Chapter 9

89 17 5
                                    

Rey's Pov:

Pagka hatid ko kay Iyay sa sakayan pauwi ng province nila ay dumiretcho naman ako kila Imee.

Na miss ko na kasi si Ree agad kahit ilang days pa lang sya di nakikita.

Natutuwa ako sa bata na yun, ang gaan ng loob ko pati kay Imee. Siguro dahil kamukha ito ng ex girlfriend ko noon kaya parang may connection kami.

Pag dating ko sa bahay nila ay saktong labas ni Lia.

"Hi Lia, ang ate Imee mo ?" Tanong ko naman dito.

"Tamang tama Kuya, pupunta akong kabilang province, sa isang araw balik ko eh tapos ang nanay at tatay ko naman nag manila kahapon sa isang araw pa din ang uwi, buti may kasama sya ngayon. At ikaw yun Kuya" sabi naman nito at tinapik ako sa likod sabay sakay ng sasakyan na ini book nya.

Napailing na lang naman ako sa sobrang kikay ng pagka kasabi at pasok ko ng gate dahil hindi naman nya ito sinara kaya ako na nagsara.

Pagpasok ko ng pinto ay naka talikod itong nagli ligpit ng laruan.

"Ano ba Lia bumalik ka pa ! ... Okay nga kami ni Ree dito. Sana'y kaming maiwan dalwa, umalis ka na at baka gabihin ka p---" hindi nito natuloy dahil lumingon ito at nakita ako.

"Nakaalis na, bantayan ko daw kayo" sabi ko naman dito ng may ngiti.

"R-rey b-bakit ka nandito ?" Tanong naman nya.

"Wala lang, kakahatid ko lang kay Iyay, mga isang buwan sya doon sa Agusan eh tapos binili ko ito kahapon instax camera" sabi ko naman at abot dito.

"Aanhin ko ito ?" Tanong naman nya.

"Nakita ko kasi yun oh, parang lumang camera. Maybe sa husband mo ? Kaya binili na din kita ng bago, hindi ko alam eh basta binili lang kita" nahihiya ko naman dito na paliwanag.

Natawa naman ito sa akin at taka akong tumingin.

"Ang cute mo pag nahihiya ... Namumula yung cheeks" pang aasar naman nito.

"Thank you" ngiti pa nito na sabi at lagay ng camera sa kalapit nung lumang camera.

"U-upo ka muna" sabi pa nito dahil nakatayo lang ako na nakatingin sa kanya.

"Yung ngiti nya parang ganun din yung ngiti nung malabong babae sa panaginip ko" sa isip isip ko naman.

"Hello ? Rey to the earth ?" Biro naman nito at snap ng finger nya sa harapan ko dahil natulala pala ako.

Ngumiti lang naman ako at tumango saka umupo.

"Hindi namamansin yung bata ah" sabi ko naman dahil naka upo lang si Ree sa crib at nagla laro.

"Naka talikod eh, tawagin mo" sabi naman ni Imee at punta sa labas sandali para magtapon ng kalat.

Hindi ko naman ito tinawag at binuhat na lang ito kaya nagulat sya at napatingala sa akin ng tingin.

Umiyak naman sya at nabitawan ang laruan kaya hinarap ko ito ng kalong sabay pasok naman ni Imee.

"Pinaiyak mo pa" reklamo naman ni Imee kunwari.

"Mama" iyak naman na tawag ni Ree dito at sama kay Imee.

"Binuhat ko kasi ng nakatalikod sya tapos nagulat at tumingin sakin tas umiyak na" paliwanag ko naman kay Imee.

"Ang panget mo daw kasi kala siguro nanakawin mo sya" pang aasar naman ni Imee na kinatawa ko.

"Grabe ka na ah ! Lagi mo ko tinatawag na panget" biro ko naman dito na tampo.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon