Chapter 5

126 22 5
                                        

Imee's Pov:

Dumaan pa ang isang linggo at iniisip ko parin ang mga sinabi ni Rey sa akin.

Kahit si Lia at sila Manang ay parang naniniwala na rin na baka sya si Rod sa kwento ni Rey na ini kwento ko sa kanila.

Ngayong araw ay pupunta kami ng farm at kasama ko lang ulit si Ree dahil si Lia ang taga bantay ko sa business.

Nasa sasakyan naman na kami ng tumawag sa kanya si Iyay.

Dahil nagda drive ito ay naka loudspeaker naman sya.

"You can't believe babe nasa taas ako ng puno well tree house naman ng mga bata just to have a clear signal" bungad naman nito na kinatawa ni Rey.

"Kapit ha ... Walang sasalo" biro naman nito kay Iyay.

"Madami babe ... Nakaabang sa baba tinitignan ako" sagot naman ni Iyay.

"Kasama ko sila Imee we are going to the farm" sabi naman ni Rey dito.

"He's really so loyal ... Ang swerte ni Iyay" sa isip isip ko naman.

"That's good ... Hi ... Imee" sabi naman ni Iyay na alam nyang naka loud speaker ito.

"Hello" sagot ko naman sa kanya.

"You are with Ree ba ? Sayang wala ko internet only calls" tanong naman nya.

"Ah yes ... Busy nga lang ... sa daan nakatingin" sagot ko naman.

"Babe she calls me Dada last time" sabi naman ni Rey na kinagulat ko dahil baka magalit si Iyay.

"Nasabi mo na yan nung isang araw eh nung mahina signal ko ... Nang aasar ka lang, pag uwi ko Imee I'll go to your house ha ? Hindi ako uuwi ga't di ako tinatawag na mommy" sabi naman ni Iyay.

Para naman akong nainggit sa relationship nila ... They really love each other so much na meron silang tiwala sa isa't isa.

"O-oo naman ... Anytime you are welcome" sagot ko na lang naman sa kanya.

Pagkatapos nito tumawag ay iba naman ang daan namin.

"May dadaanan lang ako sa bahay ah ? Nadala ko kasi yung susi baka umalis si nanay i lock nya wala sya susi pag balik" sabi naman nito.

Nag oo na lang naman ako sa kanya.

Pagdating namin sa bahay ay pinapasok naman muna ako nito.

"Malaki din naman pala bahay nyo eh" sabi ko naman sa kanya.

"Mas malaki yung sayo Imee" sagot naman nito.

Napatawa na lang ako dahil pa humble pa.

Umupo naman ako sa living room at nakita ang malaki nilang wedding frame.

"Good morning iha" sabi naman ng nasa may pinto.

"Ay good morning po" sagot ko naman dito.

"Nay hanap kita eh, eto yung susi nadala ko pala parehas" sabi naman ni Rey dito.

"Nasa may gilid ako ng bahay lang, may bunga na yung talong at okra" rinig ko naman sabi nito.

"Ah nay ... Si Imee po saka si Ree anak nya" ngiti naman pakilala nito sa nanay nya.

"May kamukha ka" sabi naman ng nanay nito.

Taka lang naman ako na tumingin sa kanila.

"Oo nga eh ... Nay kamukha nung nasa wallet ko noh ? Yung binigay ni mommy" sagot naman ni Rey sa kanya.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon