STAR'S P.O.V
Bakit ang dilim? Nasaan ako? At bakit may tali ang mga kamay ko at may takip pa ang bibig ko? May mga lalaking papalapit, may bitbit na baril, pero bakit ganoon? Hindi ko maaninag ang mukha nila?
"Nasaan ang isa?'' Tanong noong lalaking nasa kanan.
"Nakatakas, pero siguradong maliligaw din yun o kaya kinain ng mababangis na hayop," sagot noong kasama niyang nasa kaliwa.
"Siguraduhin mo lang, patay tayo kay boss pag nagsumbong 'yon sa mga pulis," palingon-lingon na sabi nito.
"Ate! Ate!" Tawag ng pamilyar na boses.
Naradaman kong may yumuyogyog sa akin. 'Yon ang dahilan kaya ako nagising. Napabalikwas ako ng bangon at hinahabol parin ang hininga ko.
"Okay ka lang ate?" Nag-aalalang tanong ni Ice.
Tumango ako bilang senyales na okay lang ako. Pero ang totoo medyo nababahala narin ako, ilang araw ko narin kasing napapaginipan at paulit-ulit lang naman ang scene. Sabi rin nina mommy noon, madalas daw akong binabangongot noong bata pa ako.
"Binangongot ka na naman, maligo ka na nga ate. Ang baho mo na! Handa na ang almusal since hindi ka marunong magluto," tumayo ito at sinamaan ako ng tingin bago niya sinara ang pinto. Ang bastos talaga ng lalaking yun. Walang galang sa ate. Well, inaamin ko naman hindi talaga ako marunong magluto baka magkasunog pa sa kusina. Hehehe^_^v
Pagkatapos maligo at mag-bihis, ay sabay kaming kumain ni Ice ng agahan. At agad na lumakad dahil unang araw ngayon ng klase.
Hindi pa nga ako nagpapakilala. ^_^Hai, ako nga pala si Star De Vera,17 years old at magiging Senior student na pagdating sa school. Hehehe. At nasa Academic Track.
May kapatid nga pala ako na sobrang gwapo at sobrang cold kagaya ng pangalan niya, si Ice De Vera. Actually, hindi ko naman siya totoong kapatid. Ampon lang ako. Nakita ako nina Mom at Dad sa simbahan doon sa province nila noon. Sabi nina Mom,baka daw nasa panganib ang buhay ko kaya inampon nalang nila ako at umalis na kami doon. Pero kahit ganoon atleast alam ko kung kailan ang birthday ko. Kung bakit? Mamaya na. Katamad mag-explain.
Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman kami noon pero sumabog ang kompanya kaya nagkasunog ang buong building ng kompanya at kasamang sumabog ang lahat ng nasa loob pati sina mom at dad. Bago magbakasyon 'yon nangyari. Itong bahay na tinitirhan namin ni Ice ngayon ay pag-aari nina mom. May plano na pala silang ilipat kami dito noon pa dahil na rin sa death threat na natatanggap nila. Enroll na kami dito at binayaran lahat ng tuition fee namin. Buti nalang kahit papaano ay wala na kaming problema at may natira pang pera para sa pang-arawaraw, may nakahiwalay na savings rin kami sa banko. Nabaon kasi sa utang ang kompanya at ito nalang ang natira.
"Ate, nandito na tayo," sabi ni Ice sabay ngiti.
Napatingin ako sa mataas na pader. So, ito pala ang High School Department ng Eastwood University.
Tandaan mo Star, ang buhay mo hindi na tulad ng dati na madali ang lahat. Hindi tulad sa dating buhay mo na pantay kayo ng stado ng buhay. Okay?
Napabuntong hininga ako.Kaya mo to' Star De Vera.
"Goodluck Ice, Grade 9 kana," sabay yakap sa gwapo kong kapatid.
"Ano ba,ate?" nakabusangot na angal nito.
"Mag-smile ka nga, pinaninindigan mo yang pangalan mo, sige ka walang magkakacrush sa'yo."
BINABASA MO ANG
The Way Our Horizons Meet
Teen FictionJust beyond the horizon of the so-called impossible, is infinite possibility. -Bryant McGill A love story where you can meet your horizon.