CHAPTER4- HANAP-HANAP

73 10 0
                                    

DARK'S P.O.V

I just felt weird this passed days. Hays -,- I think I need to visit my sister's graved and talk to her. Inalis ko ang glasses ko at minasahe ang ulo ko. I really missed her. Ugh. Kukunin ko sana ang ballpen na nahulog kanina nang may kumatok.

*tok *tok *tok

"Pasok," napalingon ako noong nagbukas ang pinto. Si Manang lang pala.

"Ikaw lang pala manang? Bakit po?" napatingin ako sa hawak niya isang medyo malaking box.

"Young Master, naglilinis po kami sa basement, sabi po kasi ni Madame na ipalinis ang basement at itapon daw 'yong hindi na kinakailangan. At nakita po namin 'to pangalan po kasi ng ate niyo ang nakasulat kaya naman po baka gusto niyong tignan,'' tumango lang ako at inilagay niya sa kama ko at nag-bow ito bago umalis.

Lumapit ako sa kama ko at umupo. Tinignan ko ang nakasulat sa labas ng box.

Astra Sirius Sy.

Napangiti ako, Ate Siri. Binuksan ko ang box. Nasa loob bang maraming box at may mga date na nakalagay may videocam at camera. Napangisi ako. Sulat-kamay ko kasi. Inilabas ko lahat. Ito 'yong mga panahong buhay pa si Ate. Mahilig kasi kaming mag-video ng tuwing trip naming 2. Pumunta ako sa harap ng tv at pinasok isa-isa ang mga CD. I smiled bitterly while watching those videos.

Habang nanonood may isang maliit na box na naka-agaw ng pansin sa akin. Wala kasi itong date. Binuksan ko ito, isang CD ang nasa loob. Hmmm? Ano kaya to'?

Ipinasok ko na ang CD ko sa loob ng box nang tumunog ang cellphone. Mukhang oras na. Tumayo ako at pumunta sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo at magbibihis na sana ako ng nagkalat ang CD sa sahig.

Aish! Sino naman kaya ang may gawa nito?

*Arf *Arf *Arf

Ughh. "Deeenveeeeeer!" hinabol ko siya. Nang maabutan ko ay binuhat ko siya maliit lang kasi siya. Papagalitan ko sana nang mapansin kong may kagat-kagat itong letrato. Kinuha ko ito at pinalabas ng kwarto si Denver. Aish! Isa siyang Shih Tzu. Cute siya pero wag palilinlang. Mahilig niyang papakin ang mga bagay na matripan niya.

Napatingin ako sa litrato. Ako ito noong bata ako. May hawak akong kwintas habang nakangiti. Mukhang nasa loob ako ng sasakyan. Pamilyar ang kwintas na 'to? Teka. Agad akong tumakbo at pumunta sa drawer malapit sa kama ko.

Napangiti ako dahil may naalala akong bahagi noong bata pa ako na hindi ko malilimutan kahit kailan man.

STAR'S P.O.V

Yehey! Saturday. Love kita! HAHAHA.

Ito on my way to cemetery. Bibisitahin ko sina Mom & Dad. Ako lang mag-isa kasi baka magdrama ako. Papagalitan lang ako ni Ice. Ayaw niyang umiiyak ako. How sweet my brother diba? Nang nasa gate ako ng cemetery, sumalubong sa akin ang simoy ng hangin. Ang ganda talaga dito, peaceful at green grasses . Mabibilang lang sa kamay ang mga tao naisipang bumisita ngayon. Mabuti naman, ayaw ko kasi kapag marami, mag-momomentum ako ngayon.

Napa-upo ako. Sabay nilagay ang flowers na dala ko above their grave. Napabuntong-hininga ako. Habang sinasabi ko sa kanila lahat ng nangyari noong mga nakaraang araw. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak. Kung nandito lang sila, masaya siguro kami palagi. Sila 'yong kahit, hindi nila ako tunay na anak ay hindi nila akong tinuring na iba sa kanila. Masaya ako kahit na sandali at naranasan ko parin ang magkaroon ng magulang na ipinagkait sa akin noon. Nasaan na kaya sila? Buhay pa kaya sila? Naiisip rin kaya nila ako? Ba't nila ako iniwan? Pinipilit kong inaalala ang kahit ano man, may isip na ako noon. Ba't ba ako nagka-amnesia. Ganoon ba ka, pait ang nangyari? Sabi kasi ng doctor, defend mechanism daw ng utak 'yon, ang kalimutan ang mga traumatic experience. Pinahid ko ang mga luha ko, at ngumiti sabay tumayo.

The Way Our Horizons MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon