[BELL RINGS]
Lagot. Time na! Hindi ako makakapasok ng classroom nito.
Nandito ako ngayon sa loob ng office niya. Nilock ko ang pintuan pero pilit niya itong binubuksan . HUHUHUHUH T-T Help me!
"Get out of my office! NOW! " O my. Galit siya T-T
"Sorry na kasi, hindi ko 'yon sinasadya. E, kasi naman na curious lang ako. Pag ba lumabas ako patatawarin mo na ako?"
Tumigil siya sa pagkatok at pagsipa niya sa pinto. Pwew! Mabuti naman.
"O-oo na!''
Unti-unti kong inonlock ang pinto at dahan-dahang binuksan.
Pero mali pala ang disesyon kung buksan 'yon dahil bigla niya akong binuhat. Pero hindi 'yong sweet na iniisip niyo. Parang isang damit lang ako na nilagay sa balikat niya. 'Yong kalahati ng katawan ko nasa harapan niya, tas 'yong kalahati nasa likod. Gets niyo? He carried me over his shoulder.
Pilit kong pinagpapapalo ang likod niya pero parang wala lang sa kanya. UGH. Buti nalang bell na at walang studyanteng gumagala. Sa likod siya dumaan. Ang cool lang niya, mabigat kaya ako? Ugh. Ano bang iniisip ko, problema niya 'yon. Hindi ko siya inutusan. Lakad, takbo ang ginawa niya. Napansin ko rin ang tap niya sa cellphone niya. Parang may katext.
Hindi nalang ako pumalag, wala e. Lalaki siya. Siya ng malakas!
Nagulat nalang ako ng napansin kung nasa Parking Lot kami ng school. Bigla niya akong binagsak sa likod ng driver's seat. Habang nasa byahe biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko.
Hindi ko napansin na nakatulog pala ako, siguro dahil sa puyat akong nitong nakaraang araw pero bakit parang ang lambot ng sasakyan ni Dark.
Tama, si Dark. Siya 'yong humabol at binuhat ako. Walangya no?
Ang bango at sobrang lambot, parang gusto ko pang matulog.
Gumulong-gulong pa ako, ay ang galing may nahawakan akong unan. Hmmm.Teka nga bakit parang hindi na kami umaandar.
-.-
o.-
-.o
O.O
Nasaan ako?
Kaninong kama 'to? Napatingin ako sa damit ko, baka nakuha ng kung sino ang v-card ko.
Nagpasalamat naman akong walang nawalang kahit anong damit sa akin.
Kaninong kwarto to'?
Napatayo ako ng wala sa oras. Grabe ang laki ng kwarto. Pwede na yata akong di lumabas pag ganito. May sariling living room sa kwarto. Napalibot ang tingin ko sa paligid. Ang lamig naman, wagas maka-aircon.
Humarap ako sa kama. . King size bed pala ang hinigaan ko kanina, shade white & black ang kwarto. Napatitig ako sa painting na nasa taas ng headboard ng kama. Isa itong falling star, na animoy lalanding sa city. Napa tiptoe pa ako, dahil gusto kung makita 'yong initials, mukha siya 'yong nagdrawing.
BINABASA MO ANG
The Way Our Horizons Meet
Teen FictionJust beyond the horizon of the so-called impossible, is infinite possibility. -Bryant McGill A love story where you can meet your horizon.