Prologue

55 16 3
                                    

"I do" ...

"I do"  ...

"MAHAL !!!!!!!!!!"
...

Imee's Pov:

"Mahal kapit !!!!! ...."

Malakas na sigaw kasabay ng pag bangon ko sa kama.

Na panaginipan ko na naman ang blurred na kasal namin at pag kahulog nya sa may dagat ...

Tumingin ako sa wedding picture namin at napaluha ulit.

Alam kong buhay ka mahal ... Walang nakita ... Kaya umaasa parin ako hanggang ngayon na buhay ka ...

2 years ago ...

"Mahal handa na ba ?" Tanong ko kay Rod habang nag aayos ng mga gamit sa likod ng sasakyan para ilagay sa bago namin bahay.

"Yes mahal ... Ayos na ! Halika na" sabi naman nito sa akin.

Kakatapos lang ng honeymoon namin at lilipat na kami sa Davao para doon manirahan.

Nasa may LU naman kami ngayon at papunta ng Manila ng ganitong maaga dahil hindi kami pwede ma late sa flight.

It's just 4am at ba byahe na kami papuntang airport.

Ilang oras din kasi ang byahe kaya kailangan maaga.

Habang nasa byahe ay maulan ulan naman kaya dahan dahan si Rod sa pagma maneho.

Maya maya ay nagtaka naman ako kung bakit bumibilis ang takbo nito.

"Mahal ... Dahan dahan baka mabangga tayo" sabi ko naman sa kanya.

Hindi naman ito nag salita at parang kita ko ang kaba.

"Mahal ayos ka lang ?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nawalan tayo ng break" sagot naman nito sa akin.

"Mahal buksan mo ang pinto at tumalon ka jan sa damuhan, may barrier naman di ka mahuhulog sa dagat ..." Utos naman nito sa akin.

"Ayoko Rod !" Naiiyak ko naman na sabi dito.

"Dali na ! Hindi ko na kontrolado itong manubela kailangan ko na itong ibangga kesa tayo ang maka bangga" sigaw na utos naman nito sa akin..

"Pero mahal ayoko ... Hindi kita iiwan, sabay tayong babangga dito sa harapan" sabi ko naman dito.

Binuksan naman nito ang pinto sa may side ko at tinanggal ang seatbelt ko.

Bigla ako nitong tinulak ng mapunta na kami sa side ng damuhan at kita ko ang pagka bangga nya sa barrier at diretcho ito sa bangin na papuntang dagat.

Narinig ko pa itong sumigaw ng mahal.

Dahil sa impact nang pagkaka bagsak ko sa damuhan ay nawalan naman na ako ng malay.

2 years later ...

"Mahal !!!!" Sigaw ko at napaupo ako bigla sa kama.

"Mama" tawag sa akin ni Ree dahil nagising din sa pag sigaw ko.

Kinalong ko naman ito at pinatulog ulit dahil madaling araw pa lang.

She's just 1 years old, after the honeymoon accident, I was 2 weeks pregnant na pala when they rushed me in the hospital.

Buti ay na saved sya at di napahamak sa tiyan ko.

Si Ree na lang ang naiwan sa akin ... Si Ree lang ang dahilan kung bakit ginusto ko pang mabuhay after hindi mahanap si Rod malapit sa dagat at bangin.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon