"You excited?" agad na tanong saakin ni Marky ng makita niya akong hatak-hatak ang maletang itim.
"Syempre. After 5 years makikita ko na din ang mga mukha nila," ngiting sabi ko at inilagay sa gilid ang maleta.
"You look like beautiful and blooming today Coreen." Aniya kaya inirapan ko siya.
"Ngayon mo lang ba napansin Marky? siguro may katarata na 'yang mata mo."
"Grabe ka naman. Smile ka nga picturan kita." Sinamaan ko siya ng tingin pero itinapat niya parin ang cellphone niya sakin. "1 2 3 smile." Nag thum ups sign ako at nag smile. "Ang ganda mo pala pag-naka ngiti."
"Psh. Tigilan mo nga ako sa kagaguhan mo Marky. Alis na ako. Call me nalang pag may gusto kang sabihin," kinuha ko ang maleta sa gilid at hinila ito palabas ng condo.
"Sige. I'll call you every minute. Take care baby." Siniringan ko siya ng tingin ngunit tinawanan niya lamang ako. Gago talaga.
Taas ang noo akong lumabas at nag lakad papunta sa kotse ko. May driver naman na mag hahatid sa akin sa Airport ng Singapore. Tyaka pag dating ko ng NAIA may susundo na din saakin doon.
Selena's Pov
"Mommy I wan't to go outside, and also I wan't to play."
Ibinaba ko ang hawak kung libro at nilapitan ang anak kung nag lalaro ng mga barbies niya.
Yes, I have a baby girl. After 5 years biniyayaan kami ni Jazzie ng anak at iyon ay si Ziena. She's 4 years old now. Nag kabalikan din naman kami ni Jazzie after 1 year. Ang tagal nga eh diba? pero okay lang iyon atleast kahit ganoon katagal ko hinintay ang desisyon niya ay maganda naman ang naging resulta.
"Baby nag re-review pa si mommy. Alam mo naman na may exam si mommy tomorrow diba?" bigla naman siyang nalungkot.
Huminto kasi ako ng pag-aaral nung pinag bubuntis ko si Ziena, at syempre hinintay ko muna siya mag 4 para naman hindi na siya mahirap alagaan kapag nag aral na ulit ako.
"Where is dad po ba? pwedeng si daddy nalang po?"
"Busy si daddy baby eh. Nasa company siya ngayon. But mommy call him later and ask if he is not busy okay?" nangislap naman agad ang mata niya.
"Tell him too mommy that baby Ziena miss him na. I wan't to play outside also."
"Okay. I will baby," tumalon talon naman siya sa tuwa kaya napangiti ako.
Masaya ako dahil lumaking bibo at matalino si Ziena, 'yun nga lang minsan may pag-kapasaway din pero nasasaway naman siya pag nag wawala na.
Mabilis din siyang umintindi kaya thankful ako.
Siguro kung hindi lang namatay si Pau at ang baby niya maybe may kalaro na si Ziena.
I miss my bestfriend pero wala eh, hindi na siya babalik pa dahil nasa langit na siya.
Napalingon naman ako sa upuang inupuan ko kanina dahil tumunog ang cellphone ko doon.
"Mommy mommy baka si daddy ang tumatawag," excited na ani Ziena.
"Wait, titingnan ko," tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. "Yes daddy?"
"How's my wife and Ziena?" agad na tanong niya.
"Ito nag re-review ako. Yung anak mo kinukulit ako na lumabas daw kami. Busy kaba ngayon?"
"Hindi. Actually lalabas na nga ako ngayon eh."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story [COMPLETED]
Humor[Highest Rank Achieved: #01 in Humor] Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ang mga taong nasa paligid niya. Lahat ng taong mahal niya at malapit ang loob sa kaniya ay iniintindi niya ngunit ang lahat ng kabaitan niya a...