Chapter 8

32 16 3
                                    

Imee's Pov:

Gabi naman na at kasama ko si Lia sa kama dahil nakikipag kwentuhan ito at si Ree naman ay tulog na sa gitna namin.

Nakikipag chat naman ako kay Rod habang nagda daldal ito.

"Tulog na ... Nilagyan mo pala ng laruan sa bag. Nakaka inis ka, wag mo i spoiled ang anak ko" reply ko dito ng tanungin nito kung tulog na si Ree.

"Hindi naman ... Nakita ko lang yun nung nadaan ako sa plaza di ko lang nasabi sayo na nilagay ko sa bag nya" sagot naman nito.

Bigla naman inagaw ni Lia ang phone ko at tinignan ito saka tumingin sa akin ng may pang aasar.

"Kaya pala ngumiti ngiti" pang aasar nito sa akin pero di ko ito pinansin at kinuha ulit ang phone ko.

"So hinawakan ka nya sa kamay ? Tapos nagcha chat sya para kamustahin ka lang ? Like no other business purpose ? Like that conversation Ate ?" Panigurado naman ni Lia dahil kinuwento ko dito ang interaction namin ni Rod lately at kita nya ngayon kung sino ang ka chat ko.

Tumango naman ako dito ...

"Ate kinikilig ako kay Kuya, I don't think si baby Ree ang kina kamusta nya gusto nya lang ka chat ka" sabi naman nito at pigil na pigil gumawa ng ingay dahil tulog si Ree.

"May asawa yung asawa ko ha, malay mo naman caring na sya ngayon sa iba like nakikipag kaibigan na ito sa babae di tulad nung wala pa syang amnesia" sagot ko naman.

"Ate nagka amnesia lang sya, di nya lang tanda ang buhay nya pero yung mga natural na ginagawa nya, ayun parin yun. Tignan mo mahilig sya mag joke diba ? Sabi mo sweet kay Iyay, yung favorite foods nya noon favorite nya parin hanggang ngayon. Feeling ko Ate nagka kagusto sayo si Kuya ulit" kinikilig naman nito na sabi.

"Wag mo akong paasahin Lia ano ba ! Saka malaking gulo kung mangyari, may Iyay sya sa ngayon" sagot ko naman.

"Ate kung magka gusto si Kuya sayo ngayon it is because ikaw ang mahal nya talaga parin di nya lang alam, hindi mo kasalanan yun" sabi naman nya.

"Pero rinig ko Li nung pagpasok ko sa bahay nila yakap ito ni Rod na naka talikod sa akin sabi nya ipagla laban at pipiliin nya si Iyay palagi" malungkot ko naman sabi.

"Kailangan nya talaga maging si Kuya Rod na, pero may pag asa ka Ate, hindi ganito ang approach ni Kuya sayo kung wala syang nararamdaman na kakaiba" pilit parin nito.

"Eh paano kung mahal nya parin ako or mahalin nya ko bilang si Rey man or si Rod na, pero mas higit parin nya mahalin si Iyay ?" Tanong ko naman.

"Ate wag kang nega ! Just do everything to take him back from where he belong, si Iyay bata pa yun, maintindihan nya na hindi si Kuya Rod para sa kanya dahil may original na nagma may ari na dito which is you" maarte naman nito na sabi.

"I don't know Lia, it is too risky. Lalo na kung hindi naman mag paraya si Iyay dahil mahal na mahal nya si Rod. Gusto ko mabalik ang memories ni Rod, pero hindi ko kaya na mamili ito, pag ako ang pinili masasaktan si Iyay pero pag si Iyay ang pinili masasaktan din ako" sagot ko naman.

"Bakit ba kasi nag sinungaling pa yung nag ligtas sa kanya, dapat sinabi yung totoo na nakuha sya sa may malapit sa dagat at hindi sya nag mula sa kanila simula bata pa lang, edi sana yung sinabi mo sa akin na kinuwento mo sa kanila yung accident nyo nahulaan na agad ni Kuya na baka sya yung asawa mo, sya yung kasama mo sa accident" inis nito na sabi.

"Baka kasi hirap silang ipaliwanag kay Rod kaya nila nagawa yun" sagot ko naman.

"Pero kaya pa ba ng puso mo yung nakikita mo na sweetness nila ? Worst Ate is kakayanin mo ba kung bigla silang magka anak ?" Tanong naman nito.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon