Chapter 11

169 2 0
                                    

Chapter 11

Renz's POV

"Okay, magkwekwento na ako..." Marcus started his explanation why he's here in our condo. Nasa living room kami ngayong tatlo. Magkatabi kami ni Asha sa mahabang sofa at siya ay nasa may kaliwang sofa. Magkakaharap kami ngayon and honestly this conversation is a little bit awkward for me. I don't know why he can talk casually in front of us. Siguro nga ay talagang naging malapit na silang dalawa ni Asha. Sila lang namang dalawa ang magkausap. Nararamdaman din siguro ni Asha ang tensyon sa pagitan namin.

He sipped his coffee first before he continued his story. "... As I told earlier, nalaman na ni Christine na nasa apartment ako ni Fay nakikituloy. She went there at pilit akong hinahanap. Tinulungan naman ako ni Fay na makatakas sa kanya at siya rin ang nagsuggest na sa inyo nga muna ako makitira." He looked sheepishly at us and continued his explanation. "Wala na rin akong choice dahil alam kong maraming kakilala si Christine dito at alam kong mapagkakatiwalaan ko naman kayo." Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Kaya sana naman ay tanggapin niyo ako." Hinihintay niya kaming sumagot pero hinayaan ko na lang si Asha na magdecide. Ayoko munang magsalita dahil sa nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa lalaking nasa harap namin ngayon. Tiwala naman akong wala silang ginagawa ni Asha sa likod ko dahil kinakausap ko rin minsan si Fay kapag umaalis sila. Lagi nilang sinasama si Fay sa tuwing magkikita sina Marcus at Christine kaya komportable ako sa pagpapangap nila pero minsan ay nakakatakot pa rin. Mahirap maging karibal ang isang Marcus lalo na't lalaki pa ito.

Nang walang nagsasalita sa amin ay tiningnan ako nina Marcus at Asha. Napaangat na lang ang mga kilay ko.

"Bakit?"

Dumikit naman sa akin si Asha nang mabuti at may binulong.

"Payagan mo na si Marcus. Mas madali ko siyang makukumbinsi kung lagi ko siyang makakausap." Tiningnan ko namang maiigi si Marcus. Tinitimbang ko pa rin kung dapat ko bang tanggapin si Marcus. Siniko naman ako ni Asha at binigyan ng nagmamakaawang mukha. I sighed.

"Ayos lang sa akin as long as alam mo kung paano ilulugar ang sarili mo sa bahay na 'to." Napangiti naman sa akin si Marcus habang tuwang-tuwa naman si Asha.

"Salamat Renz. I will." Marcus said.

"I told you. Renz will understand us and your situation." Asaha said. Hindi maalis ang mga ngiti sa labi nito habang papalit-palit ang tingin nito sa aming dalawa.

***

Matapos ilipat ni Marcus ang mga gamit niya ay walang humpay na nagpasalamat sa akin si Fay. Nag-offer pa siyang makikihati sa bayarin pero hindi ko na hinayaan dahil sa kagustuhan ko rin tumulong at gusto rin naman ni Asha. Kung tutuusin kaya naman nilang maghanap ng bahay but they consider Christine's connection in Manila. Christine's knows his place because of her connection. Si Marcus naman ay titira muna sa isang kwarto namin dito since nagsasama naman kami sa iisang kwarto ni Asha.

"Asha, gusto mo bang sumama? I'll buy our dinner tonight." I ask Asha as I started to get the key of my car.

"Hindi na babe. I will finish writing this memo since kailangan na sa States ni mommy." She looked at me at diniretso na ang kanyang ginagawa. I walked towards her ad kissed her cheeks.

"I'll go ahead."

"Take care!"

Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kay Marcus since hindi ko siya nakita sa living room. I bet he's cleaning and fixing his things in the room. Habang naglalakad ako sa hallway ng building na kinarororonan ng condo ko naisip ko kung bakit naiinis pa rin ako hanggang ngayon kay Marcus. Siguro nga ay hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niya para maging malamig na ang pakikitungo ko sa kanya. Maybe, I should start having some decent conversation between him. The thing he had done is not enough to break our friendship. This time I will let him explain it to me much better. I will let him explain it to me until I accept his explanation. It should be rational first. Napatawa naman ako sa mga pumapasok na scene sa utak ko. Kahit papaano ay namiss ko rin ang pagiging palabiro ni Marcus tuwing magkasama kami. I must admit that I somehow miss his presence. He's still a friend after all.

The Book (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon