Chapter 6

44 14 4
                                    

Imee's Pov:

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halos 2 linggo na ang nakaka lipas at kapag pumupunta si Rod dito or si Iyay ay pinapa sabi ko na busy ako or nasa manila.

Nagme message naman sila pero maikli ko na lang naman sila sinasagot ng oo at hindi lang.

May dumating naman na parcel at wala sila Lia kaya ako na ang nag labas sa delivery rider at nag received nito.

Saktong alis ng rider ay syang tapat naman ng kotse nila Rod.

Dali dali bumaba si Iyay at tumakbo papunta sa akin.

"Imee !!!! I miss you" sabi naman nito sabay yakap.

"Anong ginagawa nyo dito ?" Sabi ko naman at tipid na ngumiti at bumati kay Rod.

"Na miss ka na eh ... Sabi mo kasi this week ka uuwi kaya ayan inabangan ka talaga" sagot naman ni Rod at ngiti sa akin.

Inalis ko naman ang tingin sa kanya agad at kay Iyay tumingin.

"Pasok kayo" sabi ko naman at pinapasok sila sa loob.

Nakita ko naman na gising na si Ree at nakatayo sa may crib na pilit umaakyat.

Di naman sya makaka alis dahil mataas ang crib nito.

"Tumatakas sa crib ang chubchub" Masaya naman na bati ni Rod at punta agad kay Ree.

"Da-da" sabi naman ni Ree at pakalong naman sa kanya.

Kinalong naman ito ni Rod ...

"Ang daya naman Ree bakit si Dada Rey mo lang ... Call me Mimi naman" sabi naman ni Iyay at lapit dito.

Lumapit naman ako sa kanila at sumama naman sa akin si Ree.

"Anak call her Mimi ? That's Mimi" kunwari ko naman ngiti na sabi kahit masakit sa loob.

"That's dada and this is Mimi" ulit ko pa.

"Da-da" sagot naman ni Ree at turo kay Rod.

"Yes dada and mimi" sabi ko naman at turo kay Iyay.

"Imee ayaw nya sa akin" kunwari naman nito na tampo.

"Hindi yan uulit ulitin lang para matandaan nya" sagot ko naman.

"Go to mimi ? Mimi has candy and toys" uto ko pa kay Ree.

"Hindi sya naniniwala kasi wala kang dala babe" sabi naman ni Rod dito.

"I have kaya ... Wait ha, kukunin ko sa car. May pasalubong ako jan kay baby Ree eh" sabi pa nito at labas ng bahay.

Naiwan naman kami ni Rod at umupo naman kami sa sofa.

"Tagal mong di nag pakita ah" sabi naman nya sa akin.

"Nag manila lang, busy kasi" sagot ko naman.

Tumango naman sya at tumingin naman ito sa mga displays sa isang malaking lalagyan na parang frame.

"Is that different penny and paper money from different country ?" Tanong naman nya.

"Ah ... Y-yes, kasi yung husband ko he loves to travel since 18 eh and collect different currency from different country" sagot ko naman.

"Sinasama ka ? Or like in your 20's nyo na kayo nag meet ?" Tanong naman nya.

"That time kasi nag aaral ako and sya din naman pero online lang kaya nakapag travel sya kasama ang papa, we grew up together" sagot ko naman ng hindi nakatingin sa kanya.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon