CHAPTER 9- The Preparation(1/2)

45 5 0
                                    

STAR'S P.O.V

Nakarating na din kami sa Parking lot kaya naman binitiwan niya na ang kamay ko. Tsss -,- Saan niya ba ako dadalhin?


"Pasok." Utos ng mala-demenyong lalaki sa likod ko. Ang kapal ng mukha kung maka-utos. Nasa harap namin ang isang itim na SUV, nakabukas ang pinto ng passenger nito. Napakunot ang noo ko, bakit sa passenger seat ako uupo? Nasaan ang sasakyan niya? "Bingi ka ba o bingi ka ?" Lumingon ako sa kanya at inirapan siya. Pumasok naman ako kaagad baka itulak pa niya ako. Nagulat ako ng tumabi siya sa akin kaya napatingin ako sa harap.

Ahh. Okay may driver naman pala. Sa tabi ng driver ay isang lalaki, mukhang bodyguard. Napatingin naman ako sa bewang nito. May baril. HUHUHU T-T


"Nasaan ang sarili mong sasakyan?'' Pina-andar na ni Manong driver ang sasakyan.


"Tanong mo sa sarili mo." Napalingon ako sa kanya. "Gago ka? Magtatanong ba ako kung alam ko?" Iirapan ko sana siya ng napalingon sa gawi namin ang bodyguard niyang nasa harap. HUHUHU T-T Masama ang tingin sa akin kaya naman yumuko nalang ako sabay niyakap ang bag ko.


"Tsss."

Bumaba kami sa Parking Lot ng SM. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang phone ko, etetext ko Ice baka kasi mag-alala at magalit pa lalo sa akin at wala na akong bahay na uuwian. T-T

"Young Master, sigurado po ba kayo na hindi kami sasama sa loob?"


"Oo, iwan niyo na sa akin ang kotse, tatawag nalang ako mamaya kung may mangyari man."

Napakamot si Kuyang Bodyguard sa batok niya at nag-aalangang ibinigay naman ng driver ang susi ng SUV.


"Young Master, pwede mo naman ipasara ang buong SM habang namimili kayo, mapanganib sa loob maraming tao kayong makakasalamuha na hindi niyo kilala." Si Kuyang Bodyguard. Teka? Ano raw? Ipasara ang buong SM? Wow ha! Feeler nito. Sino naman siya para ipasara ang buong SM? May-ari ang peg? O.a ha!


"Alam niyo okay lang, tiwala naman ako sa security nila dito. Alam naman ni Grandpa na nandito ako kaya alam kung may nagbabantay na sa akin sa loob ng SM."


"Sige Young Master, aalis na kami." Yumuko ito na tanda ng paggalang ang mga ito bago umalis.

Tapos na akong magtext kay Ice pero walang reply napasimangot nalang ako. Hindi pa nga pala kami bati.


"Tara na." Isa pa 'tong lalaking to! Ugh.

Pumasok kami sa isang store, amoy palang alam kung mga tela na ang nandito. Nagulat naman ako ng biglang yumuko ang guard ng dumaan kami sa tabi niya. Pati din ang mga sales lady. 6 oclock naba? Teka eh ano naman ngayon kung Angelus? Bakit naman sila yuyuko? Tanga ko talaga.

Napatingin ako kay Dark.


"Nasaan na nga pala ang inorder namin na mga tela?" Tanong niya sa kanila. "Naedeliver na sa school niyo po Mr. Sy." Sagot ng sales lady.


"Mabuti."

Patakbo kung sinundan si Dark ba't ba ang bilis niya maglakad -,- Mukhang mamili yata kami ngayon ng design para sa opening ng Acquaintance Party.

The Way Our Horizons MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon