagkalintik-lintik ang buhay ko, Samantha. Ikaw ang master mind sa lahat ng katarantaduhang napagdaanan ko!" Naging katulad nanaman si Paulette kanina at kinikilabutan ako sa mga titig niya. "Iyang sakit mo ay wala pa sa sakit na naranasan mo. Subukan mo akong galitin pa Samantha dahil iyang bata na nasa tyan mo ay mawawala din sayo."

"Wag mo idamay ang anak ko!"

"Paano kung gusto ko?" dahan-dahang lumapit sa kaniya si Paulette kaya umatras siya. Pinigilan ni Kier si Pau pero masiyado itong malakas kaya napamura si Kier sa inis.

Lalong itinutok ni Samantha ang baril kay Paulette. Hinihintay kung kalabitan niya iyon dahil handa akong saluhin ang bala para lang hindi mabaril ang babaeng mahal ko.

"Ang isang Samantha ay hinding hindi susuko sa isang kagaya mo. Dapat sayo namatay na talaga noon para parehas kayo ng anak mo na nawala na!" patakbong sumugod si Pau kay Samantha kaya tumakbo ako papunta sa gawi nila.

*BANG!*

"No!"

Akala ko naitulak ko siya pero hindi pala. Akala ko ako ang sasalo sa bala na iyon pero hindi pala. Akala ko, mamatay na ako dahil handa akong ialay ang buhay ko pero nagkamali ako. Lahat ng iyon ay puro akala.

"Alina!"

Malakas ang hiyaw ni Stephen sa pangalan ng fiance niya. Si Alina ang nagtulak kay Pau para hindi matamaan ng bala. Bumagsak sa lupa ang katawan ni Alina na may tama sa dibdib.

"Alina!" muling palahaw ni Stephen at niyakap ang katawan ni Alina. "Anong ginawa mo Samantha!" nabato naman si Samantha sa kinatatayuan niya. Nabaril niya ang sarili niyang kaibigan. "Alina, alina please gumising ka. Hindi pa tayo nagkaayos diba? kailangan pa nating mag pakasal diba? please Alina don't leave me!"

Hindi ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kagaguhan ko. Madaming nadamay sa ginawa namin sa kaniya. Nagsisi ako kung bakit ginawa pa namin iyon sa kaniya. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat ay sa umpisa palang ay umatras na ako.

"You shit!"

Nabaling lahat ang paningin namin kay Paulette ng sumigaw ito. Sinugod niya si Samantha at inagaw ang baril na nasa kamay nito. Nag-agawan silang dalawa at walang may gustong matalo.

Our Painful Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon