STAR'S P.O.V
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Hindi ako makatulog. Hohohoho. Bwisit na Dark na 'yon. Kasalanan niya to' hindi ako makatulog. Hating-gabi na. Lahat na siguro ginawa ko sa kwarto. Nanuod ng tv, nagbasa, at kahit pag-eexercise makatulog lang. Pero di' parin. Napatitig nalang ako sa kisame. Walang pag-asa ito.
Kinabukasan, malaki ang eyebags ko. Hays-,- Grabe pinagpuyatan ko rin 'to. Kaya naman para akong zombie ng dumating sa classroom namin, lagot may exam pa naman ngayon sa major namin. Ugh. Sana ma postpone, wala talaga ako sa mood ngayon.
"Oh, anyare sa iyo Star?" tanong ni Megan na lumapit sa upuan ko kasama ang boyfriend niyang si Shawn.
"Wala naman. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos kagabi," napatawa silang dalawa dahil doon tinanong kung anong nakakatawa pero bigla nalang silang umalis at ngumiti ng nakakaloko. Tsss -,- Lovebirds!
Napalipat ako ng higa sa ulo ko ng napansin kong umupo si Dark! Biglang kumulo ang dugo ko, kasalanan niya kong bakit, hindi ako nakatulog kagabi. Kung sinabi lang sana niya ang dahilan kung bakit niya alam ang address namin.
Dumating na siya. Kaka-upo lang niya at agad ring inihiga ang ulo sa table at pansin kong naka-sunglasses ulit siya. Mukha tuloy siyang artista. Tsk! Ano bang iniisip ko -.-
Napalingon ako sa harap nang nagtawanan ang mga kaklase ko. At mukhang kami ang pinag-uusapan. Nakatingin sila sa amin. Hindi ko nalang sila pinansin. Makatulog nga muna sandali.
Nagising ako ng may sumusundot-sundot sa balikat ko. Aish! Gusto ko pang matulog -.-
"Bakit?" hindi ko parin iniangat ang ulo ko. Baka si Thundery lang.
"Diba may tanong ka kahapon?" napa-angat agad ang ulo ko. Sh*t ang gwapo. Erase. Erase. Erase. Gusto niyo malaman kung sino? Si Dark lang naman.
"Teka, anyare sa mata mo? Bakit may eyebags ka?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala ka na ron!'' sabi ko sabay inihiga ko ulit ang ulo ko sa table. Sorry nalang siya wala ako sa mood.
"Ang totoo, hinatid kita sa bahay niyo noon." ANO RAW? Inangat ko ang ulo ko.
"Anong hinatid?" Tanong ko wala kasi akong natatandaang inihatid niya ako.
"Wala ka na ron!" sabi niya, umalis ito at padabog na sinarado ang pinto, ang hilig niya sa ganoon ? Teka linya ko 'yon, ah!
Binasa ko ang text ni Thundery may activity daw sa GYM hindi nalang daw niya ako ginising nakakaawa daw ako, parang puyat na puyat. Mabuti nalang, tumakbo ako papuntang labas. Baka maulit ang nangyari noon na nahimatay ako. T-T
Ngunit bago pa ako makalabas ng hallway ay parang may naapakan ako
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!"
At bumuhos sa akin ang isang container ng tubig na may halong food colouring. Sh*t! Ughhhhh. Nakakainis napatingin ako sa taas. Parang sinadya, napatingin ako sa may paliko sa hallway at nakarinig ako ng parang may tumakbo. Agad akong tumakbo, pero wala akong nakita.
Napaiyak ako dahil sa inis. Pumunta ako sa locker ko, titignan ko kung nandoon ba ang P.E uniform ko.
Pinahid ko mga luha ko, dahil alam kong mas bubuhos pa ito. Wala akong P.E uniform. T-T
Buti nalang talaga, wala ang mga studyante dito kundi talagang pagtitinginan ako. Etetext ko nalang kaya si Ice? Baka magalit 'yon. Mapatay pa niya 'yong gumawa sa akin nito, paano nalang kapag aksidente lang 'yon?
BINABASA MO ANG
The Way Our Horizons Meet
Teen FictionJust beyond the horizon of the so-called impossible, is infinite possibility. -Bryant McGill A love story where you can meet your horizon.