CHAPTER 9- The Preparation(2/2)

75 4 0
                                    


*PARKING LOT

Binuksan niya ang trunk ng kotse. Nasa loob na ang pinamili ko kanina sa Grocery. Pabagsak niya itong isinara. Napalingon ako sa gulat. Bwiset to ah!

Pumasok naman ako agad sa tabi ng driver's seat at pabagsak ring isinara ito, aba akala niya siya lang ang may alam ng ganyan.


"Balak mo bang sirain ang sasakyan namin? Kung nagkataon pangalawa mo na'to."


Inirapan ko lang siya. Ano bang sinasabi niya.

Pinaandar na niya ang SUV.


"Kung hindi ka mag-thathank you sa kanya, hindi kita papansinin at isusumbong kita kay Tita. Isa pa hindi dignidad ang tawag niyang tinutukoy mo ate, pride 'yan."


Nag-pop sa utak ko ang sinabi ni Ice kanina. HUHUH T-T Ito lang ang pagkakataon ko, kami lang dalawa, pero paano ko ba 'yon sasabihin?


"D-dark, 'yong kagabi...Ano, kasi---" Bigla nalang siyang umepal. Mag-thathank you na nga sana ako.


"Nasa bahay ang sariling kung kotse. Alam mo ba kung gaano ko 'yon inalagaan? Ni hindi ko 'yon pinapahawak na kahit kanino, kung pwede nga lang itabi ko sa pagtulog ko. 17th birthday present 'yon sa akin ni Dad." Seryoso niyang sabi. Napalingon ako sa kanya.


"Wala akong paki sa history ng kotse mo, okay?" Inis naisipan pang mag-story telling. Gutom ako at pag gutom ako, wala ako sa mood. Samahan pa ng traffic. Ugh.


"Tsss. Ba't di' mo alalahanin ang nangyari kagabi?" Napalunok ako. Bakit feeling ko biglang lumakas ang aircon, gininaw ako.


"A-ano namang nangyari kagabi. Alam kung lasing ako, pero nakakatulog naman ako kaagad." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. May ginagawa ba ako kagabi?


"Psssh. Sigurado ka?" Napatingin siya sa akin, tanging ilaw lang ng syudad ang nagsisilbing liwanag namin sa loob ng SUV napaiwas ako ng tingin. Tinuon ko nalang ang tingin sa labas.


Huwag kang lilingon Star. Baka masapak mo ' yang lalaking yan.

Sobrang traffic naman, matatagalan ko pa yatang kasamang 'tong lalaking to. Napatingin ako sa labas, t-teka 'yon ang videoke bar na pinuntahan namin kagabi. Biglang nalang akong may narinig sa utak ko.

"Oopps. Dahan-dahan lang."

"Shhh-ino kayooo?"

"Shhh-ino ka? Ba't ang init dito shha loob?"

"Star, matulog ka nalang okay? Ihahatid na kita sa inyo. Lasing kana."

"Ahhh! Ikaw ! Ikaw! Ba..Bakit baa ang shhungit mo? An-nak ka.. shiguro ni Shhaatanas.."

"Nandito na tayo."

"A-ang init talagaaa, maghuhubad nalang ako... n-ng damit."

"Star! Not here okay? You can change your clothes when we get inside."

"Problemaaa mo haaaa? Baaakit? Ma-tetempt ka shhhigurooo."

The Way Our Horizons MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon