CHAPTER 10- Acquaintance Party

31 2 0
                                    


This is it! Acquaintance party na. Medyo kabado dahil first activity ko ito as Vice President. Suspended din nga pala ang class ng Elementary & Pre-school, para hindi naman sila magambala. 

Inikot ko ang tingin sa buong field, so far okay naman. Na-excite ako bigla dahil sa mga designs ng booths at ng stage, kaso hanggang 3pm lang kami dito. Para makarating kami sa Island Resort nina Dark before 5pm.. Nauna na din ang mga gamit namin doon. Para hindi kami mahirapan mamaya.

Speaking of that demon, maganda ang welcome address niya kanina, baka nag-search 'yon sa google.

Buti nalang, wala si Mr.Hanssen kanina, hindi ako maguiguilty habang pinapatay ko na sa isip ko si Dark. Kainis naman kasi siya. Lalo na 'yong sinabi niya kahapon.

Ang task din naming mga higher officer is mag-secure na okay lang ang lahat and we also give free snacks for some officers na na-assign sa mga booths.

Kaya heto ako, may dala ng bottled juice para sa kanila. Isang karton ito na may 12 na juice sa loob.

Habang naglalakad, napahinto ako bigla at napangiti. Kasi naman, may isang gwapong nilalang na naglalakad patungo sa harap ko. Hindi lang 'yon naka-shades pa ito habang nakangiti.

Sana kung magkakaboyfriend kasing gwapo niya po Lord..Kasi kahit anong gawin ko hindi ko po talaga siya type.

"Sinong may sabing, pwede nilang pagorin ang bestfriend ko?" Sabay tinanggal niya ang shades niya at huminto sa harapan ko.

"Okay lang, ano ka ba. Late ka na kaya, kanina pa nagsimula ang program."

"Gusto ko 'pag dumating ako, wala akong kahati sa atensyon ng mga tao." Sabay taas-baba pa ng kilay nito. Hay nako! Napailing ako, ang hangin talaga nito. Pero okay lang dahil totoo naman.

Napalingon ako sa bandang kanan ko, dahil napansin kong may nakatitig sa akin.

Kumunot bigla ang noo ko, t-teka tama ba ang nakikita ko? Ngumiti bahagya sa akin si Ashley. May halong pagtataka pero ngumiti narin ako. Tumalikod na siya pero, nakatitig pa din ako sa direksyon niya. Akala niya kaya na may namamagitan sa amin ni Thundery?

Nakakaawa talaga ang kinahantungan ng lovestory nilang dalawa. They're star-crossed lovers their love story is bound to fail just like Romeo and Juliet. Ang pinagka-iba magkapatid sila.

Napaatras ako ng bahagya ng may bumangga sa akin.

"Bakit ka ba nanunulak Zach?"

Uminit bigla ang ulo ko. Si Dark lang naman. Ayaw na ayaw kong nagkakalapit kami. Naaalala ko kasi ang katangahang ginawa ko noong isang araw. Bakit ko ba nagawa 'yon? Ugghh.

Nag-peace sign si Zach bago ito tumakbo at nagmamadaling tumakbo patungo kina Aviana at Dei. Mukhang sinadya nila, ngumiti ang tatlo ng nakakaloko.

Napailing nalang ako. Kahapon pa 'tong dalawa.

Humarap si Dark, may dala itong mga burgers.

"Oh? Kayo pala 'yan."

Tumingin ito kay Thundery sandali tapos sa akin ng ilang segundo bago umalis. Tss. Para saan 'yon?

Tinuloy na namin ang aming ginagawa.

Ang bilis ng oras..

3pm na. Nandito na kaming mga officer sa Van. Habang ang mga students ay nasa assigned bus nila na kanina pa umalis.

Grabe lang talaga ang engrande lang ng Acquaintance Party namin. Napalingon ako ng may tumabi sa akin.

Kainis naman eh! Nanadya talaga 'tong lalaki na 'to. Umayos ako ng upo at sinaksak ang earphone sa tainga ko. Kung bakit naman kasi ang bilis nakatulog ni Thundery, ni hindi pa nga umaandar ang sasakyan. Puyat ba 'tong lalaking 'to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way Our Horizons MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon