Rod's Pov:
Nakatulog naman ulit si Imee habang yakap ko sya.
Tinawagan ko naman si nanay dahil sinabi ko na may sakit si Imee at di ko maiwan at si Ree.
Tulog din si Ree sa crib at natawa naman ako kanina ng bahagya nung nagising pero may pagku kusa na hanapin na lang ang pacifier nya sa crib at matulog ulit.
Pinagma masdan ko naman si Imee na tulog na tulog at mainit parin.
"Why I didn't see you this way the first time we saw each other, ang ganda at amo ng mukha kapag tulog, pero kapag gising maganda na lang kasi yung sumunod mataray, masungit at maldita na" sa isip isip ko naman.
"I need my medicine" sabi naman nito ng magising at tatayo dapat ng pigilan ko na naman.
"Ako na kukuha kain muna tayo kasi mag lunch na din habang tulog pa si Ree" sabi ko naman dito at alalay sa kanya maupo sa headboard.
"Ang sakit ng ulo ko" reklamo naman nito.
"Ano ba kasi ginawa mo ?" Tanong ko naman dito at ayos ng pagkain na ini order nya kanina.
"Yung bayad nyan nasa bag ko eh" sabi naman nito ng makita yung pagkain.
"Na bayaran na ni Ree kanina" biro ko naman dito sabay irap sa akin.
Inilalayan ko naman ito umupo sa maliit na table nya sa room at sabay na kaming kumain dahil pag sinubuan ko ito ay baka ma batukan na naman ako tulad kanina.
"Bakit ka nagka sakit ? Anong ginawa mo ?" Tanong ko ulit dahil hindi nito sinasagot.
"Wala nga ..." Sagot naman nito.
"Okay kila Manang ko itatanong mamaya pag uwi nila" sagot ko naman.
"Nag punta kasi ako sa coconut farm para sana ibigay kay nanay yung mga halaman doon tapos umulan diba kahapon, di ako pumasok sa bahay dun, kasi pa hapon na kung di ko matapos kunin yun mga halaman di ako maka punta kay nanay, promise ko kasi ngayon araw kami mag garden sa inyo" mahina naman nito na paliwanag.
"So naka punta ka ba sa bahay sa ginawa mo ?" Tanong ko agad sa haba ng paliwanag nya at di naman ito sumagot.
"Masama na pakiramdam mo nagpa iwan ka pa pwede naman sabihin mo kay Lia na magpa iwan din. Hindi masamang magpa tulong Imee" pagalit ko pa ng hindi ito sumagot.
"Kanina umiiyak si Ree, tulog na tulog ka, tinabihan mo lang ng gatas nya" tuloy tuloy kong sermon at tinignan naman ako nito ng parang pang evil eyes.
"Tignan mo ikaw pa galit" kabado ko naman sabi.
"Antay ka lang ... Gutom lang ako at masama pakiramdam" banta naman nito.
"Y-yung gamot ano iinumin mo dun mahal ?" Pag iiba ko naman na topic at lalo itong sumama ang tingin sa akin at sinipa ako sa paa.
"Ano ?" Reklamo ko naman dito.
"Wag mo ko tawagin ng ganun !" Sigaw naman nya sa akin.
"Tinawag mo ko kanina ng ganun, ako bawal ?" Katwiran ko naman.
Sasagot naman sya ng umiyak si Ree at nagising dahil sa sigaw nito.
"Tignan mo ginising mo pa" biro ko pa dito at kuha kay Ree.
"Bakit chub nagising ka kay mama ?" Amo ko naman dito dahil kanina pang umaga umiiyak ng umiiyak.
Kumain na lang naman kami habang kandong ko si Ree na behave naman basta kalong sya.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomansaAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️