Imee's Pov:
"Oh Ate ? Ang tagal nyo naman" sabi naman ni Lia.
"Okay ka lang ?" Tanong pa nito ng parang may hinahanap pa ko sa mga tao.
Umupo naman ako sa tabi ni Lia at tumingin dito ng naluluha.
"Li nakita ko sya" sabi ko naman dito.
"Sino ?" Tanong naman nya sa akin.
"S-si Rod ... Nakita ko si Rod, sya yun yung ngiti nya dun sa kasama nyang babae. Ganun na ganun ang ngiti ni Rod sa akin" kwento ko naman dito.
"Ate baka kamukha lang" sagot naman nito.
"Hindi eh ... Si Rod yun" pagpi pilit ko pa.
Nag announce naman na ng flight namin at wala akong nagawa kung di sumakay na sa eroplano.
Habang nagla lakad sa aisle ng eroplano ay tumingin naman ako sa bawat tao na madaanan ko dahil baka iisa lang kami ng flight.
Pero wala sila ...
Habang nakaupo at nakatingin sa ulap ay di ko naman makalimutan ang mukha ng lalaki na nakita ko.
Si Rod yun ... Kamukha na kamukha nya ang asawa ko.
Nang makarating kami ng manila ay di parin ako nagsa salita at iniisip ko parin ang babae na kasama nito.
Maganda sya, maputi at sexy ...
Hindi kaya hindi sya bumalik dahil ito ang nag ligtas sa kanya noon at napa mahal na sya dun sa babae ?
Hindi kaya sinasadya ni Rod na hindi na ko balikan at mas pinili na mag taksil sa akin.
"Huy ate, baba na ! Nasa bahay na tayo" tapik naman ni Lia sa akin.
Tumango naman ako at bumaba kami ng sasakyan.
Hinawakan ko naman si Lia bago kami pumasok sa bahay.
"Wag mo babanggitin na parang nakita ko si Rod ah ? Sabihin nila paulit ulit na lang akong umaasa hanggang ngayon" pakiusap ko kay Lia.
Ngumiti at tumango naman ito sa akin at sabay pasok ng pinto.
Kalong ko naman ang anak ko na naka tulog na sa byahe.
Pagpasok ng bahay ay sabay yakap ni mommy sa akin kasama si Ree na tulog.
"Nakatulog na sa byahe mommy" sabi ko naman at kinuha naman nya ito sa akin.
"Ate !!!" Sigaw ni Eneri at akala ko ay ako ang yayakapin pero kay Lia dumiretcho para yumakap.
Kinurot ko naman ito ng kinatawa nya.
"Ay kasama ka pala Ate kong isa" sabi nito at yakap din sa akin.
"Ewan ko sayo, basta magkita kayong dalwa akala mo ilang taon di nagkita" sabi ko naman at lampas ng lakad sa kanila.
Pag punta ko ng kwarto ay inayos ko ang gamit ni Ree at napatingin ako sa picture frame namin ni Rod.
"Ikaw yun diba ? Mahal ikaw yun" sabi ko naman sa harap ng picture namin.
Pero bakit ang saya saya mo tignan dun sa babaeng kasama mo ?
Akala ko ba ako lang ? Akala ko ba hindi tayo maghi hiwalay ?
Flashbacks ...
"Ayan okay na mahal" sabi naman ni Rod at tago sa dulo ng farm namin ng mga sulat nya sakin noong bata pa kami hanggang sagutin ko na sya bilang boyfriend.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️