Imee's Pov:
Sinamahan ako ni Rod dito hanggang makauwi sila Manang at Lia nung isang araw.
Noong pangalwang araw na pumunta sya na wala pa sila Manang ay dala nya si Nanay para tulungan ako sa bahay.
Kahit naman naka kahiya ay wala naman ako na magawa dahil gusto din ni nanay.
Hindi ko naman makalimutan ang kwentuhan namin nung isang araw ...
....
"Bakit di mo sinasabi sa kanya" gulat kong tingin dito ng sabihin nya palang ang salita na iyon.
Nakatingin naman sya kay Rod at Ree na nagla laro sa garden at naka upo lang kami sa lanai.
"Ang alin po ?" Kabado ko naman tanong dahil parang iisa lang ang nasa isip namin.
"Unang tingin ko pa lang sayo, hindi lang basta kamukha mo yung nasa litrato sa wallet nya" paunang sabi naman nito at tumingin sa akin.
"Iha ... Yung kwento mo sa asawa mo at kung paano ito nawala at yung taon ng nawala ito at kung saan ito nahulog, si Rey yun tinutukoy mo hindi ba ?" Sabi naman nito at hindi inalis ang tingin sa akin.
"N-nay" tanging na sagot ko na lang sa kanya dahil sa pagka bigla.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit nya sinabi na buhay ang asawa ko dahil alam nya nung araw na yun na si Rey ay si Rod.
"Nakuha sya ng ate ko sa resort sa baba nun. Naka labas ito ng sasakyan bago ito umapoy mismo. Kami ang nag ligtas sa kanya. Dahil nawalan agad ito ng malay noong madaling araw na iyon hindi na namin ito natanong at kinabukasan ay wala na rin sa daan ang bakas ng aksidente at sinabi lang ng tao na duguan ka Imee ng sinugod sa hospital at mukhang hindi ka nag response kaya inakala na namatay ka at ayun ang usap usapan" kwento naman nito sa akin.
"Kinabukasan na din ng sinugod namin sa hospital si Rey pero sa ibang lugar dahil ayaw ng ate ko na malaman na nakuha namin ito. He didn't wake up for few weeks at nawalan na sya ng memories nung nagising sya. And my ate ... She lost her son from drowning sa mismong dagat na iyon at bumalik kami doon gabi palang at inumaga na kakaiyak nito sa nawala nya na anak, at dun namin narinig ang bagsak mula sa taas at pinuntahan namin agad kung san nag mula ang ingay at nakita namin si Rey na palabas ng sasakyan at duguan" dagdag kwento nito.
"So ini adopt nyo na lang po sya kesa ibalik ?" Tanong ko naman dito.
"Wala kaming nagawa, may depression ang ate ko at feeling nya pag nawala pa si Rey ay wala na din ang buhay nya. Nakita nya ito as ang kanyang anak. Sinubukan ko kayong hanapin ilang buwan ng pagka wala ng ate ko pero di ko talaga kayo nahanap. Sabihin mo na sa kanya ang totoo Imee. Tulungan mo na ang mga secrets doctor nya ngayon" pakiusap naman nito sa akin.
"Hindi ko po alam ang gagawin ko nay, si Iyay po masasaktan sya kahit wala naman syang alam sa lahat" sabi ko naman dito.
"I like Iyay ... Pero alam ko na hindi tama na pina kasalan ito ni Rey kaya hindi talaga ako masyadong agree sa kanilang dalwa. Sinabi ko na kay Rey ... Pakasalan mo kapag bumalik na ang ala ala mo pero umasa na si Iyay kaya hindi na nya ito mabawi" sagot naman nito.
"Bakit po hindi nyo sinabi sa kanya kung alam nyo na po na ako yung asawa ni Rey ?" Tanong ko naman dito.
"Wala akong karapatan pangunahan ka ... Pero look at them Imee, may anak sya sayo, kailangan mo ng ipa alala sa kanya kung sino talaga sya. Naaawa na din ako kay Rey minsan nag iisip yan at sumasakit ang ulo dahil navi vision na naman nya ang babae at ikaw yun dahil kada pupunta lang sya dito saka sya unti unti may naalala sa isip nya" sagot naman nito.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️