CHAPTER8- The New Vice-President

96 5 2
                                    



STAR'S P.O.V

"Whaaaat??!!" nakangiti lang silang lahat. Okay chill ka lang Star, ngayon lang kasi nag-absorb sa utak ko ang mga sinabi nila. "Bakit ako? I mean, transfere lang ako.... Isang simpleng studyante walang kahit na anong espesyal sa akin."


"Pero wala na kaming magagawa, 'yon ang sinabi ng Administration at request daw 'yon ni Mr.Hanssen," sagot ng S.C Adviser. Si Mr.Alonzo.


So, si Mr.Hanssen pala. Siguro parusa niya sa akin to'. T~T Hindi ko na sana siniraan si Dark.


"Nandito ka na pala Ms.de Vera."


Napadako ang tingin ng lahat sa may pintuan, doon kasi nanggaling ang boses. Si Mr.Hanssen Sy kasama ang as always na pinaglihi sa demonyo niyang anak na si Dark na nakasimangot na naman.


"Anong meron dito? At bakit nandyan 'yang babaeng yan?" tinapunan lang niya ako ng tingin. Nako! Sarap ibato nitong vase sa wayfarer na glasses niya para tumusok 'yong bubog sa mga mata niya at para mabaon ko na siya ng buhay. Ano ba yan, nagiging makasalanan na ako. -_____-


"Ow, hindi ko pa nabanggit sa iyo, anak? Siya na ang ipapalit ko kay Cassidy. She will be the new Vice President ng Student Council." Proud na proud pang sabi ni Mr. Hanssen with matching pakita pa ng ever shining teeth niya na ginamit niya noong first meeting namin. Bongga! Parang kakandidato lang ang peg.


"Anoooo?! Siya? No way! Dad, ano naman 'tong gimik na to?" Okay, hindi na talaga maipinta ang mukha niya. 'Yung mukha niya ay parang isang 12 year old na batang spoiled brat na hindi nagustuhan ang binili sa kanya ng parents niya.


"Whaat? Alam mo naman na sa Section A lang pwedeng kumuha diba? I know she can be a good leader. Isa pa matalino siya sabi nga ng teacher niya sa Westbridge ay siya ang laging Top 1, kaya naman hindi na siya mahihirapan pang magcatch-up ng lessons niya kung sakaling magiging busy kayo."

At wala na nga akong nagawa, tinaggap ko na ang pagiging Vice-President. Nakakahiya naman diba? Sino ba naman ako para tumanggi, baka sabihin ni Mr.Hanssen ang arte-arte ko. Pero bago umalis sina, Dark na nakabusangot ang mukha at Mr. Hanssen, ay binulungan niya ako na may oras na daw ako para makilala ang anak niya at baka raw magbago ang isip ko. Tsss. Never!

Niyakap naman ako agad ni Cassidy sabi niya, makakahinga na siya ng maluwag dahil alam niyang sa akin ito mapupunta.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na Videoke Bar at naka-VIP room kami. Na pag-aari pala nina Josh. Despidida Party ni Cassidy. Lahat ng officers ay present except kina Dark & Thundery. Pagod kasi si Thundery dahil practice nila kanina. May game kasi sila ngayong August o shall I say next month kaya naman, sobra ang paghahanda nila. Wala akong choice kundi sumama, dahil welcome party ko daw ito bilang bagong Vice-President. Hays -,- Alam kong stressful ang week na ito dahil nalalapit na ang acquaintance party, buti nalang talaga, tapos na ang examination namin.

Nakakainis, iniisip ko palang na palagi ko ng makikita si, Dark sumasakit na ang ulo ko. Okay naman siya e, 'yong pagkamasungit lang talaga niya. Nako, 'pag yang lalaking na 'yan, ininis ako, susuntukin ko na talaga siya.


"O, Star, ikaw naman kumanta." Nakangiting alok ni Cassidy.

Lagooot. T~T ayaw kong kumanta nakakahiya pero baka sabihin nila KJ ako. T__T Thundery, nasaan ka na ba?

The Way Our Horizons MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon