Chapter 24Maaga akong nagising para maaga din akong makarating sa school.
Naligo ako,nag bihis,nag lakay ng kunting pulbo sa mukha at lipstick sa lips. Sinuklay ko din ang mahaba kung buhok.
"Maam kumain po muna kayo."pag taqag saakin ng katulong.
"Sa school nalang po ako kakain manang."
"Ganun ba?ibinilin kasi ng kuya mo na dapat daw mapapakain ka ng almusal sa umaga."
"Pag mag tanong si kuya sabihin niyo nalang po na kumain na ako."
"Pero---"
"Manang kung ayaw niyang kumain hayaan ko na siya. Mas maganda nga na hindi yan dito kumain para hindi masira ang araw namin ni daddy."biglang singit ni ate.
"Good morning ate."nakangiting bati ko sa kaniya.
"Anong maganda sa umaga kung pag mumukha mo agad ang makikita ko?"mataray na sabi niya at naka taas pa ang isang kilay niya.
Yumuko nalang ako at nag tungo na sa labas. Mag commute nalang siguro ako sa ngayon. Alam ko naman na ayaw akong malasabay ni ate sa kotse.
Ginawa ko ulit ang dating ginawa ko nung unang nag commute ako. Laking pasalamat ko na hindi katulad dati ang tagal na pag hihintay ko.
"Hoy!"lumingon ako sa gilid ko dahil may tumawag saakin.
"Ena."ngiting tawag ko na kumakaway kaway pa.
"Himala ang aga mo ngayon ah?bakit nga ba?"
"Masama ba na maaga akong pumasok ngayon?tara sa canteen di pa ako nag aalmusal."tinaasan niya naman ako ng kilay sa tinuran ko.
"Bakit ba hindi ka muna kumain sa inyo bago ka pumasok?"
"Alam mo na kung bakit."pilit ang ngiting sagot ko.
Inismiran niya naman ako pero nag tungo pa rin kamisa canteen.
Ako lang ang nag order kasi kumain na daw siya sa kanila,sinamahan niya lang daq talaga ako."Kamusta ang honeymoon niyo?"
Bigla kung naibuga ang laman ng bunganga ko sa tanong niya.
Inis naman siyang pinag tatanggal ang butil ng kanin na tumalsik sa mukha niya."Honeymoon?"balik tanong ko.
"Oo Pau honeymoon. Ano feeling?masarap ba?"
"Ha?ano ba ang sinasabi mo Ena?"naguguluhang tanong ko.
"Nagalaw kanaba niya Paulette?"
"Ah ano ahm"
"Nagalaw nga."pabulong na aniya pero narinig ko.
"Bakit Ena?"
"Wala naman. Sana hindi mo pag sisisihan 'yan."aniya na naka kunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...