Chapter 7

285 3 0
                                    

Renz's POV

          When I got my full senses, I felt awkward for myself. Ang tanga ko lang para gawin yun. It's been two days simula nang mangyari yung kiss at never na ulit akong nakipag-usap kay Marcus after kaming sunduin ni Asha sa bar. Hindi ko sinabi kay Asha ang nangyari baka magalit lang siya. I will just keep it. Ugh! I felt the guilt running over me whenever Asha smiles at me. I texted Marcus na huwag na lang ipaalam sa iba kung ano-ano ang mga nangyari sa amin sa bar. At ang kanyang epic na reply.

          'Okay.'

          Okay. OKAY! Ugh! It stressed me a lot. Well, ang shit mo rin naman kasi Renz malamang di ka na papansinun after what you did to him. Kasalanan din 'to ng putchang beer na yun. Renz, always remind yourself that you should take beer lightly. Gago mo rin e!

          Nagulat ako ng magtext sa akin si Marcus. Kinakabahan pa nga akong buksan. Shit lang baka mag-iba na yung tingin sa akin noon. Akalain niya pang manyak ako o kaya ay may nararamdaman na ako para rito. Ugh! Fuck those beers and to myself also!

          When I opened the message bigla akong napatingin sa kalendaryo. Ugh! Bakit ngayon ko pa nakalimutan. Shit talaga!

          'Renz, ready ka na ba for the wedding photo shoot? We're waiting for you for almost 20 minutes.'

          Knowing Marcus, hindi siya ganyan kapormal na magtext. Laging may mura yun and I think there must be something wrong with us.

          'Wait. 20 more minutes and I'll be there. I'm sorry.'

          I immediately change my clothes and pack my things. Hindi ako gumawa ng ingay para hindi magising si Asha na kahit tanghaling tapat na ay natutulog pa rin. When I am done and ready to go, I went to Asha's place first. I examined her face, that face that I will never forget. Hindi ako magsasawang titigan yun buong araw. I came back to my senses when my phone rings. It was Marcus who is calling; I didn't want to answer it since I can't talk to him right now.

          I kissed Asha's forehead and went to the venue.

***

          Ang ganda ng pumili ng venue which is si Marcus. Marcus is the organizer of this wedding and I must say that he is a good organizer. Naintindihan naman nila kung bakt ako late, nagdahilan na lang ao na marami rin akong ginagawa. Marcus looked at me at alam niyang nagsisinungaling lang ako since I told him that this was the only sideline job I have as of now. Napahinga na lang siya ng malalim at sinimulan na namang magmando. Sobrang iba siya ngayon sa normal na Marcus, yung cheerful at babaerong Marcus. Hindi kaya apektado pa rin siya nang kiss? Shit ka Renz, marami ng nahalikan yang si Marcus, what made you think na hindi pa siya nakakaget-over sa halik mo? To think na sa pisngi lang 'yun. Okay, be a professional photographer Renz. Don't overthink it.

          Tanghaling tapat ang gusto ng mga ikakasal. Maganda kasi ang dagat kung tanghaling tapat. They really look good together sa mga shot ko. They do have this kind of chemistry na mapapangiti ka na lang kapag nakita mo.

          I must admit na naiilang pa rin ako kay Marcus. Tuwing tinitinganan niya ang photo shoot session namin at bigla bigla na lamang siyang tatabi sa akin para tingnan yung mga kuha ko. Siguro ay naiilang din siya. He's not the talkative Marcus anymore or he is being professional? I don't know. Hindi naman na kami nag-uusap at wala akong balak na kausapin siya. Ang shitty lang naman kasi ng excuse ko doon sa ginagawa ko sa kanya. Hanggang ngayon nag-eecho pa rin yung reason ko. I'm so stupid ugh!

The Book (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon